Kim's POV
Papunta na ako sa parking lot ngayon. Oo uuwi na ako, well this was a tiring day for me, also the best and worst. Want to know why? Oh ito...
---------------FLASHBACK--------------
(GYM)"Ate Stacey!!" Sigaw ko kaya nagtinginan naman ang mga tao sa gym sakin.. at sa di kalayuan nakita ko ang cheering squad na ang sama ng tingin sakin.. oh bakit na naman? Kasalanan ko ba kung bakit ako pinansin ng K5 hay bahala na...
"Oh Kim kumusta na? Wait anong nangyare?" Tanong nya habang tinitignan ang damit ko...
"Ahm natapunan po kasi nila ako ng juice ate yun nga po pinunta ko dito eh tatanungin sana kita kung may extra uniforms ka." Tanong ko.. oh by the way sya si ate Stacey Lopez girlfriend ng kuya ko.. ang bait niya sakin as in sobra noong nag start na akong mag highschool siya ang naging adviser ko hehe..basta mabait siya swerte ni kuya sakanya. Mayaman siya maganda mabait at only child ni Mr.ang Mrs. Lopez.
"Ah oh sige halika samahan mo ako sa locker room may ibibigay din ako sayo." Sumama na ako kay ate Stacey sa locker room nila.
"Oh ito na yung uniform." Thanks ate! I told her with my jolly tone.
"And ito pa." Laking gulat ko nang pinakita niya ang isang jearsey na may nakasulat na Lee 13.. oh my ggggg!!
"Ate para sakin ba to?" Tanong ko sakanya
"Yap, kasi napagdesisyonan na namin ni coach na isali ang mga 4th years ngayong year. At naisip kita agad kaya ayan." Sabay turo niya sa jearsey "May practice tayo mamaya after dismissal kaya deretso ka na dito sa gym ah." She said while smiling at me.
"Opo ate stacey thank you po talaga!" Ako
"Wala yun.sige na palitan mo na uniform mo baka ma late ka sa class mo." Ate stacey
"Sige po, bye ate thanks ulit." I smiled at her
(Dismissal)
"Okay,class dismiss." Prof. Clinton
Natapos na ang last subject ko. Hayyy hanggang ngayon nahihirapan parin ako sa Math. Bahala na nga. Inayos ko na ang mga gamit ko at dumeretso na sa gym.
Pag punta ko may narinig ako mula sa side ng gym. Parang humahagulgol.. oo yun nga.. Sinilip ko kung ano yun. At laking gulat ko nang nakita ko yung captain ng cheering na nakikipag ano.. yung alam niyo na 3 letter word. Oo nakikipag *** siya sa isang basketball player ng school. Hindi ko alam kung anong name niya. Oh shit kailangan ko nang umalis dito.
Di ko alam na may tao pala sa likod kaya ayan pagkaharap ko muntik na kaming nag kiss buti na lang talaga at na control ko ulo ko. Kung hindi baka wala na ang first kiss ko. Hehe.. pag ka tingin ko si Brix pala oh shet ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nakahawak yung isang kamay niya sa waist ko tapos ako naman nakahawak sa balikat niya. Imagine niyo na lang posisiyon namin. At Woah ang gwapo pala ng nilalang na to. Ang ganda nang mata niya brownish na singkit tapos yung buhok niya bagay na bagay sakanya. Oh gosh ang tangos pa nang ilong niya at ang lips niya red na red parang ang sarap tuloy halikan. Wait what? Geeezz.. erase erase erase. Ano ba tobg ini-
"Picturan mo na lang ako para mas makita mo pa ako ng matagalan." Sabi niya sabay smirk
"What?" Sabi ko. Wala kasi akong maisip na sabhin kasi naman ang lapit namin sa isa't isa.
"Tsk wala. Ano bang tinitignan mo jan?" Tanong niya hindi niya parin ako binibitawan.
"Ahm Brix pwedeng bitawan mo muna ako?" Ang lapit na kasi ng mukha ko sakanya eh. Bumitaw naman siya sakin pero nakatingin lang siya sakin.
"Bakit?" Tanong ko sakanya
"Ang gamda mo."
"Huh? Uy Brix anong pinagsasabi mo?" Oo wala akong narinig eh ang hina kasi nang pagkasabi niya.
"Ha? Ah, its nothing ano ba kasing tinitignan mo jan? At bakit ka nandito sa gym anong gagawin mo dito?" Sunod sunod niyang tanong
"Okay first nandito ako para mag practice ng bask-" hindi ko natapos because that guy cut off my words
"What? Tanggap ka na agad?" Tanong niya.
"Oo nga!, yan kasi hindi muna ako pinapatapos magsalita." Bulong kong sinabi yun.
"What did you say?"
"Wala sabi ko kasali na ako sa team."
"Tsk okay. So anong ngang ginagawa mo dito? May hinahanap ka ba?"tanong ulit niya. Ay puta hindi ba nauubusan ng tanong tong taong to?
"Wala may narinig lang kasi ako jan oh." Sabay turo sa gilid kung nasan yung mga nag aano.
Tinignan ni Brix yun at nanlaki ang mata niya sa nakita niya.
"Hey Kim cover your ears!" Bulong niyang sigaw
"Hindi ako bata Brix." Sabi ko
"Tsk cover it or."
At dahil sa pagtatangka niya tinakpan ko na lang ang mga tenga ko. Hindi ko alam kung ano nang gagawin nun. Pagkatakip ko kasi nang tenga ko umalis siya papunta dun sa dalawa. Hmm. Aalis Na lang ata ako. kaya ang ginawa ko tumalikod na ako at pupunta na sa locker room.
Habang naglalakad ako narinig kong may tumatawag sakin.
"Kim!" Kilala ko ang boses na yun si Brix.
"What know?"
"Ahm. Ano sabay na tayong pumasok?" Tanong niya.
Ok-ay siya ba si Brix?
"Ahm ok." Sabi ko sakanya sabay takikod. Naramdaman ko rin na sinundan na niya ako.
Pag pasok namin sa gym. Biglang naghiwayan ang mga basketball boys at girls. Anong meron?
Tiningnan ko si Brix na naka smirk. Okay naguguguluhan na ako. Ano bang meron!? Hindi ko na inintindi si Brix. Dumeretso na ako sa basketball girls at tinanong sila.
"Uy guys anong meron?" Tanong ko sakanila.
"Wala lang. Uy Kim ah. Ganyan ka na pala." Sabi ng kateam ko si Krissy ata to.
"Anong ganyan?" Tanong ko sabay tingin kay ate.
"Wala. Sige na magpalit ka na para makapag start na tayo." Sabi ni ate
Kaya nagpalit na ako. Pagkalabas ko nakita ko na parang may debate or something. Basta nakita ko na magkaharap ang dalawang captain. Si Kuya Kurt at Ate Stacey. Kaya tumakbo na ako papunta sakanya.
"Ate bakit? Anong meron?" Tanong ko sakanya. Tapos nang tiningnan ako ni ate parang lumiwanag ang aura niya.
"Okay so sinong ilalaban niyo?" Biglang tanong ni kuya kay ate stacey. Napa atras naman ang ibang girls. Tapos tiningnan ako ni ate.
"Si Kim." Wait naguguluhan ako. Ano ba talagang meron? Teen clash?
"Wait ate kuya anong pinagsasabi nyo?" Tanong ko sa kanilanag dalawa
"Nagpustahan kasi kami ng kuya mo na pumili sa mga team natin na maglaban one-on-one. Boys vs. Girls kung sinong mananalo manlilibre. At kung sinong talo. Magiging slave for 3 weeks."