Pakyu 2

579 15 6
                                    

2nd day of exam na namin ngayon, balita ko si Sir Franz daw yung magbabantay samin ngayon. pshh another strict teacher. Bakit ba puro strikto yung mga teacher dito. -__-

Review. Review. Review. Review. Review. Hayyyy, kanina pa ako nagrereview dito di ako makapag concentrate dahil sa mga kasama namin sa room. Kalalaking tao ang dadaldal nila dinaig pa nila kami.

Dahil sa ingay nila, napagpasyahan ko nalang na pumunta sa may bintana ng room namin, may kortina din sa bawat room dito sa school. Ang cool diba?

Kinuha ko muna lahat ng mga notebook at books ko para sa likod nalang ako ng kurtina magrereview, para naman makapagconcentrate ako.

Pinilit kong magfocus sa notebook ko. Pero ang ingay parin nila. Tawa sila ng tawa. Nakakainis naman. Math pa naman yung unang pagtetest namin mamaya. -__-''

15 minutes na din akong nagtitiis sa ingay nila. Nakakabwisit na. Akala mo sila lang yung tao dito sa room nato. Helloooo? Nag eexist pa ang magandang nilalang na katulad ko dito.

"Hahahahaha taena asan yung joke dun pare?" Ugh! Ang ingay.

"Baka nasa bulsa pa ni Mark! Hahahahahaha!" Arrrrghh! Kanina pa sila nag iingay. Di ba sila nagrereview?! -_-

Dahil sa inis ko. Lumabas na ako sa likod ng kurtina.

"HOY MGA KUYA! PWEDE BA KUNG MAG-IINGAY KAYO WAG NYONG LAKASAN! NAKAKARINDI NA KAYO EH! KALA NYO KAYO LANG YUNG TAO DITO?! NAKAKAINIS NA KAYO EH! DI TULOY AKO MAKAPAGCONCENTRATE SA RINEREVIEW KO!! ARRGH!" Sabi ko at dahil di ko na mapigilan yung inis ko. Sinipa ko yung upuan malapit kay Steven. Natamaan siya ng konte.

"ARAAAAY!" Aba! Kung makapag react kala mo nasaktan talaga.

"ANG HINA HINA LANG NG PAGKAKASIPA KO! KUNG MAKAPAG REACT KA KALA MO MAMATAY KANA, BAKLA KA ATA STEVEN!" Pang-iinis ko lalo sa kanya.

"Anong sinabi mo? Ako bakla?" Sabi niya sabay turo sa sarili niya. Lumakad siya papalapit sakin.

"BINGI KA BA?! KAKASABI KO LANG NG PANGALAN MO TAPOS TATANUNGIN MO KO KUNG IKAW YUNG TINAWAG KONG BAKLA. SIGURO BAKLA KA TALAGA NO? AMIN AMIN DIN MARS!" Sabi ko sakanya nakakainis e. Kalamo nasaktan talaga siya. Ang hina lang naman ng pagkakasipa ko e.

Lumakad siya papalapit sakin. Nang makalapit siya sakin bigla syang nagsmirk.

"Ako bakla?" Haynaku ulit ulit siya huh? Ang mura mura lang naman ng cotton buds eh.

"OO. BAKLA KA DIBA?" Sabi ko naman sakanya.

Lumapit siya sa akin. Tapos lumapit siya sa tenga ko. Weird.

"HALIKAN KAYA KITA PARA MALAMAN MONG DI AKO BAKLA" Sabi niya sakin pero may nakarinig sakin. Kaya nagbulungan na ang mga girls.

Ay, oo nga pala. Chickboy-Babaero-Cassanova pala to. Pero di pa siya nainlove sa isang babae. Para sakanya kase ang mga babae laruan lang, pssh.

"WAG NA WAG MONG GAGAWIN YANG BINABALAK MO. KUNG GUSTO MO PANG MAKITA ANG BUKAS." Sabi ko sakanya ng seryoso. Seryosong seryoso.

Tahimik lahat ng taong nakapaligid samin. Hinihintay ang bawat linyang sasabihin namin. Kala mo naman nasa sinehan sila. FYI, may exam pa kami mamaya.

Lumapit pa siya lalo sakin at hinawakan ang mukha ko. Agad naman akong umatras at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa mukha ko.

"Wag na wag kang lalapit sakin." Seryoso pa rin ako.

"Baket? Masarap lips ko don't worry." Duhhh. Yabaaaaaang! Lakas ng hangin woooohhh. -_-

"I. Dont. Care." Matigas na sabi ko.

"I love you too." Huh? Nahihibang na ba siya? Kumindat pa siya ah. Eww. Nakakasuka.

Lumapit siya sakin at bigla niya akong hinalikan.

Asan na yung first kiss ko? Wala na. Wala na yung first kiss ko. Waaaah. Naiiyak nako.

"Woahhh." Na amaze pa talaga sila ha. Mas maaamaze sila sa gagawin ko.

"AHHH! WALANGHIYA KA TALAGANG BABAE KA! SHIT! AHHH!" Yan, tama lang yung ginawa ko sayo first kiss ko nawala ng dahil sayo. Dafuq.

Anong ginawa ko?

Well, let's just say na SINIPA KO LANG NAMAN ANG ALAGA NIYA. Fyi, malakas na malakas yung pagsipa ko sakanya.

"BOOM BASAAAAAG!" Narinig kong sabi ni Mark na barkada niya kaya nagtawanan sila. Pagtawanan ba naman ang barkada nila? Whatta kind of friends.

"Gago ka! Ninakaw mo first kiss ko! Walang hiya kang hinayupak ka na mukhang unggoy na sinumpa!" Sabi ko sabay sampal sakanya.

"OUCHHH! ANG SAKIT NUN AH." Well, ganyan talaga.

Tumalikod na ako sa kanya at kinuha ang mga gamit ko. Nakatayo lang siya sa pwesto niya kanina nakatulala.

Pagkatapos kong kunin yung mga gamit ko lalabas na sana ako ng may naisip ako na great idea. Very great idea.

"AHH! ARAYY! TAENA ANG SAKIT! WALANG HIYA KA TALAGA!" Inapakan ko lang naman ang paa niya kaya siya nagsisisigaw.

Di ko na siya pinansin umalis nalang ako sa room. Di na muna ako papasok sa first and second subject. Nakakainis kasi! Ang yabang niya!

Dahil di muna ako papasok sa first and second subject, pupunta na muna ako sa tambayan ko. Isa itong room na hindi ginagamit. Halos hindi rin napapadpad dito yung mga estudyante dahil may pagkalayo din ito sa mga room.

Hayy. Whattalife. -_-

Matutulog na muna ako. Para pampatanggal ng stress.

THE THREE MYSTERIOUS PAKYU.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon