The feelin'...

153 6 0
                                    

"Ah,ganun?talagang hinahamon mo ko ah?okay...class,your first speaker for this grading period. Eizs. Your lesson will be geography." Boooooommmm! Parang nabingi si eizs sa narinig mula kay dina.

Pagkatapos ng announcement na ito ni ms.vargas,nagsimula na syang magreport kay dina araw-araw...isa kasi ito sa mga requirements ng guro,bago ka makapagreport sa harapan,kailangan kang magreview for a week at pagkatapos nun ay ichecheck nya rin ang accuracy ng mga information na nakalap mo. Kaya kailangang araw-araw ay magreport at makipagkita si eizs kay ms.vargas,nung mga unang araw si ms.vargas pa ang nanunundo kay eizs sa sakayan nya pagpapasok na sya,tapos ay didiretso sila sa department,napipilitan tuloy siyang pumasok ng maaga dahil kung hindi ay mawawalan sya ng oras para magreview sya. Alam nyang mahina sya sa subject na ito,idagdag pa ang lesson na napunta sa kanya ang geography at pihadong gagamitin ito ni ms.vargas na way para ipahiya sya. Kaya ubos lakas ay pinaghirapan nya kahit minsan ay napipikon na sya sa parang bantay na bantay sya ng kanyang guro. Pagkatapos ng klase nya ay magrereport sya ulit,magrereview habang nagchecheck ng mga papel si dina. Minsan ay halos sila na nila ms.cruz ang nagsasarado ng eskwelahan,yan ang biruan nila. Kadepartamento at kaclose ni dina si ms.cruz,isang bagong guro ng mga panahon na ito. Pangatlong araw na ay ganun parin ang ginagawa ni eizs,minsan ay ipinagbabaon na sya ni ms.vargas upang kahit magutom sya pagkatapos ng klase ay makakapagreview parin sya. Kinabukasan ay nagsabi si eizs kay ms.vargas na hindi sya magrereview sa araw na yun pagkatapos ng klase dahil ang kanyang kamag aral na si raymond ay nagtanong sa kanya kung pwede syang isabay pauwi at ihatid sa bahay. Nagpaalam din ito kay eizs na gusto nyang umakyat ng ligaw,may tindig si Raymond,matipunong estudyante at matalino. Kaklase sya ni eizs at lagi silang tinutukso,hindi sya gusto ni eizs. Pumayag lang syang magpahatid upang habang naglalakad pauwi ay masabi nyang hindi sya pumapayag na magpaligaw dito. Upang hindi maghintay si ms.vargas,pinuntahan sya agad ni eizs.

"Good afternoon po. Ma'am,hindi po ako magrereview mamaya. Kasi po may aasikasuhin ako." Si eizs.

"Ganun ba? Naku,nagluto pa naman ako kanina ng paborito mo." Si ms.vargas.

"San ka pupunta? Anung gagawin mo?gusto mo samahan kita?" Pahabol ni ms.vargas.

"Hindi po pwede eh,sorry po. Bukas nalang po ulit.salamat po." Si eizs sabay talikod.

Pumasok na sya sa klase, maya-maya ay may isang estudyanteng lumapit sa classroom nila.

"Si novy po?"tanong ng estudyante.

"Ako yun! Bakit?" Sagot naman nito.

"Tawag ka po ni ma'am vargas." Sabi ng estudyanteng napag utusan.

Narinig ito ni eizs,napaangat sya ng mukha ngunit binalewala nya ito. Sabay balik ng headset sa kanyang tenga.

Ilang minuto lang ang dumaan at maya maya ay bumalik ang batang inutusan ni ms.vargas.

"Si eizs?" Tanong nito kay angel na kasalukuyang nakapameywang pa sa pintuan.

"Hoy! Kanina ka pa ah?katulong ka ba ni ms.vargas? Alipin tong batang to eh noh? Sipsip ka noh?!" Pang aasar ng bully na si angel. Habang hinahampas pa sa nuo ang bata gamit ang pamaypay nito.

"Hoy babae,tabi nga dyan. Ikaw ba si eizs?pakialamera ka..." Si eizs sabay tabig sa kamay ni angel,biruan nila yun. Dahil best friend nya si angel.

"Hoy,kutong lupa! Sabihin mo sa amo mo,ibalik ng buo yang best friend ko ah?kapag yan nagalusan...tutal teacher namin sya,di kami makakapalag kaya IKAW! IKAW ang ititiklop ko! Naiintindihan mo?!" Sabay tawanan ang klase.

"OA ka talaga! Pinatawag lang mababawasan ba ko?babalik ako agad,baka tungkol sa report ko." Paalam ni eizs.

Malapit lang naman ang room nila sa department ni dina kaya nakarating sya agad,isinabit nya ang headset nya sa kanyang leeg.

Ma'am, how can i unlove you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon