Chapter 28

6.9K 296 121
                                    

Grid

"Mom. Dad." Bati ko sa mga magulang ko nang madatnan ko sila sa baba na kausap si Jien.

Kakaligo ko lang. Ginulo ko ang basa kong buhok at lumapit para maupo sa tabi ni Jien.

"Don't mom, dad us. You didn't call us for a month!" Pagalit na sabi ni Mom.

"Love. Si Jien nagugulat sa sigaw mo." Saway ni Dad kay Mom.

Sabay kaming napatingin ni Mom kay Jien. Ngumiti lamang ito kay Mom at umiling.

Napanguso na lamang ako, buti pa iba nginingitian niya.

Saka lang nalaman ng magulang ko na buntis si Jien noong lumipas muna ang isang buwan matapos naming malaman na buntis si Jien. Nasampal ako ni Mom noon kasi bakit kamakailan ko lamang pinaalam sa kanila habang si Dad ay napapailing na lamang.

"Buksan ko na 'nak." Paalam sakin ni Nay Rita nang marinig namin na tumunog ang doorbell.

"Wala ka naman ngayong nararamdamang sakit Jien?" Tanong ni Mom.

"Wala naman po Tita." Sagot ni Jien.

"Mom or Mommy." Pagtatama ni Mom kay Jien.

"Mommy." Nakangiting sunod naman ni Jien.

"Good. Wag mo kakalimutan na mommy ha."

"Opo."

"I still can't believe Jien is pregnant." Nakatitig na sabi ni Mom kay Jien habang ginugulo ang buhok nito. Lumingon ito kay Dad. "Love sundan natin si Grid? Pero ikaw magbubuntis."

Natawa kaming tatlo nila Jien at Dad.

"Hayst bakit kasi hindi na lang lalaki ang nabubuntis, malalakas naman kayo." Angal ni Mom.

Napatingin kami sa pintuan nang bumukas iyon.

Tumayo ako at binati si Mr. Rivera.

Napatayo rin sila Mom and Dad.

"Mr. Rivera." Bati ni Dad. "It's been a while."

"Mr. and Mrs. Supheres." Mr. Rivera greeted back as they shake hands.

"Have a seat Mr. Rivera." Sabi ko dito bago umupo.

"Do you have a meeting with my son, Mr. Rivera?" Dad asked as he sit back.

"No. I came to visit my son."

"Your son?" Nagtatakang tanong ni Mom.

"Yes, Jien is my son." Sagot ni Mr. Rivera na nakapagpalaki ng mata nila Mom and Dad.

Agad na lumingon sakin si Mom at piningot ako. "Bakit hindi mo samin sinabi."

"Ouch mom, nong isang araw ko lang din nalaman."

Lumapit si Mr. Rivera kay Jien at hinagod ang buhok nito at pinatakan ng halik ang noo. "How are you, son? Maayos lang ba pakiramdam mo?" Tanong ni Mr. Rivera sa anak.

Tumango naman si Jien. "Opo."

"Here, bumili ako ng chocolates." Agad na binuksan ni Jien ang bigay ng ama at nilantakan iyon na ikinatawa naming lahat.

Natauhan si Jien at nahihiyang napayuko.

Nangingiting pinunasan ko ang gilid ng labi niya.

Nagsimula na kaming mag-usap nila Dad at Mr. Rivera.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang mabitawan ni Jien ang medyo malaking plastic. Agad akong humawak sa braso niya.

"What's wrong?" Nag-aalala kong tanong.

Jien Of Grid (M-preg)Where stories live. Discover now