KABANATA 2

17 1 0
                                    

Sam

Naglalaba ako ngayon  ng mga damit namin, ayoko talagang kumikilos kapag lunes kasi pagod pa ang katawan ko galing sa church kahapon pero wala naman akong choice dahil baka kumain na naman ako sermon sa nanay ko. Sobrang strikto ng mga magulang ko, siguro dahil na rin sa sakit ko at syempre bunso pero minsan sumosobra na sila 'yong mga sinasabi nila below the belt na parang hindi nila ako anak, but here I am convincing myself that it is their way to show their love for me pero kailangan bang manakit kapag nagmamahal ka? Napailing na lang ako saka nagpatuloy sa ginagawa.

Ilang oras pa bago ako natapos sa paglalaba saka ako dumiretso sa kwarto. Kinuha ko muna ang cellphone ko bago ako humiga, mabuti na lang at wala laging tao sa bahay namin kaya kahit papaano ay nakakapagpahinga ako, binuksan ko ang messenger ko at nakita ko ang group chat naming tatlo, napailing na lang ako dahil gusto nila pumunta dito sa bahay jusko kulang na lang dito na sila tumira dahil lagi na lang sila nandito. Nag-reply lang ako ng 'okay' saka ko muling ipinatong ang cellphone ko sa study table at pumikit.

Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako at narinig ko na lang ang malakas na katok sa pintuan at sigaw ni Madison kaya tumayo na ako at pinapasok sila, rinig ko agad ang hagikgik ni Madi.

"Grabe 'di ko talaga in-expect 'yon." Panimula ni Madi bago umupo.

"Ang alin?" Nakikinig lang ako sa kanila habang sinimulan na ang pagluluto ng pagkain.

"Si Jenny may gusto kay Chael, nako Gia tigilan mo na 'yang pagka-gusto mo kay Chael, masyado na siyang sikat." Tatawa tawa pang sabi ni Madi at saglit akong natigilan saka napa bumuntong hininga.

"Sa kaniya na, hindi ko naman talaga gusto iyon natutuwa lang ako sa kaniya." Ganiyan si Gia, napaka unbothered niya at isa pa alam naman namin kung sino talaga ang gusto niya. humarap na ako sa kanila saka lumapit pero napakunot ang noo ko ng binigyan ako ni Madi at Gia ng nang aasar na tingin.

"Ikaw, anong masasabi mo?" Asar nila, napairap ako dahil kahapon pa sila ganiyan ng sabihin kong may nagugustuhan na ako.

*Flashback

Pauwi na kami ng magyaya si ate Stella na kumain sa labas at binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin ng makita ko sa likod namin ang Community Group nila Kuya Mark kasama sina kuya Jason, Chael at Adrian. 

"Oh bakit, anong tinitingin tingin mo diyan Sam? Tinitignan mo na naman si Chael ah." Kantyaw niya pa at natawa na lang ako, naubos na lahat ng hiya ko buong maghapon. Nagkwentuhan pa kami nila Gia tungkol sa school namin, magkakaiba kami ng school dahil hindi rin naman kami pare parehas ng course.

"Ginugulo ka pa rin ba ni Lans?" Tanong namin kay Madi at humugot siya ng isang malalim na buntong hinihinga. 

"Ewan ko ba dun. Kaya kayo huwag kayong magpapauto sa mga lalaki diyan, kung may nagugustuhan kayo sabihin niyo na agad."

"Oo nga sabihin niyo na agad lalo na ikaw Sam, kung kailan tapos na saka mo lang sinasabi sa amin." 

"May nagugustuhan na ako pero hindi ko muna sasabihin saka na kapag sure na." Agad kong sagot at sabay sila napatigil sa paglalakad, mabuti na lang at nasa likuran kami nila ate Stella. Bago pa nila kami mapansin na huminto kami ay nagpatuloy na ako sa paglalakad at sinundan naman ako ng dalawa ng may nanglalagkit na tingin. 

Hindi nila ako tinantanan hanggang sa makarating kami, mabuti na lang at hindi napapansin ng mga kasama namin ang kakulitan ng dalawang 'to. Nakarating na kami sa lagi namin pinupuntahan na place, I don't know pero kapag pumupunta ako dito parang ang weird ng feeling ko. 

Umupo na ako sa bakanteng upuan saka pumikit at nilanghap ang hangin, talagang ramdam mo na talagang malapit na ang pasko dahil sa lamig ng simoy ng hangin.

JUST LOVEWhere stories live. Discover now