The Revenge

215 10 6
                                    

"Ingat po..."sabi ni eizs.

"Bye sexy...see you tomorrow." Sabi pa ni dina,bago tuluyang tumalikod.

Maagang pumasok si eizs para makapagreview.huling chance nya na to bago pa magweekend,pero nakakaramdam sya ng kakaiba..masama ang pakiramdam nya.

"Okay ka lang?" Tanong ni ms.vargas habang naglalagay ng straw sa juice na inumin nila ni eizs.

"Opo.okay lang."sagot nito.

"Oh,inom ka na." Aya ng guro.

"Ma'am,hindi na po...punta na ko sa klase ko. Wala akong gana kumain." Sagot ni eizs.

Nainis si dina,pakiramdam nya rejected sya kay eizs. Hindi nya alam na may iniinda itong pakiramdam. Hindi naman kasi mapagsabi si eizs kapag may nararamdaman.

Pero pinayagan nya itong tumayo at dumiretso sa klase niya.

Habang nasa klase ni ms.vargas,sobrang tahimik parin si eizs at ni hindi ito nag aangat ng mukha. Napipikon na si dina. Alam kasi ni eizs na mainit na sya at namumula na ang pisngi nito dahil sa lagnat. Natapos ang klase na ni hindi sila nag uusap. Pakiramdam ni dina ay may kinalaman ito sa halik na iginawad nya kay eizs,hindi nya rin alam na nagugustuhan na sya ni eizs. Ngunit ang totoo, masama lang talaga ang pakiramdam ng huli dahil sa lagnat.

"Eizs,ihahatid ka raw ni Raymond. Alam nya kasing nilalagnat ka." Si angel,habang naglalagay ng panyo sa likod ni eizs pagkatapos ng Math class nila.

"Nag angat lang ng ulo si eizs at tumango." Nakayuko ito at nakaunan sa kanyang braso.

"Anu?okay na ba sya pagkatapos uminom ng gamot?"si raymond bago tumabi sa dalawa.

"Di pa rin,ayaw naman magpasundo sa mama nya...hintayin nalang daw mag uwian." Sagot naman ni angel.

Nang mag uwian,lumapit na agad si raymond kay eizs.

"Gel,akin na yung bag nya... Ako ng bahala dyan,ita tricycle ko nalang.para makapagpahinga na agad." Si raymond.

Nakayuko parin si eizs. Iniabot ng kaibigan kay raymond ang gamit at sumabay na ito ng alalayan ni raymond si eizs na tumayo. Eksakto naman na dumating si ms.vargas para sana sunduin si eizs.

"Bakit kayo sabay?magrereview pa yan." Si ms.vargas na akmang kukunin ang bag ni eizs.

"Ay maam,hindi po muna. Ihahatid ko na to." Si raymond habang nakaakbay na inaaalalayan si eizs.

"Di pwede huling day nya ng review." Sagot ni dina.

"Sorry maam,di po pwede." Sabi ni angel. Habang pababa na ng hagdan.

"Bakit ba?dahil kasabay nya to?" Si dina sabay turo kay raymond. Na nagpayuko sa lalaki.

Nag angat ng mukha si eizs.

"Ma'am,sorry po. Kailangan ko na talaga umuwi." Si eizs.

Naiwan na nakatulala si dina habang gigil na gigil. Unti-unti ng nawala sa paningin nya si eizs at napalitan ng mga estudyanteng maiingay at nagbababaan.

"Bababa lang,imbis na paa gamitin bibig pa! Ang iingay nyo! Magsitahimik nga kayo!" Sigaw nito sa isang grupo ng kabataang nagmamadaling bumaba at nagtatawanan. Napatahimik ang nga ito,sabay tumalikod si dina.

VO ni dina: "okay,ipinagpalit nya ang pagrereview sa pagpapaligaw...nakakabwisit."

Dumaan ang sabado na hindi mapakali si dina. Kaya habang nasa bahay at naghuhugas ng pinggan ay nag iisip...

Hindi sya mapakali,pakiramdam nya ay may unawaan na si eizs at raymond. Naisipan nyang tawagan si eizs, nagpunas ito sa basahan at agad na lumabas. Naghanap ng payphone.

Ma'am, how can i unlove you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon