098

170 12 13
                                    

Mayi

May 04, 2:05 pm

Reece!!
Lapit na ng birthday mo ah

Hi Mayi!!
Yes 2 days na lang 🥺🤧

Kamusta naman?

Hehe
I'm happy 🥺
Magkasama kami ni Oli ever since umuwi siya
Dito din siya natutulog samin 🥺

Ang dali rin kausap ni Tita no?
Sana all
Mama ko umuusok tenga marinig lang na may crush ako eh

Haha 😭
Pwede naman daw ako mag-girlfriend eh 🥺
Boyfriend bawal

Haha pabor naman sayo
Mas gusto mo girlfriend eh 😆

Huhu si Oli yun eh 🥺

Ano pala ginagawa ninyo?

Nagpasyal kami kay lola and nagpicnic!!
Tapos nag-ayos din kami ng pasalubong
Ang dami niya talagang gifts sakin 😣
Sobrang daming dresses and accessories and make up!! Meron din jewelry tsaka organizer
Ang dami ding chocolate 😭
Tapos meron din pasalubong para kina mama at papa
Inisip niya lahat 🥺

Naalala ko nung sabi mo imposible magkagusto sayo si Oli 🤣

HEH

Hahaha tapos siya pala yung may gusto sayo bata pa lang kayo 😆

OO NA 😭
Tapos ano 🥺 May work na ulit kasi si daddy
Tapos sumasama si mama sa kanya madalas
Kaya mag-isa lang kami ni Oli sa bahay 😣

Ay 👀
Bahay-bahayan time

😭
Siya gumagawa breakfast madalas 🥺
Tapos gigisingin niya ako
Favorite ko pag ginigising niya ko kasi sobrang hinhin
Kinikiss niya forehead ko tapos bumubulong siya ng "Wake up St. Therese"
Tapos pag hindi pa din ako gumising, she plays with my hair or yung hand ko naman or yung balikat ko ikikiss niya 😭

OMG
TEKA LANG
YUNG KILIG KO

MAYI 😭
May hug ako umaga pa lang
She hugs me every time pagkagising ko 😣
Tapos kapag may bad dream ako, tinatanong niya ako tungkol dun tapos she holds me until I calm down
Ang bango bango niya lagi
Ako yung nako-conscious minsan 😣

GRABE KA
SANA OL SANA OL

Hahaha 😭

Bakit naluha ako slight
Reece!!!!!
Tapos sabi mo sakin magbe-break kayo?
Kaya nyo ba??

MAYI DSKJKDKSKSKSJDK

Oki sorry huhu
Pero grabe kasi kayo
Ang bittersweet naman

Friends pa din naman kami 😔
No matter what
Naiintindihan ko naman si Oli
Mahirap kasi yung relationship

Gets ko din naman
Naiisip ko lang na ang hirap mag-adjust dyan
Hindi naman switch yung feelings nyo
Ano yun, io-off mo na lang kapag pasukan na?

Kakayanin ko :<
Kailangan eh

Napag-usapan nyo ba ulit yun?

Hindi pa ulit
Pero itanong ko din siguro
:<

Oo dapat lang
Para aligned din kayo ng expectations

Yes :<

Ano pa ginawa nyo? Hahaha

Nagpunta kami sa falls ulit
Inukit namin initials namin ulit dun sa bato
Sa ilalim nung initials na nandun na dati

Hay ang romantic talaga

Nagswim din kami sa pool nila
And kumain kami sa labas kasama sila Charles
Minsan, pag tulog si Oli tapos gising ako, dinadraw ko siya sa sketchbook ko
Ang dami ko nang drawings niya dun, hindi ko na din napansin

In love na in love 😭

Hehe 🥺😔
I love Oli so much
Olivia olivia olivia

Hala ka hahaha

She's so pretty
And all mine
Huhu Mayiii
I don't think there's anything about her I don't like 😔

Reece 🥺

Madalas ko naiisip yun huhu
Ang selfish, pero naiisip ko din sana mas simple na lang buhay niya
I want her to myself
Kasi payag naman parents ko
Sakin na lang siya
Bye na Tita at Tito and ate alex
Akin na Oli please 😔

Hay 😭😭😭
Hindi ako nagbabasang mga romance book pero ganto ba yung feeling !!!!

Hahahaha 😭

Nainis ako nung kinwento mo dati na ayaw niya mag-girlfriend
Pero halata namang ikaw lang love niya kaya hindi ko din matuloy yung inis ko
Basta happy ka okay 🥺

Sana hindi na lang matapos summer vacation 😔
Sana tumigil na lang oras
Gusto ko na ma-freeze lang sa ganitong moment
Sobrang saya ko kasi 😣

Hay 🥺
Kaso si Oli yan

😔

Future tiga pagmana ng mga kumpanya ng magulang niya
Ay teka yung sasabihin ko pala sayo
Nakita mo na ba yung bagong issue ng Metro??
Nandun siya ah

Hala hindi ko pa nakita
Nag-photoshoot nga pala si Oli last month
Yun na siguro yun

Oo haha
Tanungin mo, baka may binigay nang copy sa kanya

Oki oki
Thank you sa reminder

Welcome haha

Meet din tayo some time Mayi 🥺
Bago matapos bakasyon!!

Sige lang haha
Uuwi na rin naman kami next week

Oki! Text mo na lang ako

Sige haha

[Twitter]

🍫🔒 @reecescups
Tinabihan ko si Oli habang natutulog siya tapos nung naalimpungatan siya, hinug niya ako and siniksik sa kanya 😣😣

🍫🔒 @reecescups
Sleepy Oli 🥺 My favorite 💛

🍫🔒 @reecescups
I love you i love you i love you Olivia

Lemon WhiskeyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon