[Cressida's POV]
October 26
Hindi pa rin nawawala sa isip ko 'ung kanina. Nakakalungkot na parang di siya naniniwala pero naiintindihan ko naman. Sabi niya, bago sa kanya lahat, lalo na ako. Kakaiba naman talaga ang ganda ko, 'no.
Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy na lang sa panonood ng movie sa TV namin. Nasa kanya na lang 'yon kung maniwala siya... o hindi.
Pero paano kung hindi nga? Titigil na ba ako?
Natigil ako pag-m-monotone dito sa sala namin nang tawagin ako ng nakababatang kapatid ko. Napataas ang kilay ko.
"Ate..." Tawag sa 'kin ni Cris.
"Oh? Tapos ka na maglaro sa phone ko?" Sa phone ko kasi siya naglalaro at bawal pa naman sa kanya ang mag-phone.
Hinayaan ko naman dahil kinakabahan ako sa reply ni Adriel sa sagot ko sa tanong niya. Hindi naman ako galit e', natatakot lang ako.
"Hehe..." Inabot niya sa 'kin ang phone ko at saka tumakbo papuntang taas. "Sorry!" Sigaw niya.
Kumunot ang noo ko. Anong ginawa nito sa phone ko?
Iniharap ko ang phone dahil binigay niya sa 'kin 'yon ng nakatalikod. 'Yon na lamang ang pag-init ng ulo ko nang makita kung bakit siya nag-sorry!
Pota. Binasag niya ang screen!
"Cris! Bakit ganito 'to?!" Gusto ko siyang ihagis sa kapitbahay!
Sinubukan kong buhayin pero ayaw niya! Sira na talaga siya!
Dali-dali akong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ni Cris. Wow, ni-lock ang pinto. Ah, ganon?
"Cris!" Kumatok ako sa pinto. Sadyang mararamdaman niya kung gaano ako kagigil sa kanya ngayon. "Anong nangyari?! Bakit nabasag 'to?!"
"Ate Cres! Sorry talaga! Hindi ko sinasadya, nabitawan ko sa may hagdan kanina kaya... Nahulog siya hanggang baba. Sorry talaga, Ate!" Napapikit na lang ako sa inis. My God.
"Ano?! Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Alam mo kung gaano kahalaga ang phone na 'to sa 'kin tas babasagin mo lang? Paano na 'yan ngayon? Mapapaltan mo ba? Ha?!" Huminga ako ng malalim. Shuta. Bata pa rin 'to.
Padabog akong bumaba sa hagdan namin at nakita si Mama na nasa dulo pala ng hagdan at parang kanina pa siya nakikinig.
"Oh? Ano 'yon, Cressida? Hmm?" Tsk. Bakit parang ako pa ata ang mamumura?
"E' Mama! Binasag ni Cris ang cellphone ko kaya ayan, wala na akong cellphone. Sira na!" Pinakita ko 'ung phone sa kanya at gusto kong maiyak na lang talaga dahil sa sobrang lala ng basag niya!
Nagpadulas ba naman sa hagdan namin mula taas pababa, makaka-survive ba 'yang phone kong hindi naman katibay sa haba ng hagdan namin?!
"Yaan mo na, bata e'. Paltan na lang natin, luma na rin naman ang phone mo, kaso sa katapusan ka pa mabilhan dahil ng sa sahod ng papa mo."
"Naku, 'Ma. Ayos lang po basta meron." Ngumiti ako pero naiinis pa rin ako sa kapatid ko. "Pagsabihan niyo po 'yong si Cris na 'yon, ha." Sumimangot ako.
"Oo, ikaw talaga." Umiling siya. "Makibalita ka na lang muna kay Harlene."
Tumango ako. "Opo, pwede pong pumunta ako ngayon sa kanila?"
"Gabi na ah. Tsaka baka makaabala ka."
"Hindi 'yon, 'Ma. Kapitbahay lang din naman natin 'yon. Uuwi po ako ng maaga!" Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.
"Sige. Ingat ha. 'Pag hindi ka umuwi ng alas-nuwebe, sa labas ka matutulog dahil lock na ang pinto," banta niya na alam kong ginagawa talaga ni Mama.
"Opo!" Sabi ko at dumiretso na palabas. Maayos naman ang suot kong short at shirt. Pwede na 'yon, kina Har lang naman e'.
Habang naglalakad papunta sa kanila ay napaisip na lang ako. Shems. Paano na kaya si Adriel? Mamimiss niya kaya ako? Napatawa na lang ako ng mahina.
Isang linggo din 'yon! Isang linggong walang mangkukulit sa kanya o mag-c-chat araw-araw. Ano kaya mararamdaman niya?
Baka lalong isipin no'n na 'di ako seryoso sa pagkagusto sa kanya kasi bigla na lang akong nawala. Parang naging ghoster tuloy ako nito.
Pero ako? Mamimiss ko siya. Kahit ang tipid ng reply niya at least may reply, mamimiss ko siya.
Sobra.

BINABASA MO ANG
Trusted Lies
Contomistake series two. an epistolary | completed. she gave her full trust, he paid it back with lies.