CHAPTER 1

33 8 7
                                    

HEAD DEPARTMENT OFFICE

Blag!

Tunog ng initsang folder sa kanyang lamesa. Tiningnan niya lang ang folder sabay baleng ng tingin kay Madam J. 
Ang kanilang Head Department.

Agad niyang kinuha ang folder at tiningnan ang laman nito.

Unang bumungad sa kanya ang litrato ng isang gwapong lalaki.   Na sa tantiya niya nasa edad dalawampu't pito palang ito.

Guwapo ang mukha nito at matangos ang ilong. May pagka mestizo. At kung hindi siya nagkakamali ay may lahi itong kastila. At mula sa mayayamang angkan.

"Jan Dale Duarez !  Nag-iisang anak ni Don Benito Duarez.. Sila ang nagmamay ari ng pinaka malaking Constraction Supply di lang sa pilipinas pati na rin sa labas ng bansa. Katulad ng Europe, Singapore ,At Australia.
Sila rin ang may ari ng mga kilalang Shipping Lines sa bansa.. Isa na roon ang JDD Shipping lines na naka pangalan pa sa nag iisa nilang anak."

"Ano ba ang assignment ko dito? " tanong ko sa aming HD

Nginitian niya ako at saka nagsalita.

" Paiibigin mo siya! "

Tumaas ang kilay ko.  Tinitigan ko si Madam J. Hinintay ko lang siyang magsabi ng "It's a prank! " pero hindi ko narining na sabihin niya iyon.

Sanay ako sa iba't ibang assignment. Sa sampung taon ko na sa trabahong ito ay iba't ibang tao na ang nakasalamuha ko.

Pero ito ang unang beses na magkakaroon ako ng assignment na paibigin ko raw ang isang tao.

"Nagbibiro ka ba?" diretsa kung tanong kay HD

"Nope! "

Kinuha ko ang litrato na nasa mesa at tinitigan ko itong mabuti.

"How much?"

Alam kong malaku ang binayad ng ama nito dahil hindi basta.bastang tumatanggap si HD pag alam niyang lugi siya.

DUAREZ UNIVERSITY

ATHENA

"Good morning class !  May gusto akong ipakilala sa inyu ngayong araw na to' may bago kayung makakasama sa klase! "

Nasa labas ako ng classroom at ready ng pumasok matapos magsalita ni Miss Madrid. Ihahakbang ko na ang aking mga paa ng may biglang papasok na estudyante at nabangga ako.

Mula siya sa aking likuran at patakbong papasok ng classroom. Natapon ang bitbit kung libro.  Hindi man lang ito humingi ng tawad at diretso lang sa pagpasok.

" Walang manners! " mahina ko sabi sabay pulot sa mga libro. Tanging likod lang nito ang nakita ko dahil hindi man lang itong nag abalang lumingon.

Pumasok na ako sa classroom.
Nginitian ko si Miss Madrid. At saka bumaling sa mga bago kung magiging kaklase.

"Good morning everyone!  My Name is Athena Anderson! Ako ang magiging bago ninyong kaklase! " Sabi ko at ngumiti ng matamis sa kanilang lahat.

"Have a seat! Miss Anderson .. Doon ka nalang sa tabi ni Miss Eliza Cameron"

Pagkasabi ng bago kung Professor na si Miss Madrid ay tinungo ko agad ang sinasabi niyang bakanteng upuan.

"Hi!"  bati ng katabi ko pagka dating ko sa aking upuan. "Ako nga pala si Eliza .. Eliza Cameron! "

Unang tingin palang malalaman mo nang friendly talaga si Eliza. Ginantihan ko rin siya ng ngiti.  Nakipag kamay siya sa akin at tinanggap ko naman ang pakikipag kamay niya at nagpakilala din.

MY EXTRA ORDINARY GIRL | CJMS STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon