ALAS OTSO NG UMAGA.
Tumitipa ang aking mga kamay, magdamag at mag-umaga akong nagsusulat. Ganyan ako kapag tuloy tuloy ang pagdaloy ng mga ideya. Kaya naman hindi ako natulog. Baka kasi pag natulog ako mawala ang lahat ng ideyang sumasagi sa aking isipan.
Kung puede lang sanang i-record ang mga nilalaman ng isipan at pag gusto mo na itong ilathala, parang isang 'data' lang ito na puwede mo nang i-download, kung kailan kailangan mo na ito.
Kaya ito, maga ang mga mata, masakit ang mga daliri ko- limang kabanata ang natapos ko.
Napangiti ako...
'It was worth it," sabi ko sa sarili ko.
Tumayo ako.
Kape.
Kailangan ko ng kape.
Black.
Para gisingin ang ngayong inaantok kong diwa.
Ako si Beatriz Romano, 24, isang manunulat. Iba ibang tema, pero karamihan ay may temang romansa. Bukod pa dito, meron din akong sariling blog. Ng kung anu-ano lang. Mga bagay bagay na nasa isipan ko lang.
Stretch dito, stretch doon. Rotate ng paa dito, rotate ng balakang. Ayan, medyo hindi masyadong masakit ang likod ko, at balakang.
Naglakad ako papunta sa kusina.
Ini-on ko ang coffee maker. Padala pa ito sa akin ng kaibigan kong nasa Amerika. Convenient ito sa akin.
Bumalik ako sa kuwarto ko habang inaantay ko ang kape.
'Save', at isinara ko ang word document. Isinara ko na rin ang aking laptop at bumalik sa kusina.
Boring. Yon siguro ang maiisip ng kung sinuman ang makapunta dito sa aking condo. One-bedroom condo unit. Dito ako nakatira. Ako lang.
Simula ng gumradweyt ako ng Journalism, dito na ako tumira. Regalo ng mga magulang ko.
Cum laude kasi ako ng gumradweyt, at University of the Philippines pa. Mantakin mo yon!
Napangiti ako.
Talagang ganon.Matalino daw ako.Oo nga naman, kung hindi, hindi naman siguro ako magiging cum laude.
Pero mas matutuwa siguro ako kung abogasya ako nag cum laude. Pero, puede, puede pa rin.
Isang taon na lang, matatapos na rin ako. Ilang summer din ang binuno ko para makapagtapos ng abogasya ng hindi pa ako masyado katandaan. Madami naman kasi akong mga credited subjects dati pa, so hindi na mahirap nung nagdesisyon akong mag-abogasya.
Tiningnan ko ang mga libro na naka-display sa sahig. Nag-re-review din kasi ako. May exam ako bukas.
Hay...pahirapan ko daw ba ang sarili ko. Pero gusto ko to eh, anong magagawa ko kundi magsikap.
Napangiti uli ako at kinuha ang kape.
Mainit.matapang.
Ito lang ang kailangan ko para ngayong araw. Kahit walang tulog, kakayanin ko - dahil sa kape.
Salamat sa kape.
Pagkatapos kong magkape, isang hot shower. Yon ang kailangan ko.
At may lakad ako ngayon. Imi-meet ko ang dati kong kaklase sa Starbucks.
Si Michelle.
Best friend ko rin sya.
Journalism din sya, pero ngayon- nandito sya, bakasyon lang. Sa Singapore na kasi sya nagta-trabaho. Editor sya ng isang magazine don. At niyayaya nya akong pumunta rin dun. Gusto ko rin sana, kaso nag-aaral pa ako ng abogasya, kung hindi baka matagal na akong pumunta.
Ilang araw lang sya dito.
Kaya pinagbigyan ko na ng umungot na gusto akong makita.
Na-miss ko na rin naman ang gaga.
Haha. Ganyan ang batian namin. Kung hindi gaga, bakla.
Mabilis lang akong naligo, mag-ma-market pa ako. At magsusulat pa, lunch kami magkikita.
Alas-otso bente na.
Yan ang buhay ko. Boring. Sige na nga. Feel ko naman ang ganitong buhay. Mas okay na ang boring kaysa naman magulo.
Dalawang taon na ring boring ang buhay ko.
Pero bago nyan, ibang iba ang buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/4186867-288-k667558.jpg)