Ito ay isang sariling akda, hindi ko pa alam kung ano ang patutunguhan ng istorya. Sabay-sabay nating usisain ang bawat kabanata. Dahil gaya ninyo, hindi ko rin alam kung ano ang patutunguhan ng kuwentong ito.
Kaya halika na, sabayan nyo ako para kilalanin ang bawat tauhan sa aking kuwento.
Salamat sa pagbabasa ng aking mga kuwento.
Iba pa rin pag sariling wika ang gamit hindi ba? Minsan mahirap, pero ayokong kalimutan ang salitang aking kinamulatan.
Pagpasensyahan nyo na kung hindi lubos na matatas ang aking salita...pero unti-unti, praktis lang...makukuha ko rin ang istilo ng Tagalog fiction. :-)
**May-Akda**