Paalam....

158 1 0
                                    

"Nang makilala kita, ako'y nasilaw sa pang-akit mong ganda...

Ang aking paniniwala, ikaw sa aki'y bigay ng tadhana..

Na sa aking paghihirap, ikaw ang aking anghel na lilingap.

Nasilaw sa mga pangako, naging bingi sa mga pahiwatig...

Ikinaila ko sa sarili,
Na panganib ang iyong hatid...

Hangad ko'y magbago, pagkat nais kong manatili sa tabi..

Walang kawala ang aking puso,
Na nasilo ng iyong kasinungalingang inihabi..

Wala kang awa..pagkat sa pagwasak sa akin, nakuha mo pang ngumiti..

Nasa iyo ang susi, pagkat ako'y gapos ng pag-ibig..

Walang kawala sa tanikalang ikaw ang aking buhay at hininga...

Ang paglalaro sa aking puso, pagwasak mo sa aking pagkatao..

Ang akala ay magandang panaginip, Sa kumot na ikaw ang bangungot'..

Hiling ko ay ang magbago, nang sana'y walang nasayang na sandali..

Ang pagmamahal ko sa iyo, na naging sanhi ng walang kapantay na dusa..

Sana ay hindi totoo, Ang nalaman kong ako'y nagpaka gago!

Pangakong napako, salita ng dila mong mapanukso..

Ang lahat ay isa lamang kasinungalingan... ng mapaglaro mong kaisipan..

Sabihin mo ...bakit? Sa iyong galit sa pagdurusa..ako ang ginawang panlunas?..

Walang pag aalinlangan, kahit pa tayong dalawa ang mahirapan..

Wala nang panghabang buhay, pagkat naabot na natin ang sukdulan..

Sana'y naging iba ang tadhana, na hindi sa katapusan ay maging parehong talunan..

Kung ang panlilinlang, ay isa lamang biro ng nakaraan...

Hawak ko pa sana ang iyong kamay, hindi ang katawan mong walang buhay...

Magiging masaya kaya?.. malaya at payapa?

Patawad mahal...
pagkat sa pagkakasala...
buhay mo ang aking piniling maging kabayaran.."

END.....

'Lie'Where stories live. Discover now