Si ma'am...

565 9 0
                                    

Uubo- ubo ang guro habang pagapang na itong lumalabas sa isang classroom, nagkalat ang chalk at maraming estudyante ang nag uunahan sa paglabas sa klaseng iyon... may nag spray kasi ng peppermint na tear gas at sa harap halos ng teacher bumuga kaya sya ang pinaka naapektuhan...

"Dyuskopo naman!ilipat nyo ko ng section na hawak maaga kong mamatay sa mga pasaway na yan!" angal ng teacher pagkatapos nitong makapagpahinga ng ilang araw sa ospital,tila bangungot ang dala ng pangyayaring iyon,walang ibang teacher ang gustong pumalit sa kanya... walang may lakas ng loob na lumagay sa sitwasyon nya. Sa klaseng laging natatandaan ng mga teachers,hindi dahil nangunguna at magagaling,kundi dahil alam nilang mga pasaway na bata,hindi to last section pero marami dito ang maloko...gayunpaman,marami ring magaling,ang kaso namantsahan na ng maling pananaw ng iilan.

Bahagi ng klaseng ito si eizs,isang tipikal na batang wala namang kakaiba kung titignan mo maliban nalang sa madalas itong nakangiti... Ang sabi nila,hindi basta ngiti...masarap na ngiti... Isang tipikal na hapon habang naghaharutan ang klaseng ito,nasa likuran si eizs at nakikipaghuntahan sa iba pa nitong mga kaklase,2nd year ito at pinakabata sa klase... Ngunit vice president at kilalang nangungunang pasaway,hindi dahil magulo o bulakbol,mabiro at maharot.

May dumating na estranghera sa klase nila,ngunit habang nakikipagharutan si eizs ang iba naman ay nagkukulitan din,ang ilan ay nagbabatuhan ng nilamukos na papel kung kaya hindi nila napansin ang pagpasok ng bisitang kanina pa nakatayo sa kanilang harapan.

"Good afternoon" walang pumapansin sa kanya.
"I said,good afternoon" wala pa rin nakapuna sa taong nagsasalita sa harapan.
"Ayoko ng maingay, ayoko ng magulo,ayoko ng tanong ng tanong at higit sa lahat... Ayoko ng mga bastos!" napahinto ang lahat sa malahiganteng boses nito,siguro dala na rin yun ng pagiging malaking babae nya,nasa mga 5'5 o 5'6 ang babae,medyo chubby ito ngunit parang batang bata ang mukha,kamukha nya ang artistang si Joan Quintas... Maiksi ang buhok nito at napakakinis ng balat,halatang galing sa pribadong paaralan,kung titignan sya,sa kabila ng pagiging matangkad nito ay parang nasa mga 20 o 21 lang sya...ganern...

VO ni eizs:"wow ah?kami pa ang bastos nyan,ikaw nga tong basta nalang pumasok dito at nagkukukuda ng kung anu-ano at naiistorbo mo ang mga oras namin tapos bigla mong sasabihin na kami ang bastos?!whattalife! eh di ikaw na!malupit ka!bigyan ng jacket yan!"

"By the way,kilala nyo na ba ko?"

Napamulagat si eizs sa tanong ng tao sa harap,habang ang nasa harapan naman ay napako ang atensyon sa maliit na taong nasa bandang hulihan ng klase,dahil nakakunot ang nuo nito,mabilis ang mata ng mga guro sa ganitong reaksyon ng mga mag aaral,sanay silang tumingin kung sino ang makakabangga nila sa klase kahit sa unang tingin palang nila,nagsukatan ang dalawa ng tapang sa titigan at wala ni isa man ang nagbaba ng tingin sa kanila,lalong nalukot ang mukha ni eizs na may halong pagtataka na ngayon... Ayaw na ayaw nyang napapahiya sila lalo na kung bisita lamang naman ang gagawa nuon... Habang may dalawang klaseng estudyante lang naman ang nakakakuha ng matinding atensyon ng mga teachers,una ang pinakamatatalino at ang pangalawa ay ang mga pinakagago...

"Paano ka naman namin makikilala eh,di mo naman pinakilala ang sarili mo?saka inuna mo pa ngang sabihin yung mga ayaw mo,eh anu naman ang pakialam namin dun?" napaigtad ata ang bangs ng babae at napaarko ang maganda nitong kilay habang hindi naman nagbaba ng nuo ang estudyanteng kanina nya pa tinitignan... Isang malakas na hagalpakan ng tawanan ang pumalaot sa kabuuan ng klase habang dinadala naman ng kaninang pang nakatayo sa harap ang sarili...

"Okay,so let me introduce myself. I'm ms.vargas,your new teacher in social studies..."na hindi nag aalis ng tingin na lalo pang tumalim sa batang sumubok na ipahiya sya... Habang ang batang iyon naman ay nagdadasal na... Na sana,kunin nalang sya ni Lord. Kahit kasi maangas ang tingin ng lahat kay eizs,iba pa rin kapag teacher na ang kaharap nya... Malinaw kasi ang bilin ng mama nya na wag na wag na sasagot sa mga teachers...

Tama... Sya si ms.vargas,sya si maam. sya ang guro nila eizs na pumalit sa dati nilang guro sa Social Studies. Sya ang sasabihan ni eizs ng Ma'am,how can i unlove you? Kung bakit at paano nangyari ang lahat?gayong sa simula pa lamang ay parang leon at daga na sila?parang aso at pusa?at parang puti at itim... Malalaman nyo sa mga susunod na kabanata...

----------------------------------------------
Ito na ang pangako ko sa inyo,na kapag pumatok ang una kong kwento na "si Ma'am ay isang pangarap" ay isusunod ko na ang kwentong ito... Nakita ko rin kasi ang pangangailangan ng istoryang ito para maunawaan nyo kung bakit naging napakaduwag ni eizs na magcommit at magmahal... Kung bakit magiging mahirap para kay mayla at eizs ang lahat at kung anu ang kinalaman ni Ms.vargas kay Mayla...

Sa lahat ng mga kaibigan ko na tumangkilik ng una kong kwento,ito na po ang kasunod sana po ay ganun parin ang pagsuporta nyo dito... Nakakatuwa talaga... I love you all! Hehehe...

Ma'am, how can i unlove you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon