"Huyy, bakit tulala ka riyan?"
Nagulat ako nang may biglang magsalita sa aking tapat ng hindi ko man lang napupuna.
"H-huh? Tulala? Ako? haha, 'di 'no."
"Iniisip mo pa rin 'yong nangyari kanina 'no?" tanong ni Caizer.
"Anong iniisip at saka bakit ka na naman ba narito? Ano na naman ba ang kailangan ninyo sa akin?!" reklamo ko.
Napatingin din ako sa table nilang lima at nakita sina Jaydhen na naroon at nakatingin rin dito.
Sinamaan ko sila ng tingin na kaagad naman nilang iniwasan iyon.
"Wala, gusto lang kita samahan."
Nagulat ako sa sinabi niya at biglang may naalala pero imposibleng siya ang taong iyon.
"No, thanks. Gusto ko laging mag-isa, saka 'di kita kailangan lalo na 'pag kasabay kumain."
"Oh, edi 'wag mo na lang ako pansinin, at kumain ka na lang diyan na kunwari ay wala ako rito."
"Diyan kana nga!" Sabay tayo at naglakad pero may mga babaeng bumunggo sa akin dahilan para matapon ang mga pagkain na nakalagay sa tray namin at parehas pa kaming natumba at natapunan ng pagkain.
"Ohh gosh! What did you do?! Alam mo ba gaano kamahal 'tong uniform at sapatos na 'to?! Goshh!" inarte na pasigaw ng babae na ikinangisi ko.
Tumayo ako at tinignan siya from head to toe. "Ohh? Really?" tinaasan ko siya ng kilay saka siya inikutan at pinagmasdan nang maigi ang bawat suot niya. "How much? Hundred pesos or 1k something? As I can see, 'yung texture niya is parang hindi katulad sa original," I pouted and smiled at her sarcastically. "Anyways, magkano ba gusto mo? For your information, kaya kong bayaran 'yan nang MAS MATAAS pa sa presyo ng pagkabili mo riyan," dagdag ko pa na ikinahiya at ikinapula ng mukha niya.
"Excuse me! You didn't know her! Kaya 'wag mo siyang sabihan ng ganiyan!" maarte na medyo pabebe naman sabi ng kasama niyang babae na nasa tabi niya.
"Ohh, who is she? 'di ko kasi talaga siya kilala. You should tell me your name ng makilala kita," sabay mapait na ngumiti sa kaniya.
"Well, she's the daughter of Sanvandes Family ang kompanya na sumikat noon hanggang ngayon."
I laughed because of what she've said dahil alam kong niloloko lang siya ng kaibigan niyang ipinagtatanggol niya.
"Ohh, Sanvandes Family...” I walked slowly around them. “I think I know that company," sabi ko.
Hindi maipinta ang mukha ng babae nang marinig ang sinabi ko. She knows what will I gonna say next.
"C-clara, let's go," kabado niyang sambit na binalewala ko na lamang at inialis ang tingin sa kanila.
"Oh, bakit? Natatakot ka ba riyan sa babae na 'yan?" matapang na sabi pa ng kaibigan nito.
I looked at my nails and played with it. "Well, I think you didn't know me too," I said then looked at them again with sarcastic smile.
"Sino ka ba?!"
"Well, She is the daughter of Peleques and soon to be the CEO of the Peleque's company," singit ni Cazer na nasa mesa pa nila nakaupo.
"W-what?!" Gulat na sabi ng impokrita nitong kaibigan na ang pangalan ay Clara raw?
"Well, now you know me. Then, should I introduce your friend to all of the students here?" prankang tanong ko.
YOU ARE READING
Malevolent Girlfriend [Under Major Revision]
RomanceThis story is under a major revision. I will still focus on my on-going story titled Solace so expect that this story will be updated slowly.