"KABATAAN"
TAMA NA ANG PAGIGING BULAG BULAGAN
PANAHON NA UPANG MANINDIGAN
PARA SA BAYANG ATING SIILANGAN
KABATAAN, TAYO ANG KINABUKASAN.
HINDI MAN NATIN NAIINTINDIHAN
ANG PINAGDAANAN NG ATING BAYAN
NA NAKASAAD SA KASAYSAYAN,
AT KUNG ANO MAN ANG KATOTOHANAN.
NGUNIT HINDI TAYO MGA BULAG BULAGAN
AT HINDI RIN NAGBIBINGI BINGIHAN
NA MADALING BALEWALAIN
ANG HINAING NG MGA MAMAMAYAN
NA SUMAPAILALIM SA KALUPITAN NG NAKARAAN,
SAPAT NA ANG ATING KAALAMAN
AT NGAYON TAYO NAMAN.
SA ILANG DEKADA NA NAGDAAN
NA TINIG NATIN AY BINABALEWALA LAMANG
NGUNIT NGAYON ANG TAMANG PANAHON ;
MANINDIGAN KA, KAIBIGAN,
PARA SA BAYAN!
PARA SA KINABUKASAN!
SABAY SABAY IPAGSIGAWAN
ANG KINABUKASANG ATING INAASAM
KAIBIGAN,
TAYO ANG PIPILI NG ATING KAPALARAN
TAYO ANG PAG ASA NG ATING BAYAN.
BINABASA MO ANG
sari - sari
Poesíasamot saring mga tulang nag mula sa mga emosyon't isipang hindi magawang ibahagi ng salita.