Chapter 06

74 8 0
                                    



Sigurado na ako. Gusto ko si Leo. I can't recall when it started, but I have a positive feeling that it won't be simple to get rid of.

Grabe! Nagbibiro lang ako noon na gusto ko siya tapos nagkatotoo ngayon. Sana pala nagbiro rin ako noon na gusto niya rin ako para nagkatotoo rin ngayon.

I have been going out with him these past few days. Ilang beses na nga akong napagsabihan ni Papa dahil sa madalas kong paglabas pero sa huli'y wala rin siyang nagagawa kundi pagbigyan ako. Mama is totally fine with it. I am of age and they trust me enough. Besides, I promised them that this will not affect my studies. At isa pa, bakasyon naman.

"Malas ko today!" reklamo ni Nadia.

Nakatingin ako sa aking cellphone, pinagmamasdan ang huling text ni Leo kagabi habang naglalakad kasama si Nad.

"Bakit? Anong ganap?" ngayon ay nilingon ko siya.

"Wala naman," she sipped on her milktea. "Upo muna tayo roon sa bench."

Tamad kaming naupo sa bakanteng bench na tinuro niya. Kagabi pa siya nagtatanong tungkol sa amin ni Leo. Sinabi ko na sa kanya na madalas kaming lumalabas pero hindi yata sapat sa kanya 'yon. Talagang gusto pa niya ng detailed na kwento.

"Hindi kami, Nadia, ayoko namang magtanong sa kanya 'no. Kahiya!"

"Pero nagdedate kayo? Wow naman! Hindi ko alam na pumapatol ka pala sa no label relationship."

"Hindi naman gano'n 'yon, Nad! Parang friendly date lang 'yon..." pagdedepensa ko. It was a lie. At the back of my head, alam kong hindi lang friendly date 'yon.

Pero ayoko rin namang umasa, lalo na't wala namang kumpirmasyon galing sa aming dalawa. Leo is certainly aware of my feelings for him. Paniguradong narinig niya na 'yon. Ang ilang beses na paglabas namin, alam kong higit pa 'yon sa 'friendly date' at kahit ako ay hindi makapaniwalang pumapayag ako sa gano'n.

I just hope he's not playing with me. And if he can't clear things up between us, if there is, I won't beg for it.

Gusto ko lang siya pero hindi ako tanga para hindi bigyan ng simpatya ang sarili ko.

Though a part of me doubts that. I have never seen Leo play around with girls. Siguro ay nagkaron siya ng interest sa babae pero hindi sa puntong paglalaruan niya dahil alam niyang hahabulin siya.

"Anyway, Roe, problemahin mo ang magiging college life mo sa Manila, hindi si Leondraus!" she sipped on her drink. "May napili ka na bang university?"

Tumango ako. "Mag a-apply ako next month. Baka mag nursing ako or psychology?"

"Pareho namang mahirap 'yon..." tumawa siya. "Sabagay, matalino ka naman. Ayaw mo bang mag architecture para pareho kayo ng Leo mo?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Si Leo ba?"

""Di man lang nagreact. Leo mo talaga?"

Mahina kong tinapik ang braso niya. Tumawa lang siya sa sariling kabaliwan hanggang sa sabay na kaming tumatawa. Akala ko matatapos na seryoso ang usapan namin. Hindi talaga nakakatakas ang ganitong usapan sa amin.

"Sa ibang university ka mag apply. 'Wag mo naman masyadong ipahalata na susundan mo, ayos na 'yong pareho kayong nasa Manila."

As if naman 'yan talaga ang pinaka rason kung bakit ako aalis. Totoong masaya ako na pinayagan akong mag-aral sa Manila pero hindi lang si Leo ang rason kung bakit ako pupunta roon.

Although I haven't chosen a university yet, I have done some research and have listed a few options. Lalo na sa parte ng tuition fee. Kahit naman maganda ang trabaho magulang ko, ayoko pa ring abusuhin 'yon. At isa pa, hindi kami kasing yaman ng mga Formentero na kahit saang university sila pumunta, hindi nila poproblemahin ang babayaran.

Remember That MidnightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon