I thought

53 2 0
                                    

I thought it was real.

I thought it exist.

And yes...in my dreams.

Thinking that you love me or even loved.

But stupid me! I was waiting and hoping for nothing!

And alam kong wala na, yun na yun. Pero bakit ba hindi ako nagsasawang umasa?

Is it enough to say that I love you?

~~~

It was saturday when I saw you alone at the park.

Nagyoyosi ka pa nun and parang ang lalim ng iniisip. Ni hindi mo nga ako napansin na lumalapit.

"A penny for your thoughts?"

Napalingon ka sakin at tipid na ngumiti. Muli kang bumuga ng usok sabay tapon at nagbuntong hininga.

"Is it really hard?"

"What?"

"Is it really hard to love me?" NO! gusto ko yang isigaw pero naging bulong lang ang lumabas sa bibig ko.

"Then why....why can't she love me?"

Hindi ako nakasagot. Kung ako lang ang nasa posisyon niya hindi mo yan itatanong. Kaso hindi eh, ako din tinatanong yan. Why can't you love me? Bakit hindi nalang ako?

"Do you think I can move on?"

I smiled. "Yes...If you're willing" Ito na naman ako. Hoping, hoping for nothing.

~~~

"Hi!" nagulat ako sayo nun. Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat at sa bilis ng tibok nito.

"Sorry nagulat ata kita. May gagawin ka after school?" tumawa ka pa nun at lumingon sa likod ko dahil sa kaibigan mong tumawag sayo.

"So...."

"Sa national, I need a yellow pad and a columnar notebook. Bakit?"

"Wala naman. Do you mind if I'll accompany you?" Lalong bumilis yung heartbeat ko pero siyempre pigil pigil din, haha!

"Okay"

"Okay, see you later! Text kita"

~~~

Maraming beses pa tayo nun lumabas and hindi ko napansin na mas lalo akong naffall sayo. Siguro mga halos a year din yun and palagi din tayo nun magkatext.

Dumating yung time na 3 days straight na hindi tayo nagkita. Ni ha ni ho wala. I was trying to point out to myself na wala namang tayo para umasa ako sa kahit isang text pero wala eh, minuminuto kong nichecheck yung phone if you left me a message.

There was NOTHING.

Nung magkita tayo sa canteen ng school ay lumapit ka agad sakin na ngiting-ngiti. Syempre natuwa ako na kahit hindi mo inexplain yung reason kung ba't ka biglang nawala ay masaya na ko. Yung presence mo lang masaya na ko.

"Your happy" puna ko sayo

"I am"

"Why?" pero hindi mo sinagot yung tanong ko.

"You're right. I can move on. I already moved on." sabi mo ng nakangiti.

Lub dub. Lub dub.

Ito nanaman yung puso ko.

I don't know kung matutuwa ako dahil maybe may possibility na ako ang reason or malulungkot dahil baka sa three days ng pagkawala mo ay dun ka sumaya.

I smiled. A genuine smile. I'm happy na you moved on pero may part sakin na nalulungkot.

"Congrats!" nagulat ako sa sunod mong ginawa. You stand up then hug me and natuod ako sandali pero sinuklian ko din yung akap mo.

Ang sarap sa feeling.

Sana laging ganito.

"Thank you" bulong mo then bumalik ka sa pagkakaupo sa harap ko.

"Guess what"

"What?"

"Kami na ni Lhyka"

Nabato ako sa sinabi mo.

Si Lhyka na crush mo.

Lagi mo siyang nakkwento pero di ko naisip na popormahan mo siya kasi akala ko may tayo. Yung tayo na hindi committed pero may mutual feelings.

Umasa ako sa pinagsamahan natin although hindi ko masasabi na "M.U" ang ganung stage.

Umasa ako sa pagiging gentleman mo.

Umasa ako sa sense of humor mo everytime na malungkot ako.

I thought magkaka TAYO.

Akala ko may mutual understanding.

One sided lang pala.

Ang hirap talagang umasa.

Ang sakit. Kasi akala ko meron, wala pala.

I congratulated you then nagexcuse na may class pero ang totoo, magpapahangin lang.

Gigisingin ang sarili sa kalokohan ko.

Na kahit alam kong mahirap, katulad mo, I have to move on.

I thoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon