62: ako 'to eh

20 1 0
                                    

I don't want any company right now. I don't want any noises, I don't want any disturbance. I just wanna sink down into the depths of my mind.

My dad belittled me, and broke the latest masterpiece I painted. “Walang magagawa ang pagpipinta sa buhay mo! 'Wag kang gumaya sa lolo mo!” Ang mga salita niya, humihiyaw pa rin sa utak ko hanggang ngayon.

At ngayon, nagdadalawang-isip ako habang nakatingin sa doorknob na kanina pa galaw ng galaw. The knocks on my door, and her voice.

I tried to ignore it, pero hindi ko magawang balewalain ang chat niya. Kaya naman pinagtabuyan ko siya, pinaalis, pero ang tigas ng ulo niya.

That is how cute she is.

I sighed when the numerous knocks ended. At hindi na rin ako nag-reply sa kan'ya. Napahiga ako sa kama. I stared at the blank light grey ceiling.

“Ako na last chat.” Napakurap ako nang bumalandara sa kisame ang mukha ni Beah, na sinasabi ang mga salitang 'yon. I glanced the door, siguro umalis na siya.

“Whoah! Ang galing ko!” Kaagad akong napabangon nang malakas na bumukas ang pinto at bumungad sa 'kin ang abot-taingang ngiti ni Beah habang may hawak na... Hairpin?

“Paano mo nagawa ang—” Natigil ako sa pagsasalita, at nanigas sa kinatatayuan, nakatitig sa kawalan.

Nang bigla niya akong sinunggaban ng yakap. Mahigpit na yakap. So this is what a home hug feels like. “Van...” bulong niya. I combed her hair using my fingers before hugging her back.

“Nandito naman po ako ah, susuportahan naman kita hanggang-” she paused for a while before continuing, “hanggang sa kaya ko, Van.”

Isang ngiti ang sumilay sa mga labi ko nang marinig 'yon, bago ko mas hinigpitan ang yakap sa kan'ya. We stayed for minutes. Just silence, and our heartbeats while we're hugging each other.

“Patingin ng no'ng winasak ng Papa mo, baka pwede pa po nating buoin 'yon.” Kumalas ako sa pagkakayakap dahil sa gulat. No, she can't see that painting.

But too late, she noticed the broken canvas in the corner. Lumapit si Beah roon, and picked it up, trying to put it back together.

“Ako 'to eh...” She threw a glance at me before gazing at my piece again. “Noong dinner po 'to 'di ba? Iyong inimbitahan ka ni Papa.”

“Well, I guess it is.” Parehas kaming natawa.

“Ang ganda ko kaya rito, Van.”

“Kahit saang anggulo, kyuttie.” For the first time, I called her that way in person.

“Andami mo palang gamit dito 'no? Pwede po magkalat?” she chuckled, at wala na akong nagawa kung hindi tumango lamang. “Kumain ka na muna, Van. Baka gutom ka na,” dagdag niya pa.

DOS 2 : Ako na Last ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon