TROIS POV
Hindi ko makalimutan si Reid. Bakit ganito may iba ang nararamdaman sa kanya, is it because siya ang nakauna sa akin kung kaya ay parang especial siya sa akin?
Pero I have to move on. Trois trabaho lang iyon, tandaan mo. Dahil sa daddy mo kaya mo ito ginagawa okey? May trabaho kapa huwag mo na siyang isipin pa.
Kakaisip ko ng kung ano ano hindi ko namalayan andito na pala ako sa hospital kung saan naconfine si Daddy, papalitan ko si kuya sa pagbabantay.
Sobra akong nangamba ng araw na iyon na bigla na lang natumba si daddy habang wala si kuya.
Mabuti na lamang at naisugod si Daddy agad sa hospital, ngunit hindi namin inaasahan ang sinabi ng doktor.
"Dederetsuhin na kita hija, mahina na ang puso ng daddy mo, isa pang heart attact ay baka hindi na ito kayanin pa, masyado na ring niyang pinapabayaan ang sarili niya, at hirap na siya sa paghinga.
Kailangan niyang magstay pansamantala dito for monitoring hanggang maging stable ang lagay niya." Sabi ng doktor sa akin.
Tanging tango na lamang ang naging sagot ko ng sandaling iyon. Hindi naging maayos ang buhay namin, lalo na si Daddy ng iniwan kami ni Mommy, kasama na rin don ang paglipat namin ng tirahan.
Laging tulala ang Daddy, halos hindi kumakain ng maayos. At sa pangyayaring ito paniguradong kakailanganin namin ng malaking halaga. Nasa private hospital si Daddy at paniguradong mababaon kami sa utang nito.
Kaya naman isang matinding desisyon ang kinailangan kong gawin....
BINABASA MO ANG
A NIGHT WITH TROIS
قصص عامةPaano kung pag-gising mo mahirap kana? Ang mga nakasanayang mong mga bagay bagay ay isang iglap mo lang ay wala na? Makakaya mo bang maghirap kung hindi mo naman ito kinalakhan? Makakaya mo bang sumugal para sa mga taong mahal mo?? Makakaya mo bang...