[Twitter]
🍫🔒 @reecescups
Nakabreakfast na 'ko and nakahugas ng plato :< Nakapagpakain na din ako ng mga alaga namin tsaka nakalinis ng bird cage🍫🔒 @reecescups
Pero wala pa din text si Oli 😔Mayi
March 23, 9:23 am
Mayiii
Gising ka na?Oo kanina pa
Ano yun?☹️
Bakit Reece?
Hinihintay ko kasi magtext si Oli
Pero wala pa
Dati naman maaga siya magmessage :<Ahh baka may ginawa lang?
Kahit naman busy siya dati
Nakakatext siya eh 😔Aww
Wag na sad
Ikaw na lang mauna magtextPero anong sasabihin ko?
Mag-good morning ka
Or hi, hello
Kaya mo na yan hahahaNahiya ako bigla 😭
O kaya puntahan mo na lang sa bahay nila
Pinapapasok ka naman dun di ba?Oo pero baka nandun parents niya
Nakakatakot pa naman mga yunHmm yun lang
Choice mo na dinHay okay ☹️
Olivia 🥺💛
March 23, 9:49 am
Oliii
Are you awake?10:10 am
Good morning 🥺
Delivered[Twitter]
🍫🔒 @reecescups
Wala akong magawa kaya nag-flames ako sa names namin 🥺🍫🔒 @reecescups
Lovers yung result!!!! 😭🍫🔒 @reecescups
Kinilig na agad ako huhu 😔 Oli text ka na kasi 😭Olivia 🥺💛
March 23, 11:30 am
Olii
Pinagluto ako ni mama
Paksiw na isda tapos madaming kamias
Favorite mo 'to di ba? Gusto mo tirhan kita?
Kami lang naman ni mama din kakain
Delivered[Twitter]
🍫🔒 @reecescups
Nakakainis!!! Bakit wala pa din?! Matutulog na nga lang ako 😠Olivia 😡😔
March 23, 1:12 pm
Reece
Ngayon lang kami nakauwi
Had brunch with Charles's family
tapos nag-ikot pa kami sa mga boutique
Puntahan kita ah?[Twitter]
🍋🔒 @lemonwhiskey
There's a frown on her pretty face, kahit tulog naman🍋🔒 @lemonwhiskey
Nainis kaya siya when I didn't text?🍋🔒 @lemonwhiskey
Is it bad that I want that?