Prologo

631 4 0
                                    

Nagising ako ng walang anumang saplot sa katawan. Tanging ang kumot ang nagsisilbing takip ng aking kahubaran.

Masakit ang ulo ko, pinakiramdaman ko ang aking sarili. Parang wala namang ibang nangyari sa akin, bukod sa sakit ng ulo- wala namang makirot na parte ng katawan ko, napahinga ako ng malalim.

Umupo ako habang inayapos ko sa sarili ko ang kumot. Wala akong makitang mga damit sa sahig.

Malaki ang silid, moderno ang disenyo, mapusyaw na dilaw ang pintura, may malaking salamin sa paanan ng kama. Tumayo ako at pumunta sa may bintana. 

Umihip ang hangin, bigla akong nanlamig, panandalian kong nakalimutan ang aking kahubaran sa ilalim ng kumot na nagsisilbing takip sa aking sarili.

Isinara ko ang nakaawang na bintana, hindi ko alam kung nasaan ako.

Wala akong maalala.

Bukod sa alam kong walang masamang nangyari sa akin. Wala akong naalala sa nagdaang gabi.

May isang telebisyon sa silid. Malaki ito. Flat screen.

Hinanap ko ang remote. Nasa kabilang side table.

Akmang kukunin ko na ito ng makarinig ako ng mahinang tunog, mga yabag ng isang taong mukhang papalapit sa aking kinaroroonan.

Bigla akong kinabahan. Sino ito? 

Bumalik ako sa pagkakahiga sa kama.

Ipinikit ko ang aking mga mata, at nagkunwaring tulog.

Narinig ko ang impit na pagbukas ng pinto, at ang papalapit na yabag sa paanan ng kama.

Nararamdaman ko ang mga matang nakatingin sa akin.

Gusto ko mang imulat ang mga mata ko, pero natatakot ako.

Natatakot ako sa kung sino ang mukhang makikita ko.

"Rosario...." narinig nyang tawag sa kanya, boses ng isang lalake. Hindi sya pamilyar pero maganda ang boses nito. Buo at baritono. 

Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata.

Naramdaman nya ang biglang paglubog ng kama, umupo ito sa tabi nya. Nararamdaman nya ito. 

Hanggang sa leeg ang kumot nya. Naramdaman nya ang unti-unting pagbaba ng kumot hanggang sa kanyang dibdib.

Gustong-gusto na nyang dumilat, umupo sa kama at harapin ang pangahas! Pero hindi pa rin sya dumilat. Hinihintay nya kung ano pa ang gusto nitong gawin.

Pero wala na itong ginawa. Nararamdaman nya bigla itong tumayo, ramdam pa rin ang mga matang nakatitig sa kanya.

Maya maya narinig nya ang muling pagsara ng pinto.

Nakahinga sya ng maluwag.

Idinilat nya ang kanyang mga mata.

Wala na ito.

Rosario... iyon ang tawag nito sa kanya.

Pero alam nya, hindi nya pangalan yon.

Hindi sya si Rosario.

Sino si Rosario.

Ang alam nya, siya si Beatriz. Hindi Rosario.

*********************

A/N

Ito ay kathang isip lamang.Pangalan, lugar, mga pangyayari ay pawang kathang-isip ko lamang. Anumang pagkakatulad sa mga tunay na tao o pangyayari ay hindi sinasadya.

Salamat sa pagtangkilik ng aking mga kuwento.

-***-

Halimuyak ng Bulaklak (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon