CHAPTER 14

2 1 0
                                    

We didn't do much the next day. Sobrang pagod kaming lahat dahil sobrang taas ng inakyat namin at anong oras na kami nagsipag-pahinga

Mostly academic activities ang ginawa namin sa sumunod na araw. Lahat ng mga nakuha naming points ay dadagdag daw sa grades namin

I was with my friends the whole day. Matapos kasi ang mga activities ay hinayaan na kaming maglibot at gawin ang ano mang gusto naming gawin. Siyempre, kailangan ay alam pa rin namin ang limitations para walang madisgrasiya

"What if punta tayo sa resort" mahinang sabi ni Cath habang sabay sabay kaming naglalakad

"Sira na ba ulo mo, baka mapagalitan pa tayo" sagot naman ni Kenzie sa kaniya

Tahimik lang kami ni Justine kasi nakain kami ng cheesecake na binili namin sa nagtitinda kanina

"Papasundo tayo kay Tito Millio"

Napatango ako sa naisip niya. Kilala si Tito sa buong Batangas at kilala rin siya ng teacher namin kaya siguradong papayagan kami. She contacted Karia to ask the favor. Nakaupo lang kami sa isang gilid habang siya ay nakikipagusap d'on

"Baka hindi tayo payagan" mahinang sabi ni Justine sa akin. Kumuha ako ng tissue sa purse ko at pinunasan ang labi niya, ang kalat niya kumain

"Papayagan tayo, magtiwala ka lang kay Catherine"

It took her minutes talking with Karia on the phone. May times pa na nasigaw siya kaya napapatakip kami ng mukha sa tuwing may nakatingin na tao sa'min

N'ong lumapit siya sa'min, tila malungkot ang mukha niya. Tumango nalang kami, tanggap na mukhang hindi kami pinayagan. I mean, si tito lang naman kailangan para makaalis kami rito at baka busy siya

"Guys.." mahinang sambit niya "Pinayagan tayo!malakas na sigaw niya kaya nagmamadali kaming pinatahimik siya

Bumalik 'agad kami sa hotel kung s'an kami nag-stay para magayos na ng gamit. Naghintay lang kami hanggang makarating si Tito Millio. We hugged him first bago kami sumama sa kaniya para magpaalam

"Oh! Mr. Elodive, how are you? It's great to see you here!" masiglang pagbati ni ma'am kay Tito Millio

"I'm fine. It's been a long time!"

Tiningnan niya kami kaya lumabas na kami ng hotel at sa van na naghintay. Van ang dinala ni tito kasi may mga gamit kaming dala at apat kami, hindi kasiya kung kotse ang dadalhin

"Ngayon lang ako kinabahan, p're"

I raised my middle finger at Catherine. She's panicking as if hindi kami papayagan. Sanay na sanay naman na siya sa ganito, dinaig pa ang first time

After almost twenty minutes bumalik si tito Millio at sinabing pumayag naman daw. Alam naman kasing secure at safe kami kay tito Millio. Kaunting oras lang ang biniyahe namin at mabilis naman kaming nakarating. Wala nga lang sila Seline dahil may special class daw sila

"He's our new friend, tito. You can call him Justine" pagpapakilala ko sa kaniya. Nawala kasi sa isip ko kanina

"Hello po, it's nice to meet you, sir" nakipag-kamay pa siya kay tito

"Hmm.. it's nice to see you again"

Umalis na din ito dahil may gagawin pa raw sa opisina. Umalis lang daw siya dahil tumawag si Karia sa kaniya. Again?! Baka nagmeet sila n'ong Christmas at hindi lang sinabi sa'kin

D'on muna siya pina-stay sa k'warto ni Leigh. Maayos naman d'on at may mga gamit na rin kaya hinayaan ko nalang. Hindi p'wede sa k'warto ni Tito o ni kuya dahil may mga gamit d'on na baka makita niya

My Love From The Past Where stories live. Discover now