Chapter 29

49 3 0
                                    

A/N : AYAN HUH NANGAKO NAMAN AKO NA MAGAUPDATE AGAD AKO E, MASYADO KASI AKONG NAEXCITE SA MGA MANGYYARI E. HOHOHO. GOODLUCK SAAKIN, FIRST STORY NA MAGULO PERO FIRST STORY NA MATATAPOS. HAHAHAHAH. PAGBIGYAN NYO NA AKO KAHIT PANGIT AT RUSH. :< HUHUHU. 

PS. SORRY NA KUNG WALANG CONNECT SI CHANYUR SA CHAPTER NA ITU. POGI PA DIN NAMAN E. HEHEHEH.

——

ZOE's POV

Nagising ako ng may tumawag saakin.

Ugh, Sehun-ah why so early?

"Hello, Zoe? Sorry sa abala." Panimula nya.

"Hmm, anong oras na ba?—-Oh, anong meron? 7:42 am palang ah?" Tanong ko. Ang aga naman.

"Emergency, pwede ba akong pumunta dyan?" Pagkasabi nya ng word na emergency, agad akong nataranta. Anong nangyayari?! Emergency?!

"Sige, magaayos lang ako. Doorbell ka nalang kapag nandito ka na." Sabi ko at binaba yung call. Agad akong pumasok sa banyo para maghilamos at magpalit ng simpleng damit.

Sakto namang narinig ko yung doorbell kaya bumaba na ako. Nang buksan ko yung pinto ay bumungad saakin ang nakangiting mukha ni Sehun. Napangti din tuloy ako at ginulo ang buhok nya pero napansin kong may kasama sya.

Si Baekhyun. Anong ginagawa nya dito?

Agad syang tumingin sakin at ngumiti at may inabot na itim na envelope. Ano to? Imbitado ako sa kasal nila Maddison? Kinuha ko yun.

"Pumasok na muna kayo. Anong gusto nyong inumin? Juice, water, or coffee?" Tanong ko sakanila saka pinaupo silang dalawa.

"Coffee kami with cream." Sabi ni Sehun. Akala ko tatanggihan ako. ._. Hindi pala. "Hehe, salamat. Yie ang ganda ganda ni Zoe." Pangbobola pa saakin.

Naginit nalang ako ng tubig at hinintay kong kumulo yon at nagtimpla ng coffee with cream.

Nang matapos ako magtimpla ay nilapag ko yun sa harap nila. Kumuha din ako ng cookies.

"Oh kain muna kayo." Pilit ko kinalma ang sarili ko at ayoko umiyak.

Namiss ko ang mukha ni Baekhyun. Namiss ko sya.

"Ano nga palang ipinunta nyo dito at napadaan kayo?" Tanong ko. Tumingin silang dalawa saakin.

"Tingnan mo kaya yung laman ng envelope." Sabi saakin ni Sehun. Uminom naman ng kape si Baekhyun.

"Opo boss. Wedding invitation nyo ba ni Maddie to, Baekhyun?" Tanong ko. Eh kung oo, di ko na kailangan tingnan.

Nagulat ako sa tingin sakin ni Baekhyun. Maluha-luha ang mata nya. Tiningnan naman ako ni Sehun with tingnan-mo-nalang-kasi look. Edi binuksan ko na. Nagulat ako sa nakita ko.

F-funeral ni M-maddison.

"Totoo b-ba to? H-hoy! H-hindi magandang b-biro to ah!" Sigaw ko sakanila. Mautal utal pa ako. Bigla akong kinilabutan.

"Zoe..." Tawag saakin ni Baekhyun. Ah, ang sarap pakinggan ng tawag nya saakin. Tumingin lang ako sakanyanat binigay ng 'bakit' look.

"...Sabi ni Maddison ipabasa ko din daw kapag nakabalik na ako." Sabi ni Baekhyun sabay abot ng papel nankedyo gusot na at halatang nabasa.

"Excuse me muna. Kotse lang ako hyung." Pagpapaalam ni Sehun. Nagnod naman sya samantalang ako ay nagnod lang.

"K-kailan pa?" Tanong ko. Kailan pa sya nawala? Kailan pa to nangyari? Nagkita lang kami ah.

"Kanina lang, Zoe." Malungkot na sabi nya. Napayuko naman ako.

Binuksan ko yung papel na binigay saakin ni Baekhyun at binasa yun. Nang matapos ako ay sunud-sunod na oumatak ang mga luha ko.

Hindi ako galit, Maddison. Siguro nung una. Nung di ko pa alam yung nangyari.

Ito pala talaga ang nangyari. Kaya pumayag si Baekhyunna makipagbreak sakin kasi mamamatay na si Maddie. At yun lang ang request nya.

Ang magstay si Baekhyun santabini Maddie hanggang sa dulo ng hininga nito.

Alam nyang bilang nalang ang araw nya kaya nya siguro to ginawa.

Napapatawad na kita Maddie.

"Hindi ko na siguro kailangang magexplain diba?" Malambing na tanong nya saakin.

Napatingin ako kay Baekhyun. Agad akong tumayo sa pwesto ko para pumunta sakanya at niyakap ko sya.

"Namiss kita Byun Baekhyun." Sabi ko sakanya habang naiyak. Sorry naman, iyakin talaga ako e.

"Namiss kita Mrs. Byun Zoe." Sabi nya saakin. Namula ako sa sinabi nya at niyakap nya ako pabalik.

"Happy monthsary." Bati ko sakanya.

"Excited much? Bukas pa kaya!" Sabi naman nya. Tinawanan ko lang sya sa kacute-an nya.

[A/N : TRY NATIN POV KO. XD]

——-

3RD PERSON's POV

Agad na nagising si Sky at bumangon sa pwesto nya ng may marinig syang nagdoorbell pero narinig nya din na lumabas si Zoe dahil sa pinto nito.

"Aish, bakit ba wala pa din si Sam hanggang ngayon? Tss. Papatayin ko yung dalawang yun kapag nalaman ko nagtanan sila." Sabi nito sa sarili nito. Pumunta sya sa banyo para maghilamos at magayos.

Pababa na sana si Sky sa hagdan ng marinig nya ang boses ni Sehun. Sumilip sya ng kaunti at nakita nya si Sehun na kasama si Baekhyun.

"Gagong yun, bakit nandito yan?!" Mahina ngunit galit na sabi ni Sky sa sarili nya.

Kinuha nya nalang yung cellphone nya at earphone saka nagpatugtog. Sumandal na lang sa hagdan at pinapanood sila.

"Hindi ko alam kung bakit ko pa sila pinapanood kung alam ko lang sa sarili ko na masasaktan lang ako." Sabi nito sa sarili nya.

Maya maya ay binuksan ni Zoe yung envelope na binigay sakanya ni Baekhyun. Halatang nagulat sya. Miski si Sky ay nagulat dahil sa biglang umiyak si Zoe.

"Ano ba yun? Wedding invitation ni Baekhyun at Maddie?" Sabi na naman ni Sky sa sarili nya. Nakaearphone sya kaya di nya maintindihan yung mga sinasabi nila. Ayaw din naman nyang marinig yung pinaguusapan nila kasi baka lalo syang masaktan.

May nakita na namang inabot si Baekhyun kay Zoe. Puti, gusot at nabasang papel. Pinanood ni Sky si Zoe habang binabasa yung kung ano mang nakasulat sa papel na yun. Nasaksihan nya na naman ang pagiyak nito.

Inalis nya na ang earphone sa tenga nya at marinig nya ang sinabi ni Baekhyun.

"Hindi ko na siguro kailangang magexplain diba?" Malambing na tanong ni Baekhyun kay Zoe. Napakagat naman sa labi si Sky.

"Ang easy to get naman ni Zoe. Tsk." Sabi nito sa sarili nito kahit di nya alam ang dahilan kung bakit sila nagkaayos.

Tumayo si Zoe sa pwesto nito para yakapin si Baekhyun. "Namiss kita Byun Baekhyun." Nakaramdam ng selos si Sky kahit wala syang karapatan.

"Namiss din kita Mrs. Byun Zoe." Sagot naman ni Baekhyun kay Zoe.

"Nagpropose?" Tanong ni Sky sa sarili nya at nagpatuloy lang syang panoodin ang paglalambingan ng dalawa.

Patuloy lang din sya sa pananakit sa sarili nya.

——-

A/N : DI KINAYA NG BANGS KO. OKEH NA BA? AKO NGA PALA YUNG NAPUPUSUAN NI SEHUN AT AKO DIN YUN MAGIGING GF NI SKY BLEH. SAAKIN SILA PAREHO. HAHAHAHAH! ASSUMERA ANG GAGA.

DONT WORRY GUYS, MAY GAGAWIN AKONG SPECIAL CHAPTER KAHIT NA MAGULO TALAGA TONG STORY KO.

SALAMAT SA PAGBABASA.

PS. ANG GANDA KO. HAHAHAHHA JOKE.

Their Favorite Girl [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon