Nakarating ako sa bahay at kasama ang lima dahil hindi sila pumayag na si Zhyle ang maghatid sa akin.
"Umupo muna kayo, magpapalit lang ako saglit sa room ko. Kate tara, samahan mo 'ko," sabi ko at s'yempre natuwa naman ang gaga dahil ngayon lang sila nakapunta sa bahay namin at makakapasok pa siya sa kwarto ko.
Kaya ko naman maglakad kaso sa bawat hakbang ko kumikirot ang sugat ko kaya nagpapa-alalay na lang ako para hindi ito masyadong masakit.
"Wow, ang ganda naman ng kwarto mo" aniya na manghang mangha sa design ng kwarto ko.
"Sus, parang ngayon ka lang nakakita ng kwarto ah?" pang-aasak ko sabay tawa naming dalawa.
"Bihis lang ako," paalam ko at tumango naman siya kaya pumunta na ako ng dahan dahan sa closet at kumuha ng damit at pagkatapos ay pumunta sa banyo para magbihis.
Pagkalabas ko ay nakita ko lang siyang nakaupo sa kama ko at pinapagmasdan pa rin ang kwarto ko.
"Tama na pagtitingin diyan, baka gumuho na bahay namin kakatingin mo," biro ko sa kaniya at natawa naman kaming dalawa.
"Tara baba na tayo, ang ganda lang kasi ng kwarto at bahay niyo. Ang pinagka-iba lang natin is palaging naroon sila Mommy at Daddy kaya hindi ko magawa ang gusto kong gawin," aniya na nagpalungkot sa akin.
“Either me, doesn't have a freedom,” mahinang sabi ko kaya hindi niya narinig.
“May sinabi ka?” takang tanong niya.
"Ang sabi ko, mas buti pa nga 'yon," mahina kong sambit na ipinagtaka niya.
"Bakit naman?" takang tanong nito.
"Ha? Wala, never mind," sabi ko at inalalayan niya naman akong bumaba ng hagdan at umupo kami sa sofa kung saan nakaupo sina Cazer, Zhyle at Zuke kasama rin sina Calvin at Jorb.
"Kumusta naman 'yong sugat mo? Masakit pa rin ba?" tanong ni Calvin at halata namang may pake na ang lalaki paano ba naman tropa nila ang nanliligaw sa 'kin at halata namang takot sila kay Jaydhen.
"Ayos naman kaya p'wede na kayong umuwi." Sabay pilit na ngumiti sa kanila.
"Sungit mo naman pero kapag si Jaydhen na ang nandito baka palamunin mo pa kami ng marami," ani ni Jorb kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tss... Iniwanan nga lang ako no'n! Manliligaw ko ba talaga 'yon?"
Nagtinginan silang apat nang hindi ko alam kung ano ang kanilang iniisip pero wala na ako sa mood makipag-usap kaya pinauwi ko na silang lahat at nagpasalamat sa paghatid nila rito sa akin.
ꨄ︎ꨄ︎ꨄ︎
Dalawang araw akong hindi pumasok dahil sa sugat ko pero pinapahiram naman ako ng notes ni Kate kaya hindi ako nag-aalinlangan bumagsak at isa pa, medyo magaling naman na ako ngayon ngunit hindi pa rin ako nakapasok dahil hindi pa ako pinapasok ni Mom kaya nagbihis na lang ako at nagbalak pumunta sa mall.
As a model, I need to disguise for my own safety. Mahirap na at baka dumugin ako habang namimili that's why I just wear a crochet button down cardigan and inserted it on my fitted jeans. I also wear a black cap while my wavy hair half in front and half in my back. Mala korean style.
When I entered the mall, I stopped to the jewelry shop na hindi ko alam kung bakit at ang tanging nasa isip ko lang ay bumili ng relo para kay Jaydhen dahil parang bagay ito sa kamay niya ngunit naalala ko na baka asarin pa ako ng mga kaibigan nito kaya bumili na lang ako ng pito. One is for Kate and s'yempre pambabae iyon and the other two is for Jaydhen and Zhyle at yung apat naman siyempre ay para kina Calvin, Jorb, Zuke at Cazer.
YOU ARE READING
Malevolent Girlfriend [Under Major Revision]
RomansaThis story is under a major revision. I will still focus on my on-going story titled Solace so expect that this story will be updated slowly.