Grid
Mabilisan kong pinunasan ang namamawis kong noo dahil sa kaba habang papasok sa Gate nila Josh.
Sumalubong sakin si Jien na naka W sitting position habang umiiyak at si Daniella naman na nakanguso habang nakatingin kay Jien.
Lalapitan ko sana si Jien pero naunahan na ako ni Mrs. Herrera at pinag-ayos silang dalawa.
"O' Grid, ang aga mo, kaka gising ko lang. Upo ka muna." Matapos sabihin yon ay napatingin siya sa nangyayari sa kanila Jien. "What happened? Daniella, ano na naman ginawa mo sa Kuya mo? Ikaw lang talaga laging nagpapaiyak kay Jien. Gustong gusto mo siya kalaro pero pinapaiyak mo naman." Naiiling na sabi ni Josh.
Ang nakangusong si Daniella ay agad na pumalahaw ng iyak sa sinabi ng kaniyang ama. Agad namang dinaluhan ni Josh si Daniella.
"Don't cry na, ano ba kasing ginawa mo at umiyak na naman kuya mo?" Tanong ni Josh at binuhat si Daniella.
"H-he couldn't understand me po Daddy e kaya po nainis ako, hindi ko na siya pinapasali sa laro namin." Paliwanag nito sa gitna ng pagluha.
"Not everyone could understand you especially when your explanation isn't clear. Napaliwanag mo ba ng maayos ang gusto mong sabihin?" Sagot ni Josh at hinalikan sa noo si Daniella.
"A-ang b-bilis niya po magsalita." Umiiyak na sabi ni Jien na nakayakap kay Mrs. Herrera.
"See. Kaya pala e, magsorry ka sa kuya mo tapos bagalan mo masyado magsalita para maintindihan ni Jien."
Nang matapos ang ganap ay lumapit sakin si Josh.
"Ano palang kailangan mo bro? Business problem?" Tanong nito.
Tumingin ako dito at nilakasan ang loob. "Josh, I know this what I'm going to say would surprise you but I hope you would let me."
Tumango sakin si Josh at hinihintay ang sasabihin ko.
"I wanna take Jien home. Kung pwede sana ay kunin ko siya, please allow me Josh."
At tulad nga ng inaasahan ko ay nagulat ito, hindi nakaimik basta na lang nakatingin sakin.
Mrs. Herrera walked close to us, he looked at me with astonishment when he saw his husband's surprised face.
"Please let me Mrs. Herrera. Please, please I will take care of him real good please." Paulit ulit akong yumuko sa mga ito.
"Ah---- I don't know what y-you're talking about Mr. Supheres." Nakakunot noong sabi nito.
"I wanna take Jien home Mrs. Herrera, please allow me. Kung may gusto kayo, sabihin nyo lang sakin, j-just allow me to take Jien home please."
Tulad rin ni Josh ay bumukas rin ang gulat sa mukha nito. Pero si Josh ay ngayon ay nasa malalim ng pag-iisip.
Mabilis na naka recover si Mrs. Herrera at umiling agad sakin.
"No, I won't allow you and that's final." She firmly said like no one could change her mind.
"Please Mrs. Herrera. Please. Please. Please." I begged as I stare at her yes.
Napatingin ako kay Jien nang yumakap siya sakin mula sa gilid ko.
Ngumiti ako sa kaniya ng maliit bago tumingin mula kay Mrs. Herrera.
"Why? Why do you wanna take him?" Biglang salita ni Josh.
Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Mrs. Herrera at humarap sa asawa niya. "Ano bang pinagsasabi mo? Bakit mo pa siya tinatanong?" Naiinis na sabi nito.
YOU ARE READING
Jien Of Grid (M-preg)
Fanfiction"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22