Chapter 04

80 8 0
                                    



"'Yan lang ba ang gusto mong dalhin?"

Tumango ako at niyakap sa aking dibdib ang isang librong dadalhin ko sa amin. Kanina pa ako tinatanong ni Tita Leandra kung may iba pa akong gustong hiramin. Ang tanging kinuha ko ay ang historical novel na pinakita niya kanina.

"I'm sure magugustuhan mo 'yan," sinarado niya ang pinto ng library at sabay kaming naglakad palayo roon. "Ipapahatid kita sa driver pauwi sainyo."

"Pwede naman po akong mag commute pauwi, tita."

"Ay hindi! Hindi, ipapahatid kita kay Erwin."

Hindi na ako tumanggi. Feeling ko rin ay mas mabuti nga 'yon para hindi na ako mag-abang ng masasakyan pauwi.

Hindi ko na sinundan ang sinabi niya. Tahimik kaming bumaba. Sa kalagitnaan ng paglalakad ay lumabas sa isang kwarto si Kuya Devin, ang nakatatandang kapatid ni Leo. He immediately smiled sweetly when he saw me with his mother. I did the same.

"I didn't expect you here, Soraya."

Nahihiya akong tumawa. "Sinama ako ni tita Leandra, Kuya Dev."

"Galing kayong library?" he asked, I nodded.

As I gaze upon Kuya Devin, a striking resemblance to Leo emerges before me. Their features echo each other, yet subtle nuances set them apart. While Kuya Devin's countenance holds a resemblance, Leo's eyes speak volumes, with a depth and expressiveness uniquely his own. His hair, neatly trimmed in a crew cut, contrasts with Leo whose hair is a little bit longer, adding to the distinction between them.

In physique, Kuya Devin's form is more sculpted and defined. Leo has that athletic type of body. Pareho rin silang matangkad, towering with their six-feet-something frame. Mas matangkad lang nang kaunti si Leo.

Sa kanilang magkapatid, mas madalas kong nakikita at nakakausap si Kuya Devin. Siya kasi ang mas nagtatagal dito. Paalis-alis din kasi si Leo. For his studies and other things.

If only he stayed here more often...

Pagkarating namin sa living room nila ay naroon si Leo kasama ang dalawang lalaki. Nakahalukipkip ang isang kasama niya habang lahat sila ay nakasalampak sa couch. Leo's eyes snapped over to me. He raised an eyebrow.

"Uuwi ka na?" tanong niya na tinanguan ko.

"You stay here, Soraya. Ipapatawag ko lang si Erwin." paalam ni Tita Leandra.

I saw how the two other boys turned their head to my direction. Ang isa sa kanila ay bahagyang umayos sa pagkakaupo at hindi inalis ang tingin sa akin. The other one, wearing eyeglasses, only took a glimpse before going back to what he's doing.

"You didn't inform us you have a pretty visitor, Leondraus. How selfish." sabi noong isang kasama niyang nagtagal ang tingin sa akin.

Hindi ko siya pinansin. Nanatili ang tingin ko kay Leo.

"Pauwi ka na, miss? Malapit lang ba ang bahay niyo?"

Umiling ako. "Medyo malayo eh."

"Oh, kahit malayo pa 'yan, hatid na kita." tumayo siya galing sa pagkakaupo at bahagyang lumapit.

Mahinang natawa si Leo at tinulak pabalik sa upuan iyong lalaki. "Shut up, Flin!"

"Bro! Ihahatid ko lang naman," he laughed.

Leo scoffed and glared at him. "Hindi ka pwedeng umalis. May meeting ka pang dadaluhan a few minutes from now, remember?"

Flin laughed mockingly. "Wow, concerned ka na nyan?"

Remember That MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon