ATHENA
"Kriiiingggg!"
Tunog ng buzzer sa buong campus. Hudyat na tapos na ang klase.
Nagtayuan na ang lahat ng aking mga kaklase.Naghahanda na rin akong tumayo. Ng magsalita ang katabi ko sa upuan. Si Eliza.
"Athena ,may kasama ka bang kakain?"
Umiling lang ako.
"Gusto mo sumabay sakin? Wala din kasi akong kasabay mag lunch!"
Wala naman sana akong planong kumain ngayon dahil plano ko libutin sana ang buong campus para maging pamilyar sa akin ang lugar.
Ganyan lagi ang ginagawa ko sa mga lugar kung saan ako nadi-destino.
Pero dahil inaya ako ni Eliza ay naisip ko na ipagpaliban nalang muna. Marami pa namang pagkakataon para gawin iyon.
Advantage na rin sakin dahil may makakausap ako habang narito ako sa campus. Kailangan ko malaman ang ibang detalye tungkol sa pagkatao ni Jan Dale Duarez.
Mabait si Eliza. Likas sa kanya ang pagiging madaldal. Nakakatuwa siyang kausap dahil ang dami niyang alam. Mabilis ko siyang nakagaanan ng loob.
DALE
Nasa tambayan ako ng barkada ngayon.
Di ito kalayuan sa library. Inaantay ko si bruno. Isa sa mga barkada ko. May usapan kaming maglalaro ng basketball.
"Nasa library na naman suguro yun!"
Madalas sa library si bruno. Hindi sa nag aaral ito kundi nakikipaglandian sa mga naka schedule nitong mga babae.
Ilang minuto lang at nainip ako sa paghihintay ng naisipan kong tingnan ang library upang makompirma kung andun nga ba ang ugok kong kaibigan.
Papasok palang ako sa library napansin ko ng nakatingin sa akin ang mga sexy babae na nasa labas ng pinto. Magaganda ang mga ito at malalaman.
"Mmm.., nakadamit palang ulam na!"
Pilyo ko sabi sa aking sarili.
Nagkunwari akong di ko sila napansin. Sanay akong mga babae ang unang pumapansin sakin.
Isa ito sa mga strategy ko. Kunwari wala lang sila sakin. At never akong pumalpak dahil the more na benabalewala ko sila the more silang nagiging pursigidong makuha ang atensyon ko.
"Para saan pa at naging Jan Dale Duarez ako! ..Kung magpapakabaliw at maghahabol ng babae.."
lihim akong napangiti sa aking sarili at mas lalong dumagdag ang yabang ko sa aking sarili.
"Never pang binalewala ang karisma ng isang Jan Dale Duarez!"
At hindi nga ako pumalya. Dahil papasok na ako ng library ng pansinin ako ng lider ng limang babaeng nakatayo sa di kalayuan na kanina pa nakatingin sa akin sa di kalayuan.
"Hi Dale!"
"Ohh! Hi.."
sinadya kong ibitin ang aking pagbati sa kanya para alam niyang hindi ko alam ang pangalan niya at kailangan niya akong sagutin.
"It's me! Jessica.. nakalimutan mo na ako agad? "
Kunwari ay nagtatampo ito.
Sa dami kasi niyang kalandian sa isang linggo ay hindi na niya ito matandaan kung isa din ba ito sa mga nakalandian niya.
Sanay siyang may nakakasalamuhang magaganda at sexy. Pero isang araw lang iyon at wala na. Hindi niya ugaling mag maintain. At lalong hindi niya ugaling tinatandaan ang mukha nito. Pag tapos na siya dito. Kinakalimutan na niya ito agad lalo na ang hitsura ng mga ito.
BINABASA MO ANG
MY EXTRA ORDINARY GIRL | CJMS STORY
RomanceKailangan niyang paibigin si Jan Dale Duarez. Iyon ang kanyang misyon nung pinasok niya ang mundo nito. Malaking barya ang ibinayad ng ama nito para lang tumino ang anak nito. Lahat ng assignment niya ay natagumpayan niyang tapusin. Iba't ibang ro...