2

10 2 0
                                    


I Thought

Ganun ba talaga yun? Na kapag makita mo lang sila mapapatungo ka nalang. O di kaya huhugot nalang sa unang bagay mong makikita? O minsan ikaw nalang lilihis ng daan wag mo lang silang masalubong?

~~~

Hays buti nalang alas tres pa ang simula ng klase ko. Una, hindi ko kayang magising if ever maaga ang class ko. Second, may time pa ko for unfinished or simpleng walang ginawang homework,  projects, or kahit na anong kahit walang sense na requirements. Lastly, mas buhay ang diwa ko sa hapon.

Papunta ako ngayon sa library para puntahan si Leslie, kaibigan ko. Kakatapos lang ng law class ko and for sure andun na siya dahil may pagkabookworm ang bruha. I don't love books, but I don't hate it too. Sakto lang. Parang status, complicated. We've agreed to meet there after my class dahil may tatapusin kaming reporting.

"Hello there gurl!"

"Hmm" ayan ito yung mga reply na feeling mo hindi ka importante sa mundo.

"Since when naman naging reply ng 'hello' ang 'hmm'?" irita kong tanong.

"Sayo lang" seryoso nyang sagot pero tumawa din pagkatapos.

We didn't waste our time. Nagsimula na kami sa pagdiscuss ng topic and distribution ng report. Buti nalang dala ko ang laptop ko dahil sinimulan na namin ang powerpoint.

"Basta ganyan lang yun. Continuous ang process niya" pagsummarize namin ng report.

Buti pa yung process nito continuous. Yung samin kung baga sa pagtatanim, di pa tumutubo nabagyo na.

I checked the time. Inabot din kami ng two hours. Buti naman para makauwi ako ng maaga.

"Una na ko, Einnah ha? May meeting pa kasi kami."

"Sure. Ingat ka" baka matulad ka sa kaibigan mong tanga. Alam nang wala, nakuha pang umasa.

"Thanks" nagbeso lang kami at nagmadali na rin siyang umalis.

Mabagal ang kilos ko dahil last class ko na kanina ang law. Dahan dahan pa ang pagliligpit ko ng laptop ko. I left the books we used on the table dahil may mga student assistant naman na nagaayos nito.

I stand up and was about to reach for my laptop ng may kumuha na nito. I was about to get angry when I saw that it was Felix.

Kung sumulpot 'to parang kabuti. Nanggugulat. Kaya 'tong puso ko delikado. Hindi cardiac arrest. Felix arrest.

"Hey" ang smile ni Kuya pang Oscars

"O Felix, wala kang class?"

"Wala na. Tara ako nang magbbuhat nito" tumango nalang ako. Okay lang, less pagod din to. Pagod na nga kakaisip sayo pati ba naman sa paghawak ng mga gamit ko?

Matagal din ang inantay namin sa baggage counter dahil ang haba ng pila. Bawal kasi magpasok ng bag sa loob ng library.

I suddenly wonder kung nasaan si Lhyka so I asked him. Sabi naman niya hindi pumasok dahil naghatid ng kapatid sa airport.

"Bakit di ka sumama?"

"Pumasok daw ako eh. Magttext naman daw siya kung pauwi na siya"

"Dapat di ka pumayag. Mas safe siya kung ihahatid mo" wala pa bang magaabot sakin ng Martyr's Award? Pati ba naman yun di ko deserve? Char.

"Di na. Mahirap kung pati yung maliit na bagay na yun pagtatalunan pa namin."

"Good boy ah"

"Di rin. She doesn't want me smoking, but I smoke whenever we have a problem. And she doesn't know it."

"Tss. Then why are you telling me? She should be the one knowing this. You should be honest with her."

"You're not my girl..." pagduldulan pa ba sa mukha ko?!

"...you're my bestfriend. So okay lang." Ano mag hashtag bestfriendzoned na ba ako?

"Ewan ko sayo. You're being unfaithful to her." Nasa tapat na kami ng counter kaya inabot na namin ang number. Di rin nagtagal ay nakuha na namin ang gamit namin.

"No. Ito naman ang seryoso. Tara kain tayo, my treat. Namiss kita eh" Tss. Pag wala lang naman si Lhyka mo ko namimiss.

"Thank you pero wag na. Napagod ako ngayon eh. Maghahabol din ako ng tulog, napuyat ako kahapon." He knitted his brows then inilagay niya ang likod ng kamay niya sa leeg ko.

"I thought you were sick. Sige ihahatid nalang kita sa sakayan" yan ka nanaman sa mga moves mo. Hays.

Tumango nalang ako para tapos na. Besides, ngayon ko lang ulit siya nakasama. Okay na kong sulitin wag lang abusuhin. Mahirap na ako na naman ang talo.

I thoughtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon