TULA 001

8 0 0
                                    

Bituin at Buwan

Magandang araw pala sayo
Nawa maging masaya ang iyong puso
Matupad sana ang mga pangarap mo
Ako'y takot na 'yong malimutan ako

Sa pekeng mundo ko ikaw nakilala
Di ko inakala na ika'y mahal na
Bigla lang kasing tumibok ang puso ko
Di mawari ba't ako nahulog sayo

Tulad na lang ng mga bituin sa langit
Ikaw ay aking hindi masungkit-sungkit
Di kita maabot kahit anong pilit
Ngunit ang aking pagmamahal ay higit

Tulad ng b'wan na maganda sa paningin
Ikaw ay napaka gandang pangarapin
Pangarap na kahit kailan ay hindi magiging akin
Na maski sa panaginip ay hindi ka matatawag na akin

Ngunit ako ay nagpapasalamat sa mga bituin
Ako ay iyong napansin
Nagpapasalamat din ako sa buwan
Dahil ikaw ay aking natagpuan

- Luna

Mga Tula ni LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon