TULA 004

1 0 0
                                    

nakahiga at nakatingin sa kisame
mga boses saking isip pilit na isinasantabe
pilit na kumakawala sa mundong aking ginagalawan
parang imposible sapagkat nandito din ang kaligayahan

bawat segundo ay binibilang habang iniisip kung ako'y kabilang
humahakbang palayo sa mga nakakatakot na nilalang
Dambuhala kung mang apak ng kapwa niya tao
Nakakatawa dahil takot din naman sa sariling multo

hindi wangis ang nakakapaso kundi ang  mga salita
na sakin ay tumatak at naging dagat ang mga mata
Dagat na naging bagyo at sila'y nasalanta
Nanggalaiti ngunit sila din naman ang may gawa

Sugat na inaasinan ang pakiramdam sa tuwing makakasalamuha
Ang inibidwal na dahilan kung bakit gusto na magpatiwakal
Ngunit sa katagalan ay naging manhid at puso ay naging kasing tigas ng bakal
Ipipikit ang mga mata na nag-aalab ang puso kasabay ng pagpatak ng mga luha

Mga Tula ni LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon