Hindi na natutuwa si Eizs sa pang bubully ng kanyang teacher sa kanya, alam nitong ginagamitan sya nito ng kanyang authority... May kung anu lang na nakakapagpaisip sa kanya...
"Ang suplada mo kasi eh" Bumabalik sa kanyang isip ang mga katagang binitawan nito ng huling magkabanggaan sila.
VO ni Eizs: "Bakit importante sa kanya ang pansinin ko sya? Bakit hindi sya mapakali kung hindi ko sya pinapansin? At bakit kailangan nyang gawin yun para lang masolo ako? Ang labo nya..."
"Sino si Eizs?" Tanong ng isang estudyante na tila first year student,
"Eizs!" Tawag ng kanyang kamag aral sa kanya... Lumingon ito at lumapit.
"Bakit?" Tanong ni Eizs sa naghahanap sa kanya.
"Pinabibigay po ni Ms. Vargas" Sabay abot ng isang Cornetto ice cream.VO ni Eizs: "Anu nanamang pakulo to? Ang labo nya talaga? Bbaka naman peace offering? Tanggapin mo na, ito naman... Binigyan ka na nga eh... Pa bebe?"
Iniabot ni eizs ang ice cream, pagtalikod ng estudyante ay iniabot nya kay angel ang ice cream,k aibigan nya ito kaya tinanggap naman ng huli ang pagkain.
kinabukasan, nakaupo si eizs sa fire exit ng lumapit sa kanya si novy, isang matalik na kaibigan na bilib na bilib sa kanya kaya idol ang tawag sa kanya.
"Idol,para sayo ata ang sulat na to?" Sabay abot ng sulat.
"Anu to? Kanino galing?" Hindi sumagot ang kaibigan kaya binuksan nalang ni eizs ang liham.-Kamusta? Hindi ko na nakikita ang dimples mo, May problema ba? I'm still here for you...
ang nag iisa mong crush
jighzVO ni Eizs: "Anu to? Sino to? Hala ka! May stalker ba ko? Wala akong kilalang Jighz... Pakyut naman tong letter na to? Hindi pa sulat kamay, type written...Weird! Nakakainis ah? Paisip! Anu yun? Alam nyang crush ko sya? Tapos ako hindi ko alam? Mabuti pa sya alam nya... Hahaha..."
Kahit sinabi ni eizs sa sarili na paisip ang sulat madali nya rin namang nakalimutan ito,palakaibigan kasi si eizs, siguro dahil bata pa sya kung kaya ang mga ganung bagay ay hindi nya pinagtatapunan masyado ng pansin.
-Sa oras ng klase ni Ms. Vargas-
Habang nagdidiscuss ang guro nila si Eizs ay nakayuko lang, antok na antok sya at wala sa mood makinig sa kung anung sinasabi ng teacher.
"Eizs,anung gagawin mo kung may estudyante kang hindi nakikinig?"tanong ni ms.vargas.
"paano ko naman po malalaman na hindi nakikinig yung estudyante ko?"sagot ni eizs na tumayo pa sa upuan.
"hindi sya nakatingin sayo."sagot ng teacher.
"pag po ba hindi nakatingin sa teacher ibig sabihin na hindi nakikinig?" sagot ni eizs,mukhang mapapahiya nanaman si ms.vargas kaya sumagot na ito ng pabalang kay eizs,defense kung baga...
"eizs,teacher ako.alam ko kung nakikinig ka o hindi." galit na si ms.vargas.
"pag po ba teacher pati yung nasa isip ng estudyante alam na nya? kasi maam hindi lang po ako nakatingin sa inyo pero nakikinig po ako..."
"umupo ka na kung wala kang sasabihing matino."pagdadahilan ni ms.vargas,umupo si eizs pero alam nyang sya ang nanalo ngayon. pagkatapos ng klase ay lumabas na ng room ang teacher at sumunod naman si eizs dahil plano nya sanang umupo ulit sa fire exit,na madalas nyang gawin kapag wala sya sa mood makipagkulitan sa mga pasaway na kaklase...nagulat sya ng may biglang bumalya sa kanya at idiin sya sa pader ng classroom nila,si ms.vargas yun.VO:" araykupo!grabe naman tong teacher na to!kung makapanakit wagas!konti nalang pwede ko na tong ireklamo eh?!buti nalang walang masyadong tao dito na makakakita na binabalya balya lang ako nito!"
"ikaw,mag usap nga tayo!" tulala si eizs na nakayuko.
"magkaroon tayo ng deal,kapag napatino kita,dahil balita ko minsan nagcucutting ka sa klase,babantayan kita para hindi ka nagkakaganyan,lets make a good deal,kapag napatino kita,ide-date mo ko." paghahamon nito.VO:"anu bang problema nitong teacher na to?kasi sa pagkakaalam ko matino naman ako?saka bakit ba nito binabantayan ang mga galaw ko?nanay ko ba to????"
"kung hindi mo ko mapatino aber?" mapanghamong tanong ni eizs...napatda ang kausap.
"ako ang magde date sayo!"
sabay bitaw kay eizs at tuluyang tumalikod...VO:"walang jo ah?parang win win situation naman yun sa kanya?parang kahit anu dun pabor sa kanya?ang kulit nitong teacher na to?lakas ng trip...malamang sumisinghot to ng sunog na tsinelas...tsk.tsk.tsk..."
---------------------------------------------
ito na po ang pangatlo sa update ko,sana naman may pagvote na maganap para masaya oh?saka pwede rin po kayo mag react mga kapatid,wag puro basa lang,banatin din ang mga daliri...hahaha...
BINABASA MO ANG
Ma'am, how can i unlove you?
RomancePaano mo kalilimutan ang isang taong una mong minahal?paano mo gagawing hindi sya mahalin gayong mahal na mahal mo na sya?paano ba makalimot?paano makakalimot ang isang murang isipan? Sa isang batang gaya niya,na nagmahal ng sobra...paano mo sasabih...