Chapter III

30 1 3
                                    

HINDI PWEDE 'TO.

Paano niya nahalata?

Hinawakan ko siya sa braso.

Haaay. Paano ko ba sasabihin?

Napayuko ako.

"Nate, kasi...ano."

"Okay lang. Naiintindihan ko."

Napatingin ako sa kanya na para bang may milagrong nangyari.

Weh? Totoo ba 'to?

"Talaga?"

Tumango-tango pa siya.

"Yup! Naiintindihan ko na medyo awkward ka pa rin kay Kurt. At nagseselos ka kasi kahati mo siya sa attention ko hahahahaha ano?", tinaas taas niya pa ang kanyang kilay sabay kurot sa pisngi ko.

"Ang cuuuute mo magselos."

Ang mata kong puno ng hiwaga na nakatingin sa kanya ay napalitan ng panlilisik. Kala ko ba naman...

"Kapal mo naman koya. Oo naaw-awkwardan ako kay Kurt pero please lang. Hindi naman ako possessive na kaibigan. Gusto mo ipamigay pa kita e."

"Psh. Ano ako? Tuta lang?"

"Oo. Mukha kang chihuahua. Payat payat mo. Nakikigaya ka dun sa mga male kpop stars."

"Hoy hindi ah. Ikaw nga, mukha kang bulldog. Lawlaw pisngi. Hahahahahaha."

"Gagi ka!"

Akmang susuntukin ko siya sa tiyan pero iniwas na niya yung sarili niya.

"Hep hep hep! Wag yung abs ko. Masasaktan sila."

"Tsss. Isa lang 'yan. Kaya ab lang. Laki ng tiyan mo no.", sabay irap ko.

Tinawanan niya lang ako at ginulo ang buhok ko. Hanep. Isang beses na nga lang ako magsuklay sa isang araw e.

Pero buti na lang iba yung napansin niya. Akala ko kung anong "something" 'yun. Muntik na akong umamin dun ah. Kung 'di niya tinuloy, malamang nabuking akong ng wala sa oras.

Whew!

Naisip ko...

Hindi pa ito ang oras para malaman ng bestfriend ko na may crush ako sa kaibigan niya.

Malamang baka imbis na itago niya 'yun, baka makarating agad kay Kurt or makahalata siya.

Edi end of the world na.

Ah basta. This is not the right time.

Don't rush things, sha.

FALLENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon