1

70 0 0
                                    

Si Zedleigh Luxury Del Mundo po ang nasa media :>

Zedleigh Luxury's pov

"Ziiiieelll!" napaka lakas na boses agad ni Elijah ang nirig ko pag labas na pag labas ko sa sasakyan. Nakangiti akong tinanggal ang salamin ko at nag fist bump sakan'ya.

"wazupp, ugly creature!" sabi ko kaya naman sinamaan n'ya ako ng tingin na ikinatawa ko.

Kababalik ko lang dito sa Philippines, Grandpa decided na dito ko nalang ituloy ang remaining years ko sa school. He wants me to be the next successor of our university.

"Where's my Mommies?" tanong ko sakan'ya, kinuha naman saakin ng mga Maid yung luggages ko bago kami pumasok sa loob ni Elijah.

"they probably at their room, making your kapatid" natatawa ng sabi n'ya.

"Really? I wanna watch!" tumawa s'ya nang pagka lakas lakas, kaya nahawa na ako. S'yempre charot lang.

"Luxury kooooo!" that's my Mommy Dior. Gara 'di ba? Pati pangalan branded.

"Mommy!!" sigaw ko bago ako lumapit sakan'ya at niyakap siya ng mahigpit, naka pikit pa ako habang nakangiti, because God knows how much I missed this pretty woman.

"Ziiiiii" and that's my another Mommy, Zienleigh. Nakangiti s'yang sumali sa yakap namin ni Mommy Di at hinalikan ako sa noo. Puro 'I miss you' nila ang naririnig ko.

And yes, I have two pretty Mommies.

Hindi nila alam na uuwi ako, si Elijah lang may alam. Gosh, I missed them so much.

"bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na? Edi sana na sundo ka namin" naka pout na sabi ni Mommy at inaayos ang buhok ko. Nag lakad kami papunta sa sofa habang naka yakap ako sa waist nila ni Mommy Zien.

"it'll not be a surprise anymore kung sinabi ko po sainyo" sabi ko bago ko hinalikan ang noo n'ya. Mas matangkad na ako sakanila ngayon.

"Wala ka bang kasama, Zi? Like girlfri--- awch! Para saan 'yon, Mahal?" I laugh silently when mommy Zien rub her red forehead, pinitik ni Mommy Di sa noo.

"My Luxury is still a baby, she's still not allowed to have a girlfriend" sabi ni Mommy habang naka pamewang.

"22 na s'ya, She's not a baby anymore, mahal. 22 years na s'ya sa earth tapos wala pa din girlfriend"

Si Elijah na kanina pa nakikinig at nakangiti saamin ay biglang nasamid sa iniinom niyang strawberry dri-- teka! Akin 'yon aa!! Ngumiti lang s'ya saakin at pinag patuloy ang pag inom na parang wala s'yang kinuha saakin.

"Stop your naughty mind, Zienleigh Del Mundo! 'wag mong bahiran ang inosenteng utak ni Luxury ko" sabi ni Mommy na parang bata.

I'm sorry, Ma. But innocent is not in my vocabulary anymore.

"sabi ni Elijah, Ma. Gumagawa daw kayo ng kapatid ko sa taas" Natatawang sabi ko kay Mommy at tiningnan si Eli na ngayon ay naka-ngiti na ng pilit. Ready na s'yang tumakbo para isalba ang buhay n'ya sa kamay ng isang Amasona.

"t-tita, hindi aa. Wala po akong sinabing ganun"

"para kang natatae, Eli HAHAHAHA" sabay na sabi ni Mommy Zien. Si Mommy naman nakatingin lang kay Eli, a warning look.

"ikaw mag huhugas ng mga plato, Elijah huh" sabi ni Mommy Di bago ako niyakap ulit.

Kay Mommy Di ko namana pagiging clingy ko, and kay Mommy Zien ko naman namana pagiging badass at cool side ko, even her kakulitan namana ko din.

"Let's eat na, before I eat you" sabi ni Mommy Zien, kitang kita ko kung paano namula si Mommy Di at, tiningnan ng masama si Zien. Kinindatan naman ako ni Mommy Zien na ikinatawa namin ni Eli.

Perfect Peace (ProfxStudent) Where stories live. Discover now