ALFRED POV
Hawak ko ngayon ang resume na isinubmit sa akin ni Trois 3 months ago. Tatlong buwan na siyang nagtratrabaho sa akin bilang dancer. Ako na mismo ang magdadala nito kay Reid at malaman kung aanhin ba niya ang mga ito para iblackmail ako ng ganun.
Hayy. Tinggap ni Trois ang offer ko noon dahil sa kalakihang kita doon. Unang kita ko pa lang sa katawang taglay niya alam ko ng papatok ang Bar ko dahil sa kanya. I can say that she has a perfect body any man can desire.
Kasabay ng pagpayag niya ay ang ilang kondisyon una na rito ay ang pagsasayaw lamang ang kanyang magiging trabaho, means hindi siya pwedeng i-take out ng kahit na sino. Bawal din siyang i-table at higit sa lahat ay tungkol sa mga damit na kanyang susuotin tuwing sasayaw siya. Wala namang masama sa mga kundisyon niya kaya pumayag na rin ako.
Unang gabi pa lamang niya ang sobrang patok na siya sa mga kalalakihan. Ako nag nakikiharap sa tuwing may mga mayayamang gusto siya makuha. Ako ang nakikipag-usap sa mga ito. Madame ang naging interesado sa kanya lalo pa at tuwing sumasayaw siya kalahati ng kanyang mukha ay may maskara.
Lima ang mga dancer ko pang-anim si Trois, hindi siya katulad ng lima na gabi gabing sumayaw, dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo kung siya ay sumasayaw. Nakagawian ko ng bigyan ng alyas ang mga bebot ko dito sa bar at isa na si Trois na pinangalanan kong Violet.
Kilala ang mga dancers ko bilang Girlfriends ko kuno, binyag sa akin yan nga mga tarantado kong mga kaibigan, kasama ko nang lumaki ang ito, tulad ko may iba't ibang pagkatao. Magkakaibigan din ang amin mga magulang, business partners actually.
Si Baxter Dela Fuente, isang negosyante at kilala sa Mobile Technologies. Yahok din sa babae ang isang to. Pero very much loyal kay Monique yan, ang alaga niyang Retriever.
Si Clyde James Hex Chua, half Pinoy half Chinese hotelier naman siya, pagmamay-ari niya ang The Palazzo Hotel na ngayon ay nagkalat sa iba't ibang panig ng mundo. Siya ang pinakamadada sa aming magkakaibigan. Habulin din sa chix ang isang ito pero malihim. At iisa pa lang ang naging syota niyan. Lumalabas yan kasama ang mga babae pero they only make out. Ewan ko ba kung bakit hindi sila nakakarating ng kama.
BINABASA MO ANG
A NIGHT WITH TROIS
Genel KurguPaano kung pag-gising mo mahirap kana? Ang mga nakasanayang mong mga bagay bagay ay isang iglap mo lang ay wala na? Makakaya mo bang maghirap kung hindi mo naman ito kinalakhan? Makakaya mo bang sumugal para sa mga taong mahal mo?? Makakaya mo bang...