TULA 006

2 0 0
                                    

Lumiko pakanan sa mundong hindi alam ang kabuluhan
Napadpad kung saan-saan hanggang sa ika'y natagpuan
Nakikinig ng kaniya-kaniyang opinyon hanggang dapit hapon
Nagkapalagayan at nakita ang sarili kasama ka sa may nayon

Pagbalik ng timog ay may bitbit akong ngiti
Madaming inasahan at nagsimula ng mag baka sakali
Nag tuloy-tuloy ang palitan ng mga salita
Iniisip na baka hindi lamang mga letra ang tumugma

Sa ika-pitong araw ng pag lubog ng araw wala ng umalingawngaw
Tila ba tayong dalawa ay parehong nasabaw
Hindi inasahan na matutulad sa kantang ating sinambit
Kaya naman sa huli napasabi na lamang ako ng "awit"

Ang lahat ay isa lang instrumento upang ako ay gisingin
Aking nalaman na kaya ko pa pala magtiwala sa isang tingin
Mga salitang kaya akong tangayin at sa sariling isip ay alipin
Isang pangyayari na sumampal sakin na hindi pa din ako pipiliin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mga Tula ni LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon