4

21 1 0
                                    

Zedleigh Luxury's pov

"ma'am, hindi po ba kayo susunduin ng boyfriend n'yo" tanong ko kay ma'am, nandito s'ya sa hintayan ng mga taxi. Mag isa lang n'ya.

"Mag hihintay ba ako dito kung susunduin n'ya ako?" walang emosyon na sagot n'ya bago ako tinaasan ng kilay.

Oo nga naman, ang tanga mo talaga Zedleigh.

"Hatid ko nalang po kayo, ma'am" I insist at binagbuksan s'ya ng pinto. Pero hindi n'ya lang ako pinansin.

"ma'am, ihahatid ko naman po kayo sainyo ng safe, kaya 'wag po kayong mag aalala" hindi ba talaga gumagana kakulitan ko sakan'ya?

"No thanks. I can go home without your help." sabi n'ya na hindi manlang ako tinatapunan ng tingin.

Sinarado ko ang pinto ng kotse ko at umupo sa tabi n'ya. Kung ayaw n'ya sumabay saakin sasamahan ko nalang s'ya mag hintay.

Hindi n'ya pa din ako pinapansin. Ano ba kailangan kong gawin para mapansin ako ng masungit na babaeng 'to?

May dumating na taxi kaya tumayo na s'ya. Inunahan ko s'ya maglakad para pag buksan ng pinto pero umikot s'ya sa kabilang pinto para doon sumakay.

Is she for real?! Pinag buksan ko na s'ya, sa kabila pa sya sumakay. Dahan dahan kong sinarado ang pinto at kinatok ang bintana ng driver.

"kuya driver, here po ohh. Paki-ingatan n'yo po 'yang malditang sakay n'yo" sabi ko at inabutan s'ya ng cash. Lumingon pa ako saglit kay ma'am na ngayo'y masama na naman ang tingin saakin.

"sige po kuya" tinapik ko ang hood ng taxi. The driver starts the engine, he beep 2 times bago s'ya umalis. I'm just staring at the taxi until it disappear.

Sumakay ako sa kotse ko para umalis na din. Habang nag dra-drive ako ay may nakita akong isang familiar na tao, ay aso pala I mean. Huminto ako saglit para tingnan s'ya. He's holding a bouquet of flower, mukang may hinihintay. Kitang kita ko kung paano lumawak ang ngiti n'ya nang may lumapit sakan'yang babae, binigay n'ya ang bulaklak at ang mas kina-inis ko pa ay hinalikan n'ya ito sa labi.

Ay wow! 'yong girlfriend n'ya hindi n'ya masundo, tapos ang ibang babae nasusundo n'ya? What a womanizer dog. Sa pangit n'yang 'yan, nakuha pa niyang mambabae?

Muka s'yang kabayo tapos 'yong babae n'ya mukang hinete, bagay na bagay sila.

Parehas silang sumakay sa kotse n'ya at umalis, syempre susundan ko sila. Huminto sila sa isang restaurant malapit sa Starbucks.

Pagka-baba na pagka-baba nila sa kotse ay pinaharurot ko ang kotse ko papalapit sa kotse n'ya, hanggang sa naramdaman kong nabanga ko na ito. Well that's my intention in the first place.

"I hit it hard?! Yes! Nice one ZL!" I did a victory dance inside my car habang tumutunog ang alarm ng kotse ko. Wiyuwiyuwiyu!

"What the hell?! Hoy! bumaba ka d'yan!" oh my gosh! Galit na 'yong aso ni ma'am. Baka walang turok to huh.

Sinuot ko ang salamin ko bago bumaba sa kotse ko na parang isang model na pupunta sa isang runway.

"You again!" galit na sabi n'ya habang tinuturo ako. I remove my shades at ngumiti.

"yes, it's me again" mayabang na sabi ko at sumandal sa harap ng kotse ko na tuloy parin sa pag alarm.

"why did you hit my car?!" galit na tanong n'ya. Ngumisi lang ako at pinagmasdan ang kotse n'yang pwede pang idikit ng glue.

"Oww, I'm sorry. Ito kasing car ko, high tech, high ang quality. Limited edition, kusang bumabangga sa mga walang kwentang bagay, kaya nabangga 'yang bulok na car mo, mag ingat ka kasi ba ka sa susunod ikaw na banggain niyan, you're so useless pa naman" I boringly said while looking at him, 'yong kasama niyang babae nakatingin lang saakin habang nakangiti. Muka s'yang masiyahing carrots.

Perfect Peace (ProfxStudent) Where stories live. Discover now