2

29 0 0
                                    

Zedleigh Luxury's pov

"ate Prof., do you mind if I ask something?" tanong ko kay Ma'am Natalie. Andito ako ngayon sa office n'ya naka tambay. Tambayan ko na talaga 'to kahit noon pa.

"No, baby. What is it all about ba? Acads? Nahihirapan ka na ba sa acads ngayon?" tanong n'ya. Umiling ako at nag isip kung itatanong ko ba or hindi.

"No, not that. Ano po kasi, can you tell me something about ma'am Gabriela. I just want to know her" sabi ko na ikinangiti naman n'ya.

"Si Gab, she's a type of girl na moody, parang laging may red days, she's strict. She wants everything to be perfect according to her taste. Nung unang dating nga n'ya dito pati kaming mga Professor na-intimidate sakan'ya ee. Pero kailangan lang naman n'ya ng konting adjustment that time. She's introvert, pagkatapos n'ya mag turo uuwi na agad 'yon, ayaw n'ya din sa maingay na Lugar, mas gusto pa n'ya mag basa ng books mag hapon tuwing weekends kesa lumabas. Hindi s'ya mag sa salita pag hindi ka nag insist ng convo. She likes Harry Potter so much" kwento n'ya habang nakangiti padin.

Halata naman sa personality n'ya. She's a type of girl na bahay school, bahay school lang.

"she likes Harry Potter?" tanong ko.

"yes, hindi s'ya nag sasawang panuodin at basahin 'yon, sabi nga namin baka balak na din niyang maging wizard ee" tumawa s'ya ng mahina kaya napatawa din ako.

Mukang may alam na akong way para makausap si Miss Santilian. Hindi ako mahilig magbasa or manuod ng mga ganun, but for her, I will.

Tumayo ako mula sa couch at kinuha ang bag ko.

"and oo nga pala, she has a---" hindi na n'ya natuloy yung sasabihin n'ya dahil I gave her a kiss on her cheek, normal na saamin 'to. Professor Natalie is a mother and a sister material for me, kahit 4 years lang ang tanda n'ya saakin, para ko na s'yang ate at the same time nanay pag nasa school. Tinuturing na din n'ya akong little sister n'ya.

"thanks for the information, Mama Nat. Uwi na po ako, bibili pa ako ng car ko ee" sabi ko bago lumapit sa pinto.

"Pero may hindi pa ako na sasabi sayo tungkol kay Gab---"

"Bye, Mama Nat. See you tomorrow" tuluyan na akong lumabas ng office habang naka ngiti.

"so she likes Harry Potter pala" bulong ko sa sarili ko habang nag lalakad papunta sa parking lot.

Sumakay ako sa kotse at umuwi muna, isasama ko si Mommy Zien bumili ng car ko, but before that pupunta muna ako sa bookstore.

________

"you bought books that ain't related to engineering? That's new, Luxury" sabi ni Mommy Di at umupo sa tabi ko at nakibasa.

"yes, Ma. Kanina ko lang binili" sabi ko at hinalikan s'ya sa pisngi.

"ohh, Harry Potter! I remember someone na mahilig din sa Harry Potter" sabi ni mommy kaya napatingin ako sakan'ya.

"Sino po, Ma?"

"Her ex" sabay kaming napalingon ni mommy Di sa pinto dahil si Mommy Zien ang sumagot na naka pang office attire pa.

"hi hoonn!" masayang bati ni Mommy bago n'ya niyakap si Mommy Zien.

"So who's your so called ex, Ma?" tanong ko

"your tito Zack" nangaasar na sabi ni Mommy Zien.

Tito Zach is matalik na kaibigan ng family namin, parang tunay na anak na ang turing sakanya nila grandpa. Nasa USA s'ya ngayon managing his company and airlines there.

"ikaw Mommy Di huh, mahilig ka sa Z" asar ko sakan'ya at sinundo sa tagiliran.

"sinabi mo pa, may crush nga 'yan noon, Zachary ang pangalan ee. Tapos may Zeus pa" tumawa nalang ako kasi ang sama na naman ng tingin ni mommy Di kay Mommy Zien.

Perfect Peace (ProfxStudent) Where stories live. Discover now