KABANATA 1

21 3 0
                                    

Sam

Nagr-ready na ako papunta ng church ngayon, medyo binibilisan ko na ang kilos ko para hindi na ako malate, napagalitan kami last week ng dance head namin na si kuya Jason dahil lagi na lang kaming late.

Hinintay ko pa muna si Mama na makaalis bago ako magasikaso well unfortunately, my parents are against sa pagchu-church ko and I am currently praying for it. Nahihirapan ako magpaalam lalo na kapag may mga gatherings sa church pero kahit na ganon I understand them or should I say I "need" to understand them.

I am Samantha Ramos, 22 years old pero looking 16 kidding aside, malapit lang ang church sa bahay namin so technically naglalakad lang ako to save money and para makapag exercise na din. Napatingin ako sa phone ko ng magring iyon at napabuga na lang ako ng hangin ng makita ko kung sino ang tumawag.

"Hello B, Wait lang ah paalis pa lang ako." Bungad ni Madison. As usual sobrang bagal niya kumilos ewan ko ba sa babaeng 'yon napakatagal kumilos.

"Oo na bilisan mo maligo, kapag tayo napagalitan na naman ah." Sagot ko at narinig ko ang tawa niya sa kabilang linya right, 'yong paalis niya ibig sabihin 'nun paalis pa lang siya sa higaan.

Pinatay ko na ang tawag at binuksan ko ang cellphone ko at nanood ng YouTube, diehard fan ako ng SB19, sobrang talented kasi nila, isa pa sobrang pogi. Sobra talaga akong nah-hook sa kanila ngayon. Mahalima on top. Ilang oras pa akong nanood ng makita ko ang chat ni Madison na nasa kanto na namin siya kaya pinatay ko na ang cellphone ko at lumabas na ng bahay. Naglalakad na ako at sa 'di kalayuan ay nakita ko na si Madison.

"Girl napakatagal mo talagang kumilos." Bungad ko kaagad sa kaniya at sinagot niya naman ako ng tawa.

"Anong ganap sa birthday mo?" Dagdag ko pa, si Madison ang pinaka mahiyain sa amin tatlo pero dati hindi naman siya ganiyan. Nawala si Madison sa church dahil sa parents niya, may ibang church silang pinupuntahan and almost a year din bago siya nakabalik ng tuluyan sa church. Sobrang happy go ni Madison noon pero ngayon sobrang laki ng pinagbago niya, kung gaano kaingay ang bibig niya 'nun ngayon ay ngiti na lang at tawa ang isasagot sa'yo.

"Hmm hindi ko pa sure kila Mama, gusto ko lang ng simple pero ayaw naman nila." There's something in her voice at alam ko na kung bakit, napailing iling na lang ako at wala ng umimik sa amin hanggang sa makarating kami sa church. Binungad agad kami ng good morning ni Kuya Jason, isa si Kuya Jason sa hinahangaan namin pagdating sa pagsasayaw at pagdating sa leadership pero walang jowa, madaming nagkakagusto sa kaniya pero feeling ko praying pa siya. Lumabas muna ako saglit para ichat si Gia, magkakasama kaming tatlo sa dance at nasa iisang community group lang din kami kaya halos magkapalit na kami ng mukha dahil kami na lang lagi ang magkakasama.

"Hello nasaan ka na?"

"On my way." Maikling sagot niya at bago ko patayin ang tawag ay may pinaalala pa muna siya sa akin tungkol sa mga kailangan naming gawin mamaya sa production. Bababa na sana ako para bumili ng pagkain dahil nakalimutan ko pa lang kumain kanina ng makasalubong ko si Chael kasama si Kuya Mark, agad naman akong binato ng asar ni kuya Mark.

"Inaantay mo ba si Chael?" He said while laughing and I laughed akwardly. I don't know hindi naman ako mahiyain pero nawawalan ako ng sasabihin kapag kaharap ko na siya mabuti na lang at nagpatuloy na sila sa paglalakad, napalingon ako ng magsalita si Chael.

"Good morning."

Napangiti ako at lumingon, sasagot na sana ako ng makita kong si ate Ella pala ang kausap niya na head ng prod, napailing na lang ako at palihim na natawa, hindi lang ako basta naging mahiyain naging assuming na din. NBSB ako since birth, ayoko magkaboyfriend unless sure na ako na siya na talaga and isa pa ayoko magsayang ng oras lalo na marami akong nakikita sa mga kaibigan ko na negative things kapag nagmamahal sila. Kapag nagmahal ka ibig sabihin gusto mong masaktan saka ang love ay hindi nakakabusog lalo na kapag gutom ka.

JUST LOVEWhere stories live. Discover now