CHAPTER 77: SEA URCHIN..

11.3K 194 1
                                    

(Sherwin's POV)

"Kurt anong nangyari??"tanong ko


Bigla bigla na lang kasi silang umalis kanina eh.... kaya curious lang kung anong nangyari



Pero nung makita ko yung paa ni kj... sh** lang... sea urchin?!!!



Takte matapakan mo lang star fish okay lang wag lang sea urchin....grabe na experience ko na yun eh.. sobrang sakit.. pakiramdam ko nahihiwa yung paa ko eh...



Pero teka lang ano nga ulit yung ginawa ni mama saken noon.?? Vinegar.. tama..



"Kurt sandali lang may alam ako kung pano gagamutin yan.. sandali lang.. brian hanap kayo ng tweezers... "sabi ko




"Ge"sagot ni brian


"Steven may suka ba kayo dito??uhm michael init ka na rin ng tubig tapos lagay mo sa maliit na palanggana.. "sabi ko



Naalala ko na kung pano ginamot ni mama at papa yung paa ko noon...



"Are you sure about whats your doing??"tanong ni kurt



Nakatulog si kj siguro para hindi na nya maramdaman yung sakit. Well ganyan din naman yung ginawa ko noon.. okay na rin yan...



"Mabuti nang tulog sya.. kasi medyo masakit tong gagawin ko eh..."paalala ko



"I trust you Sherwin"sabi ni kurt



Hayy mabuti naman kurt... wag kang magalala kj.. gagaling din yang paa mo.. may utang na loob ako sayo.. kaya gagamutin ko yung paa mo... hehehe




Hinawakan ko yung paa nya at isa isang binunot yung mga spines ng sea urchin.. binilisan ko ang pagbunot para magamot agad kasi baka kumalat yung lason...hindi ako sigurado na mabubunot lahat sobrang dami ng spines eh.. nauubos na yata yung spines nung sea urchin na natapakan nya..





Si kurt halata sa kanya yung pagalala.. naku nakakamatay kaya pag natapakan mo yung sea urchin lalo na pag may lason.. tapos kumalat sa katawan mo.. kaya binilisan ko yung pagbunot..




"Sh** "mura ko nung may nabaling spines... takte...last na lang yun eh...pano ko na bubunutin yan??



takte naman talaga o.. ayoko namang gumamit ng karayom masakit din yon eh. Baka masuntok ako ni kurt ng di oras...




"Eto na yung mainit na tubig ." Sabi ni michael




Kaya kinuha ko yun tapos pinwesto sa ilalim ng paa ni kj... tinry ko muna yung tubig kong tama lang ang init...



Leche flan.. may balak bang si michael na sunugin ang paa ni kj??. Tsss....




"Tyler kuha ka muna ng tubig na hindi mainit"sabi ko



Tapos nung nakakuha sya binigay nya saken tapos nilagyan ko ng kaunti yung tubig na mainit tapos nilagyan ko ng vinegar... dahan dahan.. nilagay ko yung paa ni kj na natusok ng spines....




"Aray... ang init huhuhuhuhu"





Ayan na nga ba sinasabi ko eh..




"Kj.."sita ni kurt




"Waaahh ang init talaga..... "reklamo ni kj





When The Mafia Prince Meets The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon