Kim's POV(DAY 1)
Nasa dining table ako ngayon kasalukuyang kumakain kasama sila Mama Papa at Kuya.
"So hows first day nak?" Tanong ni mama
"Okay lang po." Matamlay kong sabi
"Oh nak bakit parang matamlay ka?"
"Wala po ako sa mo-"
"Kasi ma ayaw niyang gawin yung deal namin." Sabi ni kuya habang nginunguya ang pagkain niya.
"Anong deal yun anak?" Tanong ni dad habang umiinom siya ng kape
"Kay kuya niyo na lang po tanungin siya po pasimuno." Sabi ko kanila mama at papa
At yun kwinento ni kuya habang ako nakikinig lang at nag eenjoy ng pagkain ko.
"Sige mom dad alis na po kami." Sabi ni kuya na nakatayo
"Sige, ingat kayo ah."
"Sige po." Sabi ko sabay kiss sa cheeks nila
~~~~~~~
Nakarating na kami sa school at nandito na naman ang mga nag titiliang mga babae. Kelan ba magsasawa tong mga to. Geeez
"Kuya una na po ako." I told him ang he just noded.
Papunta na ako sa room nang nag vibrate phone ko.
From: 0935*******
Punta ka ngayon sa last section A.S.A.P
-BRIXSi Brix pala. Hindi na ako nag reply sakanya pumunta na agad ako sa last section may 45 minutes pa naman before mag bell.
Nasa pinto na ako nang may biglang humawak sakin at hinila ako papalapit sakanya at tinakpan ang bunganga ko.
Nagpupumiglas ako pero hindi ako nakawala kasi Masyado siyang malakas.
"Hmm!agtvshxnsjuwbwjjuwbuwnudbzfbeduezwiwnsny!!!!!"
"Ssshh.. wag kang maingay."Sabi niya
Alam ko tong boses na to. Uh-oh. Sana walang mangyari sakin. Huhu. May mga pangarap pa ako sa buhay. Waaaa!!
Naglakad na kami papalayo sa room. At pumunta sa.... LIBRARY?! realtalk sa Library talaga?
Pinakawalan na niya ako at iniharap sakanya."Sorry ah." Sabi ni Ivan
Oo si Ivan ang nanghila sakin.
"Okay lang hindi naman ako nasaktan. Ano pala ipapagawa mo sakin?"
Tinignan niya ako sabay turo nang library at bigay sakin ng notebook. Ok? Anong gagawin ko sa notebook?
"Anong gagawin ko sa notebook?" Tanong ko sakanya
"Malamang susulatan mo! Tsk"
"Alam ko pero ano nang gagawin ko dito?"
"Sagutin mo assignment ko sa physics yan ang ipapagawa ko sayo bilang slave at magkita tayo mamayang recess dito sa library."
"Ok." Yan na lang ang nasabi ko tapos tatalikod na sana ako pero hinila na naman niya ang kamay ko. Realtalk ganyang na ba ngayon? Naghihila na sila?
"Why?" Tanong ko pero kinamot niya lang batok niya. Ugh! Ma lelate na ako mamaya.
"Sabay ka sa akin mag lunch." Sabi niya
"What? Why? Hindi mo ba kasama si Alyson? Baka magalit sakin yun." I said habang nakakunot ang noo ko.
"Tsk. Sasabay pa ba siya sakin wala na kami." Ay oo nga pala. By the way Alyson was her girlfriend pero wala na sila nun nung nakita namin siya na may ka ANO. Pero ngayon ko lang nalaman na wala na sila.
"Ay oo nga pala. Hmm. Tignan ko na lang kung hindi ko makakasabay si Gail." Sabi ko sakanya pero sana kasabay ko nga si Gail. Ayaw kong makisabay sa mokong na to.
"Ok sige bye basta txt na lang kita. Thanks Kim." Sabi siya sabay talikod sakin. Woah bago yun ah
Ang isang Brix Ivan Scott na masama, lasenggo, adik, nag thank you sa isang nerd na tulad ko? Woah.. hahaha"Sige. Bye!" Nag smile at nag wave na ako
Pumasok na ako nang room. And guest what kung anong first subject ko. Yeah si ex ko. Si Math. Huhu.. alam ko naman na ayaw niyo din sa Math. Sasabihin ko sa inyo sa lahat ng subject Math ang pinakamababa ko pero wala akong line of 8 at lalong lako na't wala akong line of 7. Haha.. I really hate Math kahit nerd ako hindi parin mai aalis sakin ang pag ayaw sa isang subject.
Kaya nang nag bell na ni ready ko na ang sarili ko."Good Morning class." Bati ni Mrs. Antonio.
Waaa! Sa apeliyedo palang nakakatakot na eh. Huhuhu."Okay so first i-recall natin ang mga lessons niyo from G7 hanggang sa third year niyo para mamadaliin lang kayo sa Math niyo ngayong year." Pasisimula na ma'am and then nagpa-pass na siya ng mga papel.
"So ang gagawin niyo lang is to answer those and makikita ko na jan kung san kayo mahihirapan at para makita ko na ang ranking students ko." At dahil sa sinabi ni ma'am tumingin ako sa table ni Ian. Nagkatinginan kami pero umiwas na siya nang nagsalita si ma'am.
"Okay so your time starts now." Sabi ni ma'am sabay tingin sa relo.
Tinignan ko ang test paper. Woah! Madali lang to haha. Simpleng algebra lang siya. Kaya ko to.Hmmmm. 34-(85+2x)=5x+8
(A.N= kinata ko lang yan kaya wag niyo nang sagutin. Maguguluhan lang kayo.)After 45 minutes tapos na ako. As in ako pa lang. Tinignan ko si Ian. Naka smirk siya habang nagsasagot aba sinusubukan ata ako nito eh. Grrr.. hindi ko na lang pinabsin yun.
Lumabas na lang ako at nagpunta sa library. Sasagutin ko pa ang assignment ni BI. Este Si Ivan pala
Pagkabukas ko what the?! Ang gulo naman nito. Di ko magets ang pinagsusulat niya. Tsk. Kaya tinxttan ko si Ivan na pumunta siya sa Library. Habang naghihintay ako. Tinanggal ko ang glasses ko at ianalyzed ang pinagsusulat ng mokong na yun. Oo may glasses ako. For support lang naman kasi masyado akong adik sa pagbabasa at sa palaging nakatutok sa laptop ko."Haayyts. Ang hirap intindihin. kanina ko pa sana to natapos kung maintindihan ko at sana makapag recess na ako. Ugh!" Bulong ko sa sarili ko.
"Oh." May nagsalita habang inaabot sakin ang isang piatos. Pagtingin ko sa nagbigay si Ivan pala.
"Huy ano ka ba bawal foods dito." Bulong ko sakanya. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Okay lang yan. Kilala naman nila ako. Kaya hindi ako mapapagalitan kay mama." bulong niya sakin sabay ngiti nang malapad.
"Ah. Well thanks na lang then." Sabi ko sakanya habang binubuksan yung pagkain. Napapansin ko lang. Pala ngiti na tong taong to eh.
"So... bakit mo pala ako tinawag." Tanong niya sakin. Hindi ako makasalita kasi may laman pa bibig ko malamang. Haha peace!
So pinakita ko sakanya ang notebook niyang burara..haha."Oh anong meron sa notebook ko?" Tanong niya sabay kuha ng piatos ko. Ugh! Kala ko sakin lang yun. Kaasar.
"Hindi ko maintindihan."
"Ang dali dali ngang intindihin eh. Sus. Sabihin mo na lang na namiss mo na ako." At dahil sa sinabi niya nabulunan ako.
"Oyy oy oy. Oh tubig." sabay abot nang tumbler niya.
Uminom naman ako dun at tinignan siya nang masama. Tapos tingin sa mga tao sa library. Sh*t ano na lang masasabi nila pag kasama ko ang leader ng K5.
"Thanks." Sabi ko sabay abot ng tumbler. Wait lang..
"Bakit may tumbler ka? Err. What I mean is, hindi ka naman ganyan dati eh. Bakit bigla kang bumait?"
Tanong ko sakaya. Pero sa inaasahan kong sasagot siya. Wala eh. Tumawa lang siya. Kaya pinalipas ko na lang yun. At pinagpatuloy na lang ang gagawin ko este namin."Ivan ano to?" Tanong ko sabay abot sakanya nang notebook niya.