062

58 1 2
                                    

[Cressida's POV]

November 02

Napatili ako sa tuwa nang mag-log in na ang account ko sa facebook at messenger. Hindi ko medyo tanda kasi ang password nito at email lang. Basta ang alam ko lang ay birthday ko 'yon.

Mabuti na lang talaga at sinend ko sa account ko rin sa messenger ang mga password ng iba't iba kong accounts. Ang hirap kayang mag-ulit!

Kahapon pa ako nabilhan ng bagong cellphone pero ngayon ko lang naasikaso. Siyempre, inayos ko muna.

Naramdaman ko ang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa kaba sa reply niya.

Oh my gosh. May reply nga siya!

Sa totoo lang, masakit naman talaga na hindi niya rin ako gusto. Pero sa screen lang naman kami e', ni hindi pa nga kami nagkikita ng maayos?

Kung hindi niya talaga maibabalik 'ung pagkagusto ko, ayos lang naman. Pwede namang ipilit 'di ba, Lord?

Dahil isang linggo na rin akong hindi nakakapagchat sa kanya ay nagreply ako.

To Adriel:

Halaaa adrieell

Sorry ! Hindi ako galit ha, baka lang iniisip mo diyan

Seen.

What the hell! Na-seen kaagad niya! Abang na abang? Charot.

Muntik na ako mahulog sa inuupuan ko nang makita ang nasa screen ng phone ko. Bigla akong kinabahan. Bakit naman 'to tumatawag? Tumikhim muna ako bago ito sinagot.

"H-hello? Adriel?" Sabi ko.

[Cres? Hi.] Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ang malalim niyang boses. Boses pa lang niya, parang pwede na ako mamahinga!

"Bakit ka pala biglang napatawag?" Tumawa ako ng mahina.

[To be honest... I don't know either. Bigla ko na lang napindot pagkakitang online ka na.] Napapikit ako ng mariin at hindi maiwasang mapangiti. Grabe, baka miss na nga ako nito?

"Ows?"

[Yes.]

Biglang tumahimik, parang nagraramdaman kami, kaya ako namang pinanganak na madaldal, i-k-kuwento ko na lang ang nangyari.

"Uhm, nga pala, kaya bigla akong nawala? Hindi dahil ghinost kita ha," napatawa ako. "Nasira 'ung phone ko at ngayon lang nakabili sina Mama."

[So you're not mad at me?]

"Hindi 'no! Bakit naman ako magagalit sayo, crush?"

[Dahil sa tinanong ko?]

"Sus. Hindi talaga, naiintindihan ko naman."

Wala akong narinig na imik galing sa kanya sa kabilang linya. Nagraramdaman na naman kami, eh?

"Adriel." [Cressida.] Nagkasabay kami.

"Ikaw muna."

[Nah, you should go first.]

"Oh sige, mauuna na ako sa simbahan para sa kasal natin?" Ngiting tanong ko. Baliw ka, Cressida. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya kaya mas lalo akong napangiti.

"Ang funny ko ba? Ayie, namiss mo jokes ko at ako, 'no?"

[Yeah, ...super.]

"I miss you too, crush." Napakagat-labi ako upang pigilan ang pag-irit. Ako naman ang nagsabi pero bakit ako ang kinikilig?!

Hay. Hindi ko alam e', basta nung una ko siyang nakita, may kung ano na lang na biglang tumusok sa puso't isip ko at naging crush ko siya. At ngayon habang nakakausap ko siya, nakaka-chat, mas lalong nahuhulog ito sa kanya at nagugustuhan na siya.

Wala, ganito talaga puso ko, ang daling mahulog kahit sa maiksing pahanon pa lang.

At mas lalo na sa gwapong 'yan? Matalino pa at mabait. Saan pa ako 'di ba?

Nanahimik na ulit sa kabilang linya hanggang sa may narinig akong buntong-hininga at bulong na parang hindi ko dapat marinig pero narinig ko pa rin. [...I'm liking you already.]

"Huh?!" 

[...]

"Huy! Rinig ko ha, ano 'yon?" Medyo paluko kong tanong ngunit sa totoo lang ay ang lakas ng kabog ng dibdib ko."

[Ah.]

"Ano? Totoo ba 'yon...?" O pinapaasa mo lang ako?

[Well, there's no reason to deny it.] Hala ka. Nanlaki ang mata ako at napatayo sa inuupuan.

[Nung nawala ka, I'm really missing you. And that's when I admitted to my self that I like you. Actually, if I haven't taken an interest to you, I wouldn't reply at all in the very first place. But here it is...] Namula ang aking magkabilang pisngi at mas lumakas pa lalo ang kabog ng dibdib ko. [This Adriel likes you.]

Trusted LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon