UNO

6 0 0
                                    

Sa loob ng tatlong taon naming pagsasama ni Karl wala akong problema sa trabaho niya. Pero simula nung lumipat siya ng lugar na pinagtra-trabahohan niya palagi na lang siyang umuuwi ng late.

"Mahal, dumating ka na pala." Sambit ko sa kanya pagka pasok niya sa loob ng bahay. "Lumamig na yung pagkain na niluto ko para sayo. Iinitin ko lang mahal mag pahinga ka muna." Sabi ko at kinuha ang pagkain sa mesa para ilagay sa microwave.

"Mahal wag ka ng mag abala, kumain na ako kanina nilibre ako ni Gio."

Ah ganon ba, sa bagay. Alas 10 na rin naman ng gabi at alam kong pagod siya. Si Gio nga pala ang una niyang naging kaibigan sa pinagtra-trabahohan niya simula nung bago palang siya lumipat.

"Mabuti naman mahal. Sige ligpitin ko na lang ang mga ito at magpahinga ka na sa kwarto." Sabi ko ng may mapait na ngiti sa mukha.

"Sige mahal." Sabi niya at pumasok na din sa kwarto. Napa upo ako sa bigat ng aking nararamdaman. Halos dalawang lingo na si Karl na umuuwi ng ganitong oras. Kadalasan kasi alas 7 palang na sa bahay na siya at sabay kaming kumakain ng haponan.

Sa una palang hindi ko gusto ang trabaho ni Karl kasi nga siya ay isang fitness instructor. He always has a mob of babes flocking around him. Eh ayaw ko naman mag reklamo kasi house wife lang ako. Dapat sinusuportahan ko siya sa ano man ang ginagawa niya.

Pagka gising ko sa umaga nag handa na agad ako ng almusal namin ni Karl habang siya naman ay tulog pa. Marami na akong natapos sa mga gawaing bahay ng magising ang asawa ko at sabay na kaming kumain.

"Good morning my sunshine, I love you." Bati niya sa akin sabay halik sa mga labi ko.

"Sayo din mahal." Tugon ko at pinagsilbihan ko na siya para kumain. Wala naman masyadong kaganapan sa umaga namin kasi nagmamadali siya para pumasok sa trabaho kahit malapit lang naman ang pinagtra-trabahohan niya.

Nang matapos na ay pumunta na agad si Karl sa trabaho pero di niya alam na naiwan niya pala ang cellphone niya sa sala sa pag mamadali niya. Ito na naman ako sa suspicions ko, kahit alam kong masasaktan ako sa malalaman ko pero binuksan ko pa din ang cellphone niya.

Nag tungo agad ako sa mga social media accounts niya pero wala akong nakita. Ang huli kong tiningnan ay yung messages niya and then my suspicions were confirmed!

I was shaking in disbelief and pain.

"Karl, gusto ko maging tayo." Hindi ko binuksan ang message na yun na galing sa pangalang Pia. Sapat na ang nakita ko para masaktan ako at mag desisyon na hiwalayan ang asawa ko.

Biglang dumating si Karl galing sa trabaho at alam ko na kung ano ang inuwi niya.

"Mahal, that's what I came back for. Naiwan ko ang cellphone ko. Thanks! Balik na agad ako sa trabaho ko ha, I love you." Sambit niya at binigay ko naman sa kaniya ang cellphone niya.

Ang galing bakit parang wala lang sa kaniya? Hindi ba siya nag iisip na baka nabasa ko ang mga message nila ng kabet niya? Kampante ba si Karl?

Whole day akong hindi makapag isip at trabaho ng maayos dito sa loob ng bahay dahil sa text na yun. Kinagabihan hindi din ako makatulog habang si Karl naman masarap ang tulog. Naiinis ako dahil paano niya nagagawang matulog ng mahimbing habang ako ito, miserable?

Habang tulog si Karl kinuha ko na naman ulit ang cellphone niya at sakto naman nag text ulit yung Pia.

"Hi Karl, I know you're asleep but how about we go on a date tomorrow night?" Basa ko sa nakalagay sa screen. Nanginginig ang kamay ko. Fourth year wedding anniversary namin ni Karl bukas at bukas pa talaga sila mag d-date ng kabet niya? Nanginginig ang kamay ko at gusto kong burahin ang message. Pero naisip ko din na maging last test to kay Karl kung ano ang mas pipiliin niya.

Pagka gising ko sa umaga hindi ko muna binati si Karl kasi ganon naman din siya. At dahil dun nag dududa na naman ako. Nasasaktan ang puso ko sa ginagawa niya. Hindi na ako makapag hintay na umuwi siya galing sa trabaho.

"Mahal, happy 4th year wedding anniversary sa atin. Sorry nakalimutan kong bumati kanina kasi male-late na ako sa trabaho ko. Sana na iintindihan mo ako mahal kahit alam ko naman na mahaba ang pasensya mo sa akin kaya kita mahal na mahal. Hintayin mo ako mamaya pag uwi dahil may pasalubong ako sayo."

Message galing sa asawa ko. Hindi ko alam pero I think he's giving me mixed signals. Ano to Karl? First I refused to believe he would betray me.

Pero ganon paman ay nag hintay pa din ako sa kaniya. 9 pm na pero hindi pa din nauwi si Karl kahit alam kong 10 pm na siya madalas umuwi. Nag luto ako ng masasarap na pagkain kahit alam kong masakit sa akin ang ginagawa ni Karl na patago.

Naghintay lang ako sa kaniya hanggang sa 10 : 30 na ng gabi. Naiinip na ako Karl. Nag o-overthink na ako na baka nag date nga sila ng Pia na yun.

Pag strike ng 11 pm ay dumating din si Karl. May dala siyang bouquet. "Late ka na naman sa mga plano mo." Sambit ko habang nakatingin sa kaniya ng masama.

"Makikipag hiwalay ako Karl sa ayaw at sa gusto mo. Alam ko ang lahat tungkol sa kabet mo! Nakita ko ang mga message niya sayo." Nag iba ang expression ng mukha ni Karl. Hindi ko ma describe. Parang nagulat na may pang hihinayang. Sige Karl, yan ang gusto kong makita. I want you to regret all the things you did!

"Hindi mo binasa lahat ng conversations namin mahal. There's something else you should know." Sabi niya sabay abot sa akin ng cellphone niya.

"Karl, gusto ko maging tayo."

"Hi Karl, I know you're asleep but how about we go on a date tomorrow night?"

"I don't need anyone other than my wife Gwen, lubayan mo na ako Pia dahil mahal ko ang asawa ko. I'll block your number." —Karl's reply to Pia.

My husband turned down the girl who was flirting with him. Pero bakit sobrang late na siya naka uwi? Hindi pa rin ako kampante.

"Bakit 11 pm ka na umuwi kahit alam mo na anniversary natin ngayon at hinihintay kita?" Tanong ko sa kaniya.

"Mahal, dumating yung may ari ng pinagtra-trabahohan ko at may nga ginawa kami dun sa gymn. Hindi na ako naka pag text sayo kasi marami rami at busy kaming lahat dun. 8 pm na kami natapos mahal. Tsaka kaya ngayon lang ako nakauwi kasi naghanap ako ng bagong trabaho. Nag resign na ako bilang fitness instructor mahal."

At dahil dun nasiyahan ako pero at the same time nalungkot din. Nasiyahan ako kasi hindi na siya magiging fitness instructor at wala ng nga babae na aaligid sa kaniya. Nalungkot din ako kasi alam ko simula palang mahal na mahal ni Karl ang trabaho niya kasi diyan kami nagkakakilala sa gymn. Nakita ko kung gaano niya kagusto ang ginagawa niya at ngayon nag resign siya para humanap ng bagong trabaho. Alam kong malungkot din para sa kaniya pero ginawa niya pa din kasi mahal niya ako higit pa sa trabaho niya.

"Alam kong may pag dududa ka sa akin simula nung late na ako umuuwi palagi galing sa trabaho. Pagod na din akong makita kang nahihirapan at nasasaktan ka. Alam ko din na kapag naubos ang pasensya mo magiging ugat ito ng away natin. Kaya imbes na dumating tayo sa point na yun, maaga palang ititigil ko ng mangyari yun." Sabi niya habang niyayakap ako at hinahaplos ang buhok ko.

"May binili nga pala ako para sayo mahal ko." Bumitaw siya sa yakap namin at inabot ang dala niyang bouquet. Tinanggap ko ito ng may ngiti sa labi tsaka inamoy. At sinundan naman ni Karl ng halik.

"I love you, Gwen. Happy 4th year anniversary."

Na realized ko, love is all about trust. Otherwise, you can wind yourself up pretty bad. So to you who's reading this short story, trust your partner and communicate to them when you are having a bad feeling. And most of all, love them more than your work or anything else because we do not know when things are gonna last.

—E N D—

My Husband Was A Fitness Instructor [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon