2nd Chapter

18 2 2
                                    

                Tuluyan akong nagising. At ito si Matthew, naka-upo na naman sa upuan, tabi ng kamang hinihigaan ko. Nakakagutom. Nagising din ata ang mga buwaya sa tiyan ko.

                "Di ka pa nagugutom?", tanong niya.

                "Tao ako, anong sa tingin mo?", sabi ko at saka tumunog ang tiyan ko. Hay.

                "Wait lang, bibilhan kita ng makakain, ibibilin na lang muna kita sa nurse."

                Pagkasabi niya nun, tumayo na siya at umalis. At ako? Naiwang mag-isa habang nakahiga sa isang kama sa loob ng isang kwartong purong puti. Saglit pa lang ako dito sa hospital pero nararamdaman ko na ang pagkabagot.

                Kit. Kit. Kit. Nakikita mo kaya ako ngayon? Binabantayan mo kaya ako? Nakakainis si Matthew noh? Makakasama na dapat kita kaso iniligtas niya 'ko.

                Iniligid ko ang mga mata ko sa loob ng kwarto, may bigla kasing pumasok sa isip ko. Marunong akong magsulat ng kanta, kailangan ko lang ng panulat at pagsusulatan.

                Sa lamesa katabi ng hinihigaan ko, may nakita akong isang notebook at isang ballpen. Kay Matthew siguro.

                'Di ko na binuklat ang mga naunang pahina, baka kasi pribado ang nakasulat, pumilas lang ako ng isa mula sa likod.

                ♫Naalala ko pa

                Ang mukha mong maputi

                Mga matang kulay itim.

                Masisilayan ko pa ba ang pagngiti?

                Sa bawat paggising,

                May babati pa kaya sa akin?

                Ng 'Magandang Umaga'?

                Ngayong wala ka na?

                Oh, mahal ko~

                Nasaan ka na ba?

                Maaasahan ko kaya

                Na may naghihintay sa akin

                Sa kung nasaan ka?

                Hinahanap-hanap mo kaya

                Ang boses ko?

                Ang mga banat ko?

                Ang pangungulit ko sa'yo?♫

                Pagkatapos ko isulat 'yung hanggang unang chorus, kinanta ko yung naisulat ko.

                "Ang ganda pala ng boses mo. Kung hindi kita niligtas, malamang hindi ko narinig 'yan.", rinig kong sabi ni Matthew na halatang kararating pa lang dahil nandoon pa lang siya sa pinto, nakatayo.

                "Ang ganda pala ng boses mo kapag kumakanta, kaysa kapag nagsusungit ka. Marunong ka pa magsulat ng kanta.", pagpuri niya pa sa akin habang umupo na naman sa upuan katabi ng kama ko. Masyado ba siyang tamad para tumayo ng kahit mas matagal lang ng kaunti?

                "Pagkain ko?", pagtatanong ko. Hindi niya ako sinagot pero iniabot niya sa akin yung dala niyang plastic bag.

                "Bakit ang dami naman ata?", tanong ko ng makita ang laman ng plastic bag. Ang dami naman kasing nakalagay, may isang lasagna, isang sandwich, isang meal pa na may kanin at chicken, isang sterilized milk saka isang can ng pineapple juice.

                "May parte ka ba dito?", tanong ko pa ulit.

                "Wala, binili ko 'yan lahat para sa'yo, gutom na gutom ka panigurado dahil higit pa sa isang araw kang natulog."

                Ng sabihin niya iyon nagsimula na akong kumain, 'di naman ako mapili saka sa totoo lang, paborito ko 'tong mga 'to.

                "Bakit ito ang naisipan mong bilhin para sa akin?", pagtatanong ko.

                "Wala naman, naisipan ko lang nab aka gusto mo ng mga 'yan.", sagot niya at ngumiti.

                "Okay,. Paborito ko kasi 'tong lahat. Pati Ice Cream saka Marshmallows."

                "Matutunaw yung Ice Cream kaya hindi na ako bumili. Pero mayroong marshmallows dyan, 'di mo ba napansin?"

                Tinignan ko ulit yung plastic bag at nakita kong meron nga doong marshmallows. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko. Matagal-tagal na rin ng 'di ako nakakain ng mga ganto, simula ng mawala si Kit nawalan na ako ng ganang kumain.

                Teka, hindi pa pala ako nakakapagpasalamat sa kanya.

                "Salamat/Yung kanta kanina,.", sabay naming pagsasalita.

                "Salamat dito,.", sabi ko at nginitian siya, mabait naman ako. Medyo depressed lang kaya nasungitan ko si Matthew.

                "Wala 'yon,. Yung kanta pala kanina,. Kaya siguro, inisip mong magpakamatay dahil may nag-iwan sayo noh?", pagtatanong niya pero 'di ko siya sinagot.

                "Alam mo miss. Kapag may umalis, paniguradong babalik yan o kaya naman ay may dadating na panibago. Wala namang permanente sa mundo, hindi mananatiling walang taong mago-occupy sa bakanteng espasyo sa tabi mo.", hinayaan ko lang siyang dumaldal doon, ayokong makipag-usap tungkol sa ganyang bagay lalo pa't kumakain ako.

               

                "Naniniwala ka ba na may mga hiling na natutupad?", tanong niya.

                "Oo naman, dati,.", sagot ko habang punong-puno pa ang bibig.

                "Don't talk when your mouth is full,. Bakit naman dati lang?"

                "Maniniwala lang ulit ako dun kapag nabuhay na ulit ang isang taong minsan nang namatay.", sagot ko,. Alam ko namang imposible 'yan pero kahit ganun, 'yan ang lumabas sa bibig ko.

                'Di niya na ako sinagot pero nginitian niya ako. Pagkatapos ay iniabot sa akin 'yung notebook at ballpe na ginamit ko kanina.

                "Kapag may gusto ako sinusulat ko lang dyan at nangyayari na. Pero pinipilas ko rin yung pinagsulatan ko kapag tapos na. Gusto mong subukan?", tanong niya ng nakangiti pa sa akin.

                "Magsasayang lang ako ng oras.", sabi ko habang kumakain pa rin.

                "Wala namang mawawala kung susubukan mo eh.", pangungumbinsi niya pa rin.

                "Ano bang gagawin ko?", tanong ko pero nakatigil muna ako sa pagkain 'ko ngayon.

                "Magsusulat ka lang ng isang hiling sa isang papel.", sagot niya at nginitian ako.

               

                Alam kong imposibleng magkatotoo itong hinihiling ko pero gusto kong subukan. Desperada na kung desperada, pero sana kahit saglit lang makausap ko ulit siya. Sana Makita ko ulit siyang ngumiti kahit isang beses na lang.

                Kinuha ko yung notebook at ballpen na iniabot sa akin ni Matthew at nagsimula ng magsulat.

                'Tears your eyes have shed cannot be taken back. Even the scars of your heart will stay there forever. But would it be possible for a dead person being brought back in to life? I just want my past life to happen once more.'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 31, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Bottle Filled With HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon