101

73 0 1
                                    

[Cressida's POV]

January 08
3:32 PM

Napailing ako matapos mabasa ang reply ni bakla. Hindi man lang talaga sila nag-iwan ng kahit isa man sa kanila? Paano kapag hinanap ko sila tapos nakita ko na yung kung ano mang binabalak nila?

E'di failed? Natatawa tuloy ako. Paano kapag plan failed?! Ang labo nila. Bahala sila, hmp.

Pero sige para hindi failed, sayang naman ang effort. Magugulat pa rin naman ako, 'no. Wala naman akong clue, ang alam ko lang ay may surprise sila.

Halata kasi sila.

Tumayo na ako at inayos ang pagkakasabit ng shoulder bag ko sa balikat. Ang gara nga, alphabetical 'yung order sa pag-upo sa upuan dito sa gym. Like... what? Alphabetical? Sa program?

Kaya hindi ko sila nakitang umalis na pala kaagad.

"Uy, Cres! Happy birthday!" Nakasalubong ko si Daphne habang naglalakad palabas ng gymnasium. Agad naman akong ngumiti.

"Thank you, Daphne!" Pagpapasalamat ko at tumango naman siya, nakangiti rin. Pagkatapos no'n ay dumiretso siya kina Katalina na kinawayan ko rin ng kamay dahil nagtama ang mata namin.

Ang ganda talaga niya! Kung hindi lang siya ang president ng room, baka siya na lang ang muse. Mas maganda pa nga siya do'n.

Nang tuluyang makalabas ng gym ay umupo ako sa isa sa mga benches do'n at kinuha ang phone sa bag. Mag-p-picture na lang ako, pang-my day ko sa facebook. Selfie lang.

Inayos ko ang phone ko at naka-selfie mode na siya. Alangang 'yong isa e', wala naman ang mga kaibigan kong siyang laging kumukuha ng litrato ko. Gano'n din ako sa kanila. Tulungan lang!

Gumawa na ako ng mga pose. May nakangiti ng sobra, may fierce, tapos may naka-peace, iba't iba dahil ang ganda pala ng pwesto ko! Gusto ko rin sana ng hindi nakatingin sa camera pero wala nga mga taga-picture ko.

Inilayo ko ang phone, medyo nakataas ito at tumingin sa screen kung nasaan ang reflection ko. Habang inaayos ko ang anggulo ay napatigil ako at napaawang ang labi nang makakita ng isang pamilyar na lalaking dumaan sa likod ko.

Malayo naman siya pero ang mata ko ay hindi nagkakamali!

Si Adriel 'yon, oh my gosh! Tsaka may dala rin siyang...

Flowers! Naka-bouquet pa nga! Hala. Assumera na ba talaga ako kung iisipin kong para sa 'kin 'yon? E' sino pa ba?

Alam kong wala namang kami pero he said he likes me! I like him too! Wala kaming label, understood naman kasi 'like' pa lang naman.

Pero definitely, hindi kami friends lang.

Napangiti ako ng kaunti at pinipigilan ang sariling umirit. Sabi niya he will talk to me later daw pero hindi niya naman sinabi na ganitong usap pala ang ibig niyang sabihin.

Napatingin tuloy ako bigla sa suot ko. Ang simple-simple nito eh! Pants at beige na crop top lang. Ang pinakagusto ko kasing damit ay mamaya ko pa susuotin kapag nasa bahay na kami.

Siyempre, birthday ko dapat bongga!

Dali-dali akong tumayo at inayos ang buhok, siguradong ang punta no'n ay diretso sa room namin. Wait... paano niya nalaman na may program dito?

Wala naman akong nakukwento?

Hmm. Ipinagwalang bahala ko muna 'yon at naglakad na papunta sa room namin. Kung i-s-surprise niya ako, gugulatin ko din siya. Poor him, nauna ko siyang makita.

Parang abot tenga na ang ngiti ko kaya kung makatingin sa akin ang ibang naglalakad ay para bang isa akong baliw?

Wala lang kayong crush e'.

Trusted LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon