CHAPTER - 37

20.2K 648 777
                                    

Jadie's

"Hello? Luna!!"

[Ano?? Hinaan mo nga yang boses mo!]

"Pota naman kasi! Let's meet later, may sasabihin ako", sobrang saya ko talaga ngayon, gosh!

[Ano? Nanalo ka ba sa Lotto?]

"Hindi! Ano ba? Sige na, may klase pa ako", pinatay ko na yung call at muli kong chineck yung IG ni Ellie, I smiled while biting my lips.

Parang na akong baliw habang inaayos yung mga gamit ko na gagamitin ko next class.

Jadie? Jadie? Okay, umayos ka. Kailangan mong magtrabaho. Alright? Let's do this.

Isang malalim na hininga yung pinakawalan ko bago tuluyang lumabas ng office ko wearing my poker face again.

...

"Woah?! Are you sure? What a small world!", hindi makapaniwalang saad ni Luna nang ikwento ko sakaniya si Ellie.

"Akala ko talaga nananaginip lang ako like it's been 3 years! Hindi ko na talaga inexpect na makikita ko siya ulit, grabe", hindi na talaga nawala yung ngiti sa mga labi ko habang nagkukwento.

"I'm so happy for you, so ngayong nakita mo na siya at alam mo na yung pangalan niya, what's your plan?"

"I want her"

"Agad agad? Grabe Jadie ha?", natatawa niyang reaction kaya mahina akong natawa.

"I mean, I want her to get to know me", sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"What do you mean? Sasabihin mo na nagkita na kayo sa Paris before?"

"No, hindi muna. May iba akong plano"

"What is it? Tell me", ngumiti ako at umiling.

"Ang damot mo naman, so pano nga? Anong gagawin mo?"

"Basta, I have my plans", sumuko na din siya sa pagtatanong kaya tinawanan ko siya.

...

"Uncle, iba nalang iassign mo dun sa Macro, ayoko na magturo sa mga 1st year", reklamo ko kasi gusto niyang ako yung pumalit kay Sir Jake kasi kailangan niya ng lumipat ng ibang University.

"Jadie, alam kong magagawa mo ng maayos yun, isa pa, ikaw yung President ng department niyo", napabuntong hininga nalang ako, ano pa bang magagawa ko? Pero ayoko kasi talaga eh. Nakakainis!

"BSHM, right?", tanong ko na ikinatango niya.

"So payag ka na?"

"What section?"

"A", sagot niya na nagpangiti sakin ng lihim.

"So kailan ako magsstart?", nakangiti kong tanong na ikinakunot ng noo niya.

"At bakit parang bigla ka naging interesado?", tanong niya kaya umiling lang ako.

Pero ang totoo niyan, Section A kasi si Ellie. So ano pang aartehin ko, diba? Hay nako.

"Fine, magstart ka na tomorrow and here's your schedule", inabot niya saakin yung papel na kinuha ko naman kaagad.

"Good morning po Sir Carter and Ma'am Jadie, pinapatawag niyo daw po ako?", napaangat ako ng tingin kay Levi na ngayon kay kapapasok lang sa pinto.

"Ah yes, Ms. Addison ipakuha mo na lang kay Mr. Huxley yung mga gagamitin mong books sa Macro, nandyan na sa paper yung list. Kailangan ko na kasing umalis", sambit niya at tumayo na.

Same PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon