Chapter 2

194 7 0
                                    

ZOE's POV

Katabi ko ngayon sa higaan si Nathan. Nakatulala lang kami pareho sa kisame at naguusap tungkol sa childhood namen.

"Naaalala mo pa 'yung truth or dare natin nung bata pa tayo?" Napatingin ako sakanya sa tanong n'ya sakin. Nagnod nalang ako at ngumiti.

>>Flashback

"Truth or dare?" Tanong ko kay Nathan habang hawak ang kanyang kamay.

"Truuuuth!" Sigaw ni Nathan. Masaya s'ya kasi hindi mahigpit ang pagkakahawak ko sakanya.

"Ako lang love mo? Forever?" Tanong ko.

"Oo, ikaw lang. Forever!"


"Eh ikaw, Zoe? Ako lang love mo forever?" Nagulat na naman ako sa tanong n'ya sakin. Hahahaha.

"Oo naman noh." Niyakap ko s'ya at ngumiti. I'm so lucky that I have him as my bestfriend. Para ko s'yang boyfriend e. Hohoho. Caring, loving, caring, loving. Hahaha!

He hugged me back and closed our eyes.

Di namin alam na nakatulog kami pareho pero nauna ako nagising sakanya. Saturday ngayon. Ang tagal naman ng pasukan. Huhuhu. Agad akong naghilamos at nagayos saka bumaba sa kusina para magluto ng breakfast namin. It's already 6:43 in the morning, by the way. 

Nang makababa ako sa kusina ay binuksan ko ang ref para tingnan kung ano ang magandang lutuin. Nagpatugtog ako ng Only You ng Miss A. Kumuha ako ng dalawang eggs at kumuha ng ilang bacon. Niluto ko pareho at nang matapos ay nagfried rice din ako. Inayos ko muna lahat ng dapat ayusin saka umakyat sa kwarto ko.

"Nateee, nateee~~" Dahan dahan ko s'yang niyugyog pero walang nangyayari.

"Hnnnng~" Tinalikuran n'ya lang ako at tinakpan n'ya ang mukha n'ya gamit ang unan. Muli ko s'yang niyugyog at finally, bumangon na s'ya.

"Hmmm, anong problema Zoe?" Tanong n'ya sakin habang nagkukusot ng mata n'ya at nainat-inat pa.

"Wala naman, ginising lang kita para kumain na tayo." Saka ko s'ya ningitian.

Agad kaming bumaba kasi pareho nakalaman ang tiyan namin at tahimik na kumain hanggang sa matapos kami. Wala kaming oras dumaldal kapag ganito kami kagutom.

At nang matapos kami ay sakto namang may tumawag sakin at agad ko rin naman itong sinagot. Sumenyas ako kay Nathan na lalabas muna ako at nagnod s'ya.

"Yeoboseyo."

"Hello anak!"

"Mommy! Bakit po kayo biglang napatawag?"

"Anak may gusto sana kaming sabihin ng papa mo sayo kaso masyadong takot sayo ang daddy mo sayo kaya ako nalang."

"Oh ano po ba 'yun, Mommy? By the way, nasa Thailand pa din po ba kayo? Kailan uwi n'yo dito?"

"Oo anak, nasa Thailand pa kami at next month pa uwi namin d'yan sa Pilipinas. At 'yung sasabihin ko sa'yo, magmumove ka na sa Korea bukas."

"Paanong? Bakit mommy? Bakit po ako mamumove sa Korea?"

"Naaalala mo pa ba 'yung video mo noong nakantaka sa harap ng camera? Yung inupload sa youtube? Dumami ng dumami ang views nun at ngayon gusto ka ng kunin ng kaibigan ko at maging trainee ng kumpanya nila." Nagulat ako sa sinabi ni Mommy pero natuwa din ako na makakabalik na akong Korea.

"Opo mommy, sige po. Do I need to pack pa? And by the way, pwede ko ba isama si Nathan sa korea?"

"Actually anak, ipapasabi ko din dapat sayo na kinukuha din s'ya at sabay kayong pupunta bukas. Sige anak, yun lang. At oo, magdala kayo ng damit saka bumili nalang kayo kung gusto n'yo."

"Sige po Mommy! Byeee. Love you!" Saka binaba ko na ang call.

At dahil sa excited ako, agad akong tumakbo at pumunta sa kwarto ni Nathan at niyakap s'ya.

"NATHAAAN! Pupunta tayong korea bukas! Yey!" Nagulat s'ya sa ibinalita ko at niyakap din ako. "Pack now, Nate." At saka ako lumabas ng kwarto n'ya para ayusin ang gamit ko. Nang matapos ako ay narealize kong nakadalawang bagahe ako. Sa isang bag naman ay laman ang mga importanteng bagay tulad ng cellphone, passport, wallet at kung anu-ano pa.

"Nathan! Tapos na akooo. Ikaw?" Sabi ko pagkapasok ko sa kwarto n'ya.

"Excited na ako Zoe." Sobrang lawak ng ngiti n'ya na konti nalang ay mapupunit na ang bibig n'ya.

"Ako din! Di ako makatulooog." Because it's actually 2:11am now. And it's friday na. Humiga ako sa kama n'ya at tinitigan s'ya, tumitig din 'sya saakin saka ako tinanong, "Tara, uminom ng gatas?" Nagnod naman ako at nagpahila sakanya.


It's already 8:50 at nandito na kami sa loob ng airport. 10 minutes nalang ay aalis na ang eroplano. Nang makarating kami sa sasakyan naming eroplano ay agad kaming nagtabi sa upuan at nagsalpak ng earplugs saka pumikit.


"Ate! Ateeee. Gising na!" Tinusok tusok ng nagsasalita ang pisngi ko. Sino ba ito?

"Ate nandito ka na sa Korea, gisinnnng na dali!" At muli n'ya akong pinoke.

Doon na ako nagising.

Nang tumingin ako sa gilid ko ay nakita ko sa tabi ko si Nathan na nakatayo na at hawak ang mga bagahe namin saka ko narealize na nasa korea na kami. Agad akong nagpunas ng mata at naginat saka nagpasalamat sakanya at bumaba na kami ng eroplano.

"Uwaaah Simoy ng hangin ng korea~" Sabi ko kay Nathan.

[A/N: Isipin n'yo nagkokorean sila ah? XD]

"Ang ganda naman dito." Manghang sabi ni Nathan habang naglalakad kami palabas ng airport.

"Sabi ni Mommy, may hotel room na daw tayo e. Bawi ako sa tulog, ikaw?" Tanong ko sakanya at naghintay kami sa labas kung may maghahanap saamin.

"Misseu, misseu Zoe? Sir Nathan. Here, here." Sabi saamin ng lalaking nakaporma pa at pinakita saamin ang ID n'ya. Staff ng SMEnt. So, sa SMEnt kami magtetrain.

[A/N: Hala, sorry na kung ayaw n'yo sa SMEnt. Isipin n'yo nalang din na si Soo Man pa din ang CEO. Hahaha! :D]

Agad kaming sumakay sa kotse at muling sinalpak ang ear plugs namen saka humiga sa balikat ni Nathan. Instant unan.

"We're here." Sabi nung nagsundo saamin at pinagbuksan kami ng pinto. Sinabi nilang sila na daw ang magdadala ng gamit namin sa hotel at gusto lang daw kaming mameet ni Mr. LSM at nang ibang SM artist.

KPOP FANGIRL HERE. LUCKKKY. <3

Hinatid kami nung lalaki sa office ni Mr. LSM at nadaanan din naming nagpapractice ang EXOK. Nang makarating kami don ay sinabi ng lalaking kumatok at pumasok nalang daw kame. Nagbow kami at sya din kaya naman kumatok nalang kame at saka pumasok saka kami sinalubong ni Mr. LSM.

Matagal-tagal din kaming nagusap ni Mr. LSM dahil naengganyo daw s'ya sa skills namin ni Nathan sa language. Kasi kami ni Nathan ay sabay na nag-aral ng japanese at chinese.

Sinabi ni Mr. LSM na ipapakilala n'ya daw kami sa SM artist na nandito sa kumpanya kaya pinatawag n'ya ang mga ito. Nagpasukan ang anim na lalake. Namula ako bigla dahil sa tingin saakin ni Baekhyun at Chanyeol. Bias ko silapareho. Mga bias wrecker na 'yung di nabanggit. :P

"Annyeonghaseyo, EXOK imnida." [A/N: Tama ba? lol.] At nagbow sila kaya nagbow din kami. "I'm Nathan Moore, new trainee." Sabi ni Nathan in korean. "I'm Zoe Ellise Kim, new trainee too." Saka ngumiti sakanilang anim.

"Wah, jinjja. Byutipurr." Sabi ni Baekhyun kaya medyo natawa ako at nagbow, "Kamsahamnida."


——-

[A/N: Halo guyth! Sa susunod nalang 'yung next chapter bleh. Pampabitin, wala naman kasing nagbabasa. Nyadlyffff. Anyways, saktong 1000 words yung last chapter at wala lang. Sinasabi ko lang. Wahahaha. Yun lang, wala naman akong sasabihing importante. XD Jaljja!


-Leanneeee

Their Favorite Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon