1A3
Trisha Lourice Cruz
Binasa ko ulit yung pangalang nakasulat sa bulletin board. Hinanap ko rin pangalan ng crush ko.
Kurt Sevilla
Yes! Blockmates kami. Pero bigla ko rin binawi ang ngiti ko.
For sure, marami nanamang magkakagusto sa kanya. Sabagay, malandi naman kasi 'yang lalakeng 'yan. No doubt na magkakaroon agad ng bagong syota 'yun.
Hay na'ko. 'Wag ka na umasa diyan, Sha. Skin-handicapped ang loko kaya manhid.
Nagulat ako ng may umakbay sa'kin na mabigat na braso at pinisil ang ilong ko. Sinasabi na nga ba. Andito nanaman siya.
"Sha! Namiss mo ba 'ko?", sabay tawa na parang baliw.
"Tigil-tigilan mo nga ako, Nathaniel. Parang kahapon lang nakikilamon ka sa bahay namin ah. Inubusan mo 'ko ng cake. Leche ka!"
"Aray naman, sha. Pasalamat ka inubos ko 'yung cake mo no. Walang papatos dun dahil hindi ka masarap magbake."
"Ah ganon?" Sinuntok ko ng mahina sa tiyan 'tong baliw na 'to. "Luwa mo lahat ng kinain mo."
"Joke lang Trisha. Di ka mabiro" napakamot pa sa ulo habang nakapeace sign si Nate.
Ito ang bestfriend ko since First Year High School.
Si Nathaniel Luke Hernandez.
Taray ng pangalan! Mala-prinsipe lang. Pogi naman 'tong bestfriend ko. Ayoko lang sabihin baka masyadong matuwa at bumagyo.
Edi kasalanan ko pa kung bakit maraming mabibiktima 'to?
Di ko naman masasabing kilalang-kilala ko na si Nate. Pero may sapat na kaalaman naman ako tungkol sa kanya na minsan pinangbablackmail ko na din. HAHAHA.
Siya ang dahilan kung bakit nakilala ko ang ultimate crush kong si Kurt.
Paano? Hmm. Fourth Year kami nun. Bago naming classmate si Kurt at nagulat pa ako sa nalaman kong magkaibigang solid silang dalawa ni Nate.
Never namention sakin ni Nate na may iba pa siyang bestfriend.
Kaya medyo nagtampo ako kasi madalas akong magkwento sa kanya pero siya, bihira lang.
Inexplain naman nila sakin at ayun madalas na kaming magkakasama. Napapahanga ako ni Kurt sa bawat araw na may nadidiskubre ako tungkol sa kanya.
Yung jokes niyang 'di benta talaga? Nako. Siya lang ang tuwang tuwa. Pero nakakatawa kasi nakakahawa yung good vibes niya.
Mahilig siya sa Math. Minsan, tinitigan ko siya habang nagsosolve sa notebook niya, halata mo sa mukha niya na seryoso siya at di pwedeng istorbohin.
Yung charming smile niyang nagpapatigil sa oras ko.
Yung pagkahilig niya sa mga bata. Lalo na nung nakita kong nakipaglaro siya ng basketball sa mga batang halos grade 1 pa lang.
Yung drawing niyang masaklap pero ang cute lang kasi tuwa na siya sa sarili niya.
Yung pagiging matakaw niya sa pagkain lalo na sa sweets.
At marami pa.
Yun nga lang, marami na siyang nagiging girlfriend. Mapa-schoolmate, classmate, taga-ibang school, chatmate, nakabungguan o sino pang babaeng basta maganda at sexy.
Pinapatulan niya.
Naglalakad kami ni Nate sa hallway ng university papunta sa room namin ng may sumabay sa aming maglakad.
"Pare!" Sabay fist bump kay Nate at tuwang tuwa pang nagyakapan ang dalawa. Yung tipong makasakat na yakap na may tapik sa likod. Mga baliw talaga.
Then finally, lumingon siya sa' kin at pinakita ang famous charming smile niya.
"Nice meeting you again, Trisha. Kamusta ka na?"
Di uso sakin ang matutulala na parang timang.
Pero napatameme ako ng tawagin niya ako sa pangalan ko.
First time 'to!
BINABASA MO ANG
FALLEN
Teen FictionAng hirap ngayon sa mundo ay yung pag may pinasok ka ng sitwasyon, dapat panindigan mo. Wag mo aatrasan. Lalo na 'pag nahuhulog ka na para sa isang tao. Oo, takot kang i-try pero paano mo malalaman ang mundong kalalaglagan mo kung hindi mo susubukan...