CHAPTER - 24

21.6K 691 625
                                    

Ellie's

...

"Jadie?", sabay kaming napaangat ng tingin sa isang lalakeng tumawag sa pangalan niya, gosh sino nanaman 'to?

"Justin, what are you doing here?", Ma'am Jadie stood up as she hugged the guy she called Justin.

"I just had lunch with my boyfriend", sagot niya naman at ngayon ko lang napansin yung poging kasama niya.

"Hi Jeff", nakangiting baling ni Ma'am Jadie sa kasama ni Justin at bineso siya.

"Who are you with?", nilingon pa ako nung Justin kaya tumayo ako at inilahad yung kamay ko.

"I'm Ellie, Ma'am Jadie's student", pagpapakilala ko at nakita ko pang umirap si Ma'am. Akala niya siguro sasabihin ko pa din na asawa niya ako.

"Hii Ellie, I know you, ikaw pala yung kinukwento ni Jadie sakin", he said as he shake my hands.

"This is my boyfriend, Jeff", pagpapakilala niya.

"Hi Jeff, nice to meet you", kagaya ni Justin ay nakipagshakehands ako dito.

"Nice to meet you too Ellie, you're so pretty naman", lumapit pa siya para ibeso ako at sa way ng pananalita niya parang siya yung girl sakanila ni Justin kahit na mukha talaga silang straight kung manamit.

"True, pwede kang model, kunin kaya kita sa studio ko?", saad naman ni Justin kaya napatingin ako sakaniya ng may pagtataka.

"I'm a designer kasi and hiring kami for models, ito namang boyfriend ko is nagwowork sakin, he's my photographer", nakangiting saad niya.

"No, she's busy. Di niya mahaharap yang ganyan", singit ni Ma'am Jadie at muli na siyang naupo.

"Grabe ka naman, si Ellie yung kinakausap ko, hindi ikaw", muli na siyang bumaling saakin, "Gusto mo ba, Ellie?"

"A-ahm kasi po Ma'am Jadie is right, I'm a busy person kaya di ko po talaga mahaharap yan", I answered while rubbing my nape, ewan ko ba nahihiya ako.

"Hmm is it true? O sadyang hawak lang talaga ni Jadie yung buhay mo--aray!", reklamo niya nang kurutin siya ni Ma'am sa bewang kaya mahina akong natawa.

"Manahimik ka na diyan, I told you she's busy", pagtataray ni Ma'am kaya natawa naman yung mga kaharap namin.

"Anyways, here. If ever na magbago yung mind mo, you can call me", dagdag ni Justin at may inabot saaking calling card.

"S-sige po", sagot ko naman kaya ginulo niya buhok ko.

"Ang ganda ganda mo, nakakainis ka"

"Don't touch her", suway sakaniya ni Ma'am Jadie sabay kinurot nanaman sa bewang yung isa at masamang nakatingin samin

"Ay oh? Napakadamot naman pala", natatawang sagot ni Justin kaya natawa nanaman kasi.

"Oh siya, aalis na nga kami bago pa matanggal yung balat ko sa bewang ko", pagtataray niya kaya nagpaalam na din kami sakaniya.

Mukha ngang close na close talaga sila ni Ma'am, sa way pa lang na mag usap sila and sa physical interaction nila.

Hawig pa nga nila yung gay couple TikTok Influencer and YouTuber na si Pierre Amaury Crespeau and Nicky Champa. Sobrang cute nila.

"So, sino na nga ulit yung naalala mo?", baling ko sakaniya nang muli na ako makaupo.

"Nothing, kumain ka na diyan", seryoso sambit niya kaya bumuntong-hininga ako.

"Tss, napakadamot", pagtataray ko pero hindi niya ako pinansin. Busy lang sya uminom ng kape niya.

"Let's go to the beach after this", pagyayaya niya kaya nabuhayan ako ng loob.

Same PlaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon