May sumiko sa akin.
"Huy! Sha!"
Anak ng! Makasiko naman 'tong Hernandez na 'to. Wagas. Lagot ka sakin mamaya.
Omelele. Shet. Kilig.
TINAWAG AKO NI KURT SA PANGALAN KO!
"Trisha" daw oh.
Okay. OA na.
Behave, Sha.
I was back to my senses at binati din si Kurt.
"Oh, Kurt! Ayos lang. Eto, ready na mag-college. Ikaw, Kamusta summer?"
Ngumiti nanaman siya. 'Wag kang ganyan, Kurt!
Mahirap ang hindi magpahalata na kinikilig.
Bago pa niya sagutin 'yung tanong ko, may tumawag na sa pangalan niya.
"Omg! Kurt Sevilla? Is that you?"
Tsss. One of his flings nanaman.
Unlimited ata babae nitong si Kurt ah.
"Wendy?", gulat na tanong niya.
"Buti naman naaalala mo pa ako" *insert ngiting maharot*
Binulungan ko si Nate.
"Hoy, Nate. Parang may kamukha siya."
Napatingin naman siya sa'kin at binulungan din ako.
"Mukha siyang model. Chix na ituuu."
Tignan mo 'tong lokong 'to. Kinurot ko tuloy sa tagiliran.
"Aray naman, sha. Kanina ka pa ha. Brutal de Trisha Lourice ka nanaman."
"Eh seryoso kasi! Familiar itsura niya."
"Sino naman siya? Kilala mo?"
"De, asa naman. Kamukha niya yung nakadisplay na babae dun sa Wendy's.Yung makikita mismo na design sa drinks. HAHAHAHAHA. Tamang-tama kulay pula rin buhok nun at nakapig tails. HAHAHAHAHA di ko kinaya.", sabay hampas sa braso ni Nate.
Napansin ata nila Kurt na tawa ako ng tawa at napalakas din yung mga sinabi ko.
"Ah, trisha? Okay ka lang?"
Napatigil ako sa pagtawa.
Swear. Di na ako manlalait. Nakita kong masama ang tingin sa akin nung girl na Wendy's. Pfffft. Benta naman ah.
At si Kurt na hindi mo alam kung nakangiti ba talaga o sarcastic lang dahil sa panlalait ko sa kalandian niya.
Dahil sa hiya, hinawakan ko si Nate sa kamay at hinatak ko para makatakbo na sa room.
Nagpaalam ako sa kanila. Kay Kurt lang pala.
"Ah, Kurt. Una na kami ni Nate. Magpapalibre pa ako dito e. Bye!"
Tumakbo kami hanggang sa makaalis kami sa main hallway.
Hinihingal na kami kaya napagpasyahan naming tumigil sa isang bench malapit sa garden.
"Sira ka, Sha! Anong kalokohan 'yun?", hinihingal at natatawang sabi niya.
"Gago ka. Di mo ko tinulungan kanina gumawa ng excuse."
"Hahaha pero sayang. Chix pa man din 'yun. Papakilala sana ako."
"'Wag na. Mataas sa cholesterol ang Burger. HAHAHA."
"Baliw. May napansin ako." Sumeryoso bigla ang aura niya. Kinabahan naman ako. Hindi niya alam na may crush ako kay Kurt. Sana hindi iyon ang napansin niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagtanong.
"Ano yun?"
Napansin kong nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa'kin o hindi. Please, sana hindi 'yon. Please, sana hindi 'yon. Please, san-
"Parang may something ka kay Kurt."
BINABASA MO ANG
FALLEN
Teen FictionAng hirap ngayon sa mundo ay yung pag may pinasok ka ng sitwasyon, dapat panindigan mo. Wag mo aatrasan. Lalo na 'pag nahuhulog ka na para sa isang tao. Oo, takot kang i-try pero paano mo malalaman ang mundong kalalaglagan mo kung hindi mo susubukan...