“'Nak, may dumating nga palang regalo sa'yo. Malaki, saka mabigat kaya inilagay ko na sa ibabaw ng kama mo.” - sabi saakin ni tatay.
“Parang electric fan,'nak. Kasinlaki ng kahon, eh!” - pahabol pa nito, pabiro.
Inirapan ko lamang siya.
Ang kulit naman kasing talaga.
Kunsabagay, dahil sa birong iyon ng aking ama, nabawasan nang bahagya ang aking kaba.
Umakyat na ako sa hagdan.
Pagpasok ko pa lang sa aking silid, may naamoy na akong kakaiba.
Amoy bulaklak, ma may halong lansa.
Nakita ko rin ang sinasabi ni Tatay na malaking regalo, nakakahong kulay pula.
May nakapatong doon na isang bungkos ng mabango at kulay pula ring bulaklak na hindi ko kilala.
Hindi naman rosas, lalong hindi poinsettia.
Dahan-dahan ang ginawa kong paglapit sa kahon.
Labis-labis ang aking kaba.
Dahan-dahan ko rin itong binuksan......
at nagulantang sa nakita.
Ang laman kasi ng kahon, mga pug0t na ulo ng aking tatlong kaibigan.
Dilat na dilat ang kanilang mga mata.
Bakas ang matinding pagkasindak.
Larawan din ng labis na sakit ang makikitq sa kanilang mukha.
Sumigaw ako nang malakas.
Naghisterya.
Awtomatikong iniligid ang mga mata.
At lalo pa akong nasindak nang sa aking pagtingala, nakita ko ang isang kulay itim na nilalang—lumulutang, nakadipa.
Nakangisi ito, may sungay, at nagliliyab ang mga mata.
Nagtatakbo ako patungo sa ibaba ng bahay.
Isinigaw ko ang pangalan nina Nanay at Tatay pero hindi ko sila makita.
Nanginginig na ang buo kong katawan.
Halos wala nang pumasok sa aking isipan.
Tumakbo ako sa kusina, nagbaka-sakaling naroroon sila.
Subalit para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang may mabasang mensaheng nakaukit sa kahoy na lamesa.
Sabi nito ay,
“Pat4y na sila. Tayo na lamang dalawa, aking Ana!”
Muli akong naghisterya.
Nagwala.
Mistulan akong nauupos na kandila.
“Tulong! Halimaw!”
malakas kong sigaw.
Subalit walang nakarinig sa akin ni isa.
Tumakbo ako patungo sa nakabukas na pinto ng kusina.
Naisip ko, kung sakaling makakalabas ako ay maaaring may makarinig sa akin.
O, kaya ay may makakita.
Subalit kaagad na nalusaw ang kakarampot kong pag-asa, nang ang pintong iyon ay marahas na nagsara.
“Hindi ka na makakatakas sa akin, aking reyna. Ikaw ang pumili ng iyong kapalaran, hindi ba? Tayo na sa aking kaharian.”
Sinubukan kong tumakbo, subalit hindi ko na rin nagawang magsalita pa, dahil unti-unting nang nanlabo ang aking mga mata.